You are on page 1of 18

Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Sa Panahon ngayon ang kuryente ay isa sa pangunahing Pangangailangan ng tao

ngayon sapagkat halos lahat ng bagay o gamit ng tao ay Ginagamitan na ng kuryente. Mula

sa pinakamaliit na bagay hanggang sa pinakamalaki tulad ng ilaw, telebisyon, Radio,

Refrigerator hanggang sa gamit pangluto at iba pang gamit sa bahay na ginagamitan na ng

kuryente. Pati na rin sa naglalakihang kumpanya, kuryente na rin ang nagpapagana sa mga

kagamitan dito. Tulad ng computer, printer at marami pang iba. Ayon sa Webster ang

kuryente ay isang anyo ng “enerhiya” na dumadaloy sa pamamagitan ng “wires” na

pinapailaw sa mga ilaw at iba pa. Kaya sa panahon na ito mayroong pangangailangan ang

mundo sa mga “electricians” may bahagi ng mundo ang nangangailangan ng mga ito, kaya

naman ito ay isinama sa mga tracks ng Technical Vocational and Livelihood (TVL) –

Electrical Installation and Maintenance (EIM), ngunit nagkaroon rin ng problema ang mga

estudyante kaya ang hangarin ng pamanahong papel na ito na matukoy ang mga ito sa

pamamagitan ng mga estudyante na nakakaranas mismo nito.

Sa kasalukuyan maraming nararanasang problema ang bansa tulad ng pagtaas ng

mga bilihin na nakakaapekto sa mga manggagawa na nakakaapekto sa mga estudyante,

tulad ng mga estudyante ng EIM. Isa ang mga problemang pinansyal sa mga problema ng

mga ito. Lalo na’t ang mga estudyante ng EIM ay mayroong “specialization” o ang

kanilang pag-aaral tungkol sa kuryente. Nangangailangan ang mga estudyante ng mga

materyales o gamit tulad ng tools, wire’s, outlet, tubo, at marami pang iba. At Dahil hindi
naman lahat ng estudyante ng EIM ay may kaya sa buhay kaya isa ito sa mga nagiging

problema, dahil sa problemang pinansyal ay lumalabas din ang isa pang problrma, ang

problema sa kakulangan ng gamit dahil hindi nabibili ang gamit na kanilang kinakailangan

at minsan ang kakulangan sa gamit ay nanggagaling din sa mga din sa mga eskwelahan,

dahil hindi ito naibibigay ang gamit na kailangan ng mga estudyante kaya hindi nagagawa

ng mga estudyante amg kanilang tungkullin.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag aaral na ito ay sinasagot ang mga sumusunod na tanong ukol sa mga

problemang kinakaharaap ng mga styudante ng EIM.

1. Ano ang mga problemang kinakaharap ng mga styudante ng EIm sa Tarlac

National High School (Main)?

1.1 Positibo

1.2 Negatibo

2. Paano nakakaapekto ang mga problemang ito sa pag aaral ng mga styudante ng

EIM sa Tarlac National High School (Main)

a. Pisikal

b. Pinansiyal

3. Ano ang mga implikasyon ng pananaliksik na ito sa mga styudante ng Tarlac

National High School (Main)


Kahalagahan ng Pag aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito sa mga styudante ng EIM sa Tarlac

National High School (Main) ay kanilang malalaman kung ano ang mga paraan upang

kanilang malampasan o mapaghandaan ang mga problemang ito.

At sa mga styudanteng nag paplanong kumuha ng kursong Electrical installation

and Maintenance (EIM) upang magkaroon sila ng ideya kung ano – anong problema ang

kanilang maaring harapin sa pag pasok sa kursong ito.

Sa mga guro at magulang upang malaman nila kung ano ang mga problemang

kinakaharap ng kanilang mga anak at styudante. At kung ano ang kanilang magagawa

upang matulungn ang mga ito sa mga kanilang problemang kinakaharap

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag aaral ay isinagawa upang malaman ang mga problema. At kung paano

nakakaapekto ang mga ito sa pag aaral ng mga styudante ng EIM sa ilalim ng Senior High

School ng Tarlac National High School (Main).

Sumasaklaw ang pag aaral na ito sa mga mag aaral ng Tarlac National High School

(Main) sa ilalim ng kursong Electrical installation and Maintenance (EIM) at

nakakaapekto sa pag aaral at kung paano nila ito hinarap.


