You are on page 1of 5

Sulyap sa mga Batayang Konsepto

sa Akademikong Pananaliksik

Mga Simulain sa Pananaliksik: Etika at Halagahan

Maingat na binuo ang pananliksik. Ang pagtuklas ng mahalagang karunungan ay


sinasabayan ng obhetibo at kritikal na pagsusuri.

Narito ang mga simulain na nararapat sundin ng sinumang magsisimula ng anumang


uri ng pananaliksik (Resnik sa http://www.niehs.nih.gov/research/biothecs/whatis,
nakuha noong 2013). Maaaring tayahin ang kahandaan ng sarili sa mga sumusunod
sapagkat inihanda sa paraang tseklist.

Gawain 1

Handa ka bang taglayin ang mga sumusunod sa pagsasakatuparan ng pananaliksik?

Mga Simulain Handang- Maaari Hindi Hindi


handa Kailanman
Katapatan:
Matapat mo bang itatala at
iuulat ang mga datos, resulta
pamamaraan at estado ng
publikasyon ng iyong
pananaliksik?

Obhetibo:
Wala bang magiging
pagkiling sa pag-aanalisa at
interpretasyon ng inyong
datos.

Integridad:
May konsistensi ba ang
kaisipan ng pananaliksik?
Maingat:
Magiging maingat ka ba sa
pagkakamali? Magiging
maingat ba ang iyong pagsuri
sa iyong saliksik?
Paggalang sa Intelektwal na
Pag-aari:
May kakayahan ka bang
igalang ang patent,
karapatang-ari at iba pang uri
ng intelektwal na pag-aari?
May kakayahan ka bang
humingi ng permiso para sa
paggamit ng mga datos? May
kakayahan ka bang maibigay
ang nararapat na
pagkilala/kredito para sa
mga sanggunian?
Pribado:
May kakayahan ka bang
protektahan ang mga
mahahalagang tala at nakalap
na personal na mga datos?
Responsableng Paglalathala:
Makakapaglathala ka ban g
para sa pag-unlad ng
pananaliksik at akademya at
hindi lamang para sa
pangunguna ng karera?
Responsableng Paguturo:
Magkakaroon ka ba ng
panahon na magbabahagi,
magturo at gumabay ng mga
mag-aaral sa kanilang
pananaliksik?
Panlipunang
Responsibilidad:
May kakayahan ka bang
itaguyod ang panlipunang
kabutihan sa pamamagitan
ng pananaliksik,
pampublikong edukasyon at
abogasya?
Kakayahan:
Taglay at kaya mo bang
paunlarin pa ang iyong mga
kakayahan at kahusayan sa
pamamagitan ng
panghabambuhay na
edukasyon at pagkatuto?
Legalidad:
Sa pagbuo ng saliksik,
nalalaman at makasusunod
ka bas a mahalagang batas at
polisiya ng institusyon at
pamahalaan?
Proteksyon sa Paksang
Sinaliksik:
Sa pagsasagawa ng saliksik
na may kinalaman sa tao
bilang paksa, maibibigay ba
ang respeto, pagiging pribado
at kalayaan? Magiging
maingat ka bas a pagtatakda
ng kahalagahan ng
pananaliksik?

Upang mas lalo pang magkaroon ng reyalisasyon sa etikal na saliksik at pagiging


mananaliksik, nararapat na maging malinaw ring sipatin ang kabilang mukha nito.
Tunghayan ang mga sumusunod na sitwasyon saka tayahin kung personal mo na itong
nararanasan sa nakaraang pagsasagawa ng saliksik (mula pa rink ay Resnik sa
http://www.niehs.nih.gov/research/bioethics/whatis,nakuhanoong2013). Isinaayos
ang mga konsepto sa paraan pa ring tseklist.

Gawain 2
Naisagawa mo na ba ang mga sumusunod sa pagsasakatuparan ng pananaliksik?

Gawain Hindi Malimit Madalas


Kailanman
Pagsumite at paglathala ng papel sa
dalawang magkaibigang dyornal nna walang
pasabi ng mga editor
Hindi pagsabi sa kasamang mananaliksik sa
intension para sa patent nang sa gayon ay
personal na makinaban sa lathala ng papel
Pagsama ng ibang tao bilang awtor ng papel
kahit walang seryosong kontribusyon sa
pagsasagawa ng saliksik
Ginagawang paksa ng usapan ang mga
pribadong datos na mula sa saliksik
Pagkaltas ng mahalagang datos nang walang
naglalahad ng kadahilanan sa aktwal na
papel
Paggamit ng hindi angkop na estadistikang
teknik
Hindi pagdaan ng saliksik sa pagsuri ng
papel o iba
Pagbabahagi ng resulta ng saliksik nang hindi
dumaan sa pagsusuri ng panel o iba
Pagsasagawa ng rebyu ng literature nang
hindi kinikilalaang pinagkunan at mga
sanggunian
Kawalan ng kaayusan sa pagtatago ng
mahalagang tala at datos para sa saliksik
Pagsabotahe sa saliksik ng iba

Pagkuha at pagbuo ng kopya ng datos,


saliksik, at programa sa computer nang
walang pahintulot

Ang pagtaya sa kahandaan at taglay na halagahan ng mananaliksik ay makatutulong sa


pagtatagumpay ng obhetibo at etikal na akademikong pananaliksik.