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga libro at internet upang maka kuha ng

karagdagang impormasyon at datos. Upang mapalawak ang pananaliksik na ito

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Apekto – ito ang mga negatibong pangyayari o kaisipan na nagiging resulta ng mga

problemang kinakaharap ng mga styudante ng EIM.

Electrical installation and Maintenance (EIM) – ito ang kurso sa ilalim ng senior

high school kung saan pinag aaralan ang kuryente.

Senior High School – ito ang pinaka mataas na antas sa ilalim ng sekondaryang pag

aaral.

Suliranin/Problema – ito ang mga pangyayari na nagiging hadlang sa nais makamit

ng mga styudante ng EIM.

Solusyon – ito ang mga paraan na maaring gawin ng mga styudante sa EIM upang

kanilang mapag tagumpayan ang mga problemang nilang kinakahap.

Resulta – ito ang paglalahad ng kinalabasan ng pag aaral na ito.

Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag aaral at Literatura

MANILA, Philippines - Ikinabahala ng Department of Education (DepEd) ang patuloy na

pagda-drop out sa paaralan ng ilang mga estudyante.


Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) Kinumpirma ni Education Secretary Armin Luistro

na patuloy ang pagtigil sa pag-aaral ng ilange estudyante bunsod ng maraming kadahilanan.

Ilan aniya sa mga ito ay ang pangangailangan ng mga bata na tumulong na sa gawain o pag

hahanap buhay ng magulang dala ng labis na kahirapan, habang ang iba naman ay maagang

nag-aasawa.

Ilan naman umano ang nagda-drop out dahil sa mahinang katawan sanhi ng malnutrition,

paghihikahos sa buhay, at maging matinding problema sa pamilya tulad ng paghihiwalay

ng magulang.

Iniulat rin ng DepEd na apat sa bawat 10 batang tumuntong sa Grade 1 ay hindi

nakapagtatapos sa high school dahil napipilitan silang tumigil sa pag-aaral bunsod ng

maagang naatang sa kanila ang maraming obligasyon sa pamilya.

Tinayang mahigit sa anim na milyon ang out-of-school youth sa bansa. Kaugnay nito,

ikinasa ng National Youth Commission ang Abot Alam, katuwang ang DSWD at DILG

kung saan hahanapin ang mga out-of-school at aakayin na pumasok sa paaralan.

K KA LANG? Ni Korina Sanchez(Pilipino Star Ngayon) KUNG maghihigpit na ang HPG

sa mga tricycle at pedicab na dumadaan sa EDSA, maghihigpit na rin daw sila sa mga

pumaparada sa Ortigas Ave. Ito ang mga sasakyan na sumusundo samga mag-aaral sa La

Salle Greenhills. Mistulang parking lot nga ang Ortigas kapag palapit naang labasan ng

mga mag-aaral. At dahil hindi naman talaga ito paradahan ng sasakyan, nagiging sanhi ng

matinding trapik sa lugar sa mga oras na iyon. Makikita natin kung talagang mapapatupad

ng PNP-HPG ang bagong patakarang ito sa Ortigas Ave. Karamihan sa mga nag-aaral sa

La Salle ay anak ng mga maimpluwensiya atmayayamang magulang. Kapag mahigpit na


ipinatupad na ang paghuli at paghila sa mgasasakyan na pasaway pa ring paparada sa

Ortigas, sigurado may magagalit diyan, sigurado may aangal diyan, sigurado lalabas ang

mga padrino at kilala diyan. Ito nga ang nagiging problema ngayon ng mga lugar kung

saan may mga paaralan. Paraminang parami taun-taon ang bilang ng mga mag-aaral, pero

hindi naman lumalaki ang kanilang campus, o hindi naman nadadagdagan ang mga

paradahan nito. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ng La Salle kapag ipinatupad na

ang “no parking” sa Ortigas. Hindi naman puwedeng hindi masundo ang mga bata, lalo

na kapag umuulan. Dapat may plano na ang LaSalle at HPG kung paano ang magiging

daloy ng trapik ng mga sumusundong sasakyan.Baka isa sa mga solusyon ay ang school

service. Karaniwan ay isang mag-aaral lang angsakay ng bawat sasakyang sumusundo sa

mga paaralan. Kumpara mo sa school service na marami ang sakay. Kaya kung 16 na bata

ang masasakay ng school service, 16 na sasakyan ang nabawas na sa kalsada. Alam ko

noong araw ay uso ang school bus. Ngayon, parang walana akong nakikita. Ang naging

daing ng ilang mga kaibigan ko ay kapag malayo ang kanilangtahanan sa paaralan, mga

anak nila ang unang nasusundo papasok at huling nahahatid pauwi, kaya laging pagod ang

mga bat. Ito ang mga perwisyong dulot ng trapik. Kaya lahat ng maaaring solusyon ay

sinusubukan na ng HPG. Sang-ayon ako sa pagbawal ng mga tricycle at pedicab, hindi lang

sana sa EDSA kundisa iba pang mga pangunahing kalsada tulad ng Quezon Ave.,

Katipunan at Aurora. Sang-ayondin ako na ipagbawal na ang pagparada ng mga sasakyan

sa Ortigas, partikular ang pagsakop nila ng tatlo o apat pa ngang lane ng kalsada. Pero

kailangan may solusyon din para sa mgasumusundo ng mga bata.

(Paul Aries A. Estrella) Pagliban… isang malaking suliraning kinakaharap ng mga

kabataang mag -aaral sakasalukuyan. Ngunit paano nga ba natin ito masusulusyunan? Ano
ang masasamang epektonito sa ating mga kabataan? Ano ang mga sanhi at bunga nito? At

bilang isang mag-aaral, paano nga ba ako makakatulong sa pagsugpo nito? Papaano

maiiwasan ito? Sa papaanongparaan ito masusulusyunan ng mga ahensya ng pamahalaan?

Marahil, isa sa mga nalalamankong dahilan nito ay ang KAHIRAPAN.Marami sa mga

kabataan ngayon ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, gustuhin man nilangmakapasok

sa paaralan ay wala silang sapat na pambaon upang makapasok. Ikalawa ay

angPROBLEMA SA PAMILYA. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga mag-aaral

aynakakaisip ng mag-cutting classes dahil sa sama ng loob sa mga magulang. Away siguro

ngaway ang kanyang mga magulang kaya naisip niya na magbulakbol na lamang sa mga

ito. Atang panghuli ay ang IMPLUWENSIYA NG MASASAMANG BARKADA, ang

masamang dulot ngmodernong kabataan na isa ring suliranin ng bayan. Maraming

masasamang epekto angnakikita ko sa suliraning ito.Una sa lahat, pag madalas na ang

pagliban ng mag-aaral sa klase ay maaaring ibagsak ito ng kanyang tagapayo. Sumunod

dito ang tuluyan ng paghinto nito sa kanyang nasimulang pag-aaral. Liliit ang pagkakataon

nitong magkaroon ng maayos at marangal na pamumuhay sahinaharap. Maaari pa silang

maging tambay lang sa tabi-tabi at malulong sa mga krimen. Dahilnaniniwala ako na ang

pagkakaroon ng EDUKASYON pa rin ang ating magiging gabay sa pag-unlad at ito

lamang ang pamanang mananatiling taglay natin sa pagtahak natin sa panibagongyugto ng

ating buhay. Bilang isang mag-aaral, dapat siguro na ipagbigay-alam sa mga

magulang kung ano ang dahilan ng pagliban ng anak sa klase. Nararapat din na intindihin

ngguro ang kalagayan ng mag-aaral kung may kinakaharap man itong problema. Dapat din

natingkausapin ito ng maayos upang mailantad ng mga mag-aaral ang mga problemang

kinakaharapnito.Sa aking palagay, nararapat siguro na magbigay ng mga scholarships ang


pamahalaan parasa mga deserving students. Sa ganitong paraan, maiiwasan na ang

pagliban ng mga mag-aaralsa klase. Pero para sa akin, ang PAGMAMAHAL AT

PAGGABAY pa rin ng mga magulang angmabisang paraan upang malunasan ito. Dahil

kung pupunan ng mga magulang ng pagmamahalang kanilang mga anak ay hindi na nila

maiisip na magbulakbol sa pag-aaral, sa halip ayPAGBUTIHIN pa ito.Sa panahon ngayon,

marami-rami na ring mga estudyante ang binabalewala nalang ang pagpasok sa klase.