Uri ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay maaaring isagawa sa larangan ng akademya ay makilala sa


layunin bilang batayan (basic) at isinapraktika (applied).

Ang pananaliksik ay batayan (kinikilalang tradisyonal din) kung ang layon ay


makabuo ng teorya na maaaring tumugon sa suliraning tinutuklas. Samantala,
isinapraktika naman kung nais subukan ang bias ng prdukto ng batayang batayang
pananaliksik. Ito ay maaaring nasa tipo ng pag-aaral para makabuo ng pagkilos na
tutugon sa suliranin (action research), pagtataya sa epekto at pagsuri sa bias ng isang
teorya o programa.

Sa larangan ng wika, narito angilang halimbawa ng mga isinapraktikang saliksik na


inilahad sa Ikatlong Internasyonal na Kumperensya tungkol sa Filipino bilang Wikang
Global na may temang Ang Wika at Kulturang Filipino: Iba’t Ibang Isyu at Hamon ng
Siglo 21, Agosto 3-5, 2012. (Piniling ilagay lamang ang pamagat, maikling mga patunay
at ngalan ng mga mananaliksik. Para sa nais na sumangguni tungkol sa saliksik,
maaaring makipag-uganayan gamit ang mga address ng kanilang e-mail.)

Patunay ng Pagiging
Pamagat Isinapraktikang Pananaliksik
“Pagtataya sa Antas ng Pag-unawa sa Pagbasa
ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo Tungo sa Ginamait ang isang standardized test sa
Mabisang Pagtuturo ng Filipino,” maunawang pagbasa upang mataya ang
ni Norbert Calinggan Lartec ng University of antas ng pag-unawa sa pagbasa.
Cordilleras, nclartec@yahoo.com
Assessment ng Programa sa Pagtuturo ng Ibinatay ang pag-aaral sa konsepto ni
Filipino para sa Dayuhang Mag-aaral sa FEU: Cohen (1994).
Isang Basehan sa Paggawa ng Limang Taong
Plano ni Dr. Emmanuel Signo Gonzales ng Far
Eastern University, manpoltaz@yahoo.com
Sampung Larong Pangklasrum bilang mga Inilipat sa Pag-aaral ang Flanders System of
Alternatibong Lapit sa Pagtuturo ng Filipino ni Interaction Analysis at ang Systems Theory
Dr. Rogelio L. Gawahan ng Xavier University – ni Zwaenepoel.
Ateneo de Cagayan, rgawahan26@yahoo.com

Makikilala rin ang espisipikasyon ng terminong pananaliksik sa pamamagitan ng iba’t


ibang uri nito batay sa pamamaraan.

Ang pananaliksik ay maituturing na historikal, deskriptib o eksperimental. Ang


pangkalahatang layunin sa tatlo ay maglarawan kaya lamang ang tuon ay nagkakaiba.

Pamamaraan ng Tuon ng Pagkilala Halimbawa


Pananaliksik Paglalarawan

Sinisikap lamang na Bakas ng Subersiyon:


Historikal Sa naganap ilarawan ang Martial Law at Dekada
kondisyon o 70 ni Karl Christian
penomena Alcover ng University
of Hawaii at Manoa,
karlchri@hawaii.edu.
Diskurso at Pagtutol:
Sa kasalukuyang Sinisikap ding Naratibong
Deskriptibo nagaganap ilarawan ang Testtimonyal sa silid-
kondisyon o aralang Pangwika ni
penomena Noel Christian A.
Moratilla ng St.
Scholastica College,
nomoral@yahoo.com
Ang Filipino bilang
dayuhang wika sa
Sa magaganap Nagkakaroon ng Malaysia: Pagtaya sa
manipulasyon sa kahusayan ng mga
kapaligiran upang Estudyante
Eksperimental Makita ang ni Maria Khristina S.
pagkakaiba at Manuel ng
epekto Theologische Hochscule
Reutlingen,
grupintar@yahoo.com,
Francis Perlas Dumanig
(fdumanig@yahoo.com)
at Rodney C. Jubilado
(rcjubilado@yahoo.com)
ng University of
Malaya

Gawain 3

Saliksikin Mo

Sumangguni sa mga web sites at bumasa ng mga abstrak ng mga saliksik (tisis
disertasyon at mga journal.) Pumili lamang ng isa at maghanda ng balangkas ng mga
nabasa batay sa pormat sa ibaba:

I. Pamagat ng Saliksik

II. Ngalan ng Sumulat/Taon ng Paglathala

III. Uri ng Pananaliksik Batay sa Layon ( Batayan ba o isinapraktika? Patunayan.)

IV. Uri ng Pananaliksik (Patunayan)

V. Proseso ng Pagtuklas sa mga kasagutan

VI. Resulta/Natuklasan (Buod)

Isulat Dito:

You might also like