Minsan ang kadahilanan nito’y ang masasamang impluwensya ng barkada o kung minsan

naman ay may sapat at katanggap-tanggap na dahilan ang mga mag-aaral. Sinabi ng ating

pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag asa ng bayan.”

Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismoay tumutungo

sa maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang

kinabukasan. Alam natin na ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto sa

atingkinabukasan. Marami silang nalilibanang mga paksa sa klase, at dahil dito,

makakaapekto ito sakanilang mga grado at maari rin tong maging dahilan upang bumagsak

sila at umulit nanamansa asignaturang iyon.

Filipino “Isang Kabataan” “batang bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at

intindihin sa mundo,…iyan ang totoo”.Mga salita mula sa isang klasikong awitin ng

grupong APO Hiking Society na tumatalakay sakakulangan pa sa kaalaman sa mga bagay

bagay sa mundo ng mga kabataan. Subalit tila sapanahon ngayon, sa dami ng maaaring

panggalingan ng impormasyon at maging sa pananawna rin ng nakatatanda ay tila

nawawala na ang kahulugan nito.Sa internet maging sa social and traditional media araw

araw tayong inuulanan ng iba’t ibang impormasyon. Kadalasan sa hindi, walang kontrol

ang mga impormasyon na nakukuha na kabataan kung kaya humahantong ito sa


maling pag-aakala na alam na nila ang lahat ngbagay.Marami tayong makikita sa mga

social networking sites na mga bata na may mga account nakung hindi sila ang gumawa ay

mismong mga magulang pa ang bumuo para sa kanila.Puedeng ito ay para sa

komunikasyon rin lalo na kung nasa malayong lugar ang magulang.Wala sigurong

problema kung nababantayan ng maigi ang mga kabataan sa paggamit ng mgasites na ito.

Pero mas madalas na hindi sila naoobserbahan.Maraming bagay ang nakikita rito. Ang mga

bagay na ito ay nagkakaroon ng iba't ibang epektosa isipan ng mga nasa menor de edad.

Maaaring ito ay mabuti, pero maaari ring masama.Makikita pa natin minsan na sa mga

usapang pang-matanda ay may mga bata na “sumasali” na sa usapan at kadalasan pa ay

makikipagtalo sa mga higit na nakakatanda sa kanila. Wala nayung panahon noon na pag

sumasagot ang bata sa matanda o kaya ay sumasabat sa kanilangusapan ay siguradong

mapapagalitan o di kaya ay mapapalo. At isa sa malalalang pangyayari na dahil sa kawalan

ng pagantabay ay ilang beses na ring maymga kabataang napahamakat napariwarasa

walang disiplinang paggamit ng social networkingsites.

Malaki na ang pinagbago sa uri ng pagdidisiplina sa kabataan. Nakikitang “marahas” ng

marami kung paano dinidisiplina ang mga kabataan noon kumpara sa ngayon. May ilan pa

na maybatayan pang mga pag-aaral sa psychology ang pagpuna sa pagdidisiplina sa

kabataan atkadalasan na ang pag-aaral na ito ay galing sa kanlurang bahagi ng mundo. Ang

“childspanking” bilang ng mundo tuladdito sa tin sa Pilipinas maging sa malaking bansang

tulad ng China. May mga aklat pang naisulat patungkol sa ganitong uri ng pagdisiplina at

paanong nahubog ang pagkatao ngsumulat nito. Sa west naman,sa panahon ngayon ay

maaaring ika-kulong pa ng mga magulangkung pagbubuhatan ng kamay ang kanilang

anak. Maaari pa itong mangyari kapag ang anak pamismo ang nagsumbong sa kinauukulan
at pag naipasa pa ang isang sinusulong nilang batas, maaari pa itong humantong sa

"habambuhay na pagkakakulong" sa magulang.Sabi sa ilang pag-aaral na nagbubunga raw

ng “anxiety and aggression”sa kabataan angpagbubuhat ng kamay sa kanila. Sa paglaki

raw ng kabataang napapalo ay mas malaki angtsansa na maging mas agresibo at bayolente

sila kumpara sa hindi. Tulad ng nabanggit saitaas, hindi normal sa kanluraning mga bansa

ang pamamalo ng anak bilang pagdisiplina. Perobakit tila mas marami tayong nalalamang

mararahas na mga krimen na ginagawa ng kabataansa mga bansa tulad ng Amerika? May

mga namamaril, nambubugbog at pumapatayng hindi lang iisang tao kadalasan at ang

gumagawa ay mismong kanilang mga kabataan. Masnakikita rin natin ang pagiging mas

agresibo at kadalasang pagsuway sa magulang kumpara samga kabataan sa mga bansa sa

silangan. Pero sa panahon ngayon, tila dun na rin papunta angating bansa sa ganoong

sitwasyon.Dalawang bagay ang mainit na napaguusapan sa ating bansa ngayon na nauukol

sa kabataan,una ang Juvenile Justice Law at pangalawa ay ang ruling ng DepEd sa teachers

na BawalSumimangot

Sa Juvenile Justice law, maraming karapatan ng kabataan ang pinatibay sakabila ng

kanilang maaaring pagkasangkot sa krimen. Hindi sila maaaring kasuhan at itrato natulad

ng matatanda na nagkasala sa parehong krimen at kung sakali man na gumawa ng

dimaganda ang biktima o kahit sino laban sa mga batang nagkasala ay maaari pa silang

kasuhan ng child abuse. Sa “bawal sumimangot rule" naman ng DepEd ay pinagbabawal

na ang pagsimangot ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Hindi ko lang alam kung

kahit tipong may dysmenorrhea, migraine sila o talagang may ginawang kabulastugan ang

mga bata aybawal pa rin silang sumimangot.Sa ngayon ay napakarami nang kabataang
nasasangkot sa krimen. Gaya ng mga tinagurian hamog boys na nagnanakaw sa mga

pumapasadang drivers at kadalasan ay nananakit pa.

Meron ding mga pumapatay at nanggagahasa pa. Talagang kalunos lunos ang sitwasyon

ngmga kabataang ito. Ang tanong ay nasan kaya ang kanilang mga magulang? Hindi ba

nilakayang kontrolin o disiplinahin ang kanilang mga anak hanggang humantong sila sa

ganito?Sa kabilang banda naman, ipinagbabawal na daw ang pagsimangot ng mga guro sa

mga mag-aaral sa kadahilanang marami ang “nadidiscourage” na mga kabataan at

nahahantong pa ito sakawalan ng gana na mag-aral. Pinakita pa sa isang balita na may isang

kinse anyos na bata nahindi na pumasok sa eskwela dahil palaging pinapagalitan ng guro

at maging ng principal.Grade 2 lang ang inabot ng batang ito. Ano kaya ang ginawa ng

magulang at hinayaan naganito na lang ang abutin ng kanilang anak? Kung pinag-iinitan

man ang kanilang anak, anokaya ang dahilan? At bakit hindi nila kinausap man lang ang

guro at ang kanilang anak paramaayos ito?Sa aking karanasan, marami akong mga nagging

guro na masasabi nating “terror”. May ilan na matalim talaga ang mga salitang binibitawan

at may ilan pa na may mga pisikal napagdidisiplina sa estudyanteng matigas talaga ang ulo

tulad ng pagpalo sa kamay, pag pingot ,pagpapalabas sa klase at iba pa. Subalit ang mga

gurong ito ang siya ring mas tumatak at nakapagbigay ng disiplina sa maraming mag-aaral

na kanilang nahawakan.Sa dalawang kautusang ito ay para nating ginapos ang kamay ng

dalawang ahensya paradisiplinahin ang ating kabataan. Una ang kapulisan at pangalawa ay

ang mga paaralan. Inalisannatin ng ngipin ang mga ito para disiplinahin sana sa maling

gawa ng ating mga kabataan. Ayossana ito kung sa mga tahanan pa lamang ay nadidisiplina

nang maigi ng mga magulang angkanilang mga anak. Subalit ayon na rin sa ating mga

nakikita sa paligid ay humahantong pa samas malalang bagay ang dulot ng kawalan ng


disiplina ng mga bata mula sa mga pabayangmagulang.Kung hindi kayang disiplinahin ng

maraming magulang ang kanilang mga anak, at aalisan panatin ng kakayahang disiplinahin

ng lipunan ang ating mga kabataan, sino na lang angmatitirang magdidisiplina at magtuturo

ng tamang pamumuhay sa mga musmos na kaisipan? Saan Patungo ang Lumalalang

Disiplina ng Kabataan?

Sa Pilipinas, matapos magsimula ang pagbubukas ng klase sa mga eskuwelahan

noongnakaraang buwan ng Hunyo ay marami pa rin ang mga balakid sa pag-aaral ng mga

estudyantesa loob at labas ng eskuwelahan.Maraming bagay na nakakatukso at nagiging

dahilan ng pagbagsak sa klase ng isangestudyante:1. Ang paglalakwatsa, lumi-liban sa

klase kahit mag-isa lang ay natututunan ang mamasyal atmaglibang sa mga Malls o

kadalasan ay may kasama rin na mga kaklase at kabarkada.Ginugugol nila ang kanilang

oras sa pagtambay o panonood ng sine.2. Pag-uwi ng bahay ang labis na panonood ng

telebisyon at pagkagising sa umaga, bubuksanang cellular phone magti-text o gagamit ng

internet para makapag-facebook. Gagamit ngcomputer hindi upang magri-research ng

kanilang assignment kundi maglaro ng DOTA.

3. Napupuwersa sa sobrang dami ng takdang-aralin na ibinibigay ng ilang paaralan, at ito

angnagiging dahilan ng pagkawala ng interes ng isang estudyante sa pag-aaral lalo na

kungnauuwi sa wala ang kanilang pagsusumikap.4. Ang pakikipagrelasyon ng maaga

sa kapuwa estudyante ay nagbibigay ng kaguluhan okalituhan ng isipan lalo na kung ang

kanilang karelasyon ay sobrang demanding sa oras paramagkasama sila. Nawawalan na ng

oras sa pag-aaral at sa karelasyon na lang nabubuhos angpanahon.5. Problemang

dumarating sa murang isipan ng isang estudyante na nakababagabag ngkanyang isipan.

Mga problema sa personal life n’ya, problema sa pera at sa magulang, mas


mahirap kapag pumasok ang problema sa kanyang karelasyon, madaling maapektuhan

angpag-

aaral ng isang estudyante kapag may problema s’ya sa puso.

6. Walang pokus sa pag-aaral lalo na at mas higit na binibigyan ng pansin ang mga

materyalna bagay o ibang pagkakaabalahan.7. Kawalan ng pananagutan sa ginagawang

pag-aaral. Walang pakialam sa magiging resulta

ng kanyang kapabayaan sa mga subjects n’ya.

Mas gusto pa na kasama ang mga kabarkadakaysa sa mag-aral.

MGA DAHILAN KUNG BAKIT BUMABAGSAK SA KLASE

Public school personnel, most especially teachers, are at the very forefront of the delivery

ofeducation to millions of students, day in and day out. With large class sizes, multiple

shifts eachday, and the heavier tasks they have to assume under K to 12, any one of them

can attest thatinstilling discipline in their classrooms has become increasingly difficult.This

heavy burden of teachers is aggravated by the lack of institutional support in the form

ofstandards in classroom management, training on these standards and the permissible

andeffective methods of instilling discipline, guidance counselors to act as support

personnel, andlegal assistance and representation.While child protection is indispensable,

teacher protection is also a must. To this end, this billseeks to lay down institutionalized

support mechanisms for teachers and school personnel inmatters of classroom management

and student discipline. The first is a mandate on DepEd toissue and implement a student

manual. DepEd is also proposed to provide pre-service and in-service training for DepEd

personnel on child behavior and psychology, classroom managementtechniques, positive


discipline, and other related fields. Also proposed are measures to protect teachers and

school personnel in cases related tostudent discipline and classroom management,

including legal assistance and representation bycounsel and union or association

representatives. Furthermore, confidentiality of proceedingsand the identity of all parties

are directed.

HOUSE BILL NO. 5735 Student Discipline and Teacher Protection ActIntroduced

by ACT Teachers Party-List Representative Antonio L. Tinio


Kabanata III

Disenyo ng Pananaliksik

Upang makakalap patungkol sa suliranin ng pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay

nagsagawa ng tungkol sa “problema at karanasan ng mga estudyante ng EIM sa TNHS

main”. Ang pag-aaral ay gumamit ng “qualitative research” bilang dulog sa pag-aaral ito

ay pamamaraan ng mga impormasyong di nasusulat.

Ito ay paraan ng pangangalap ng mga datos o impormasyon ukol sa kasalukuyang panahon.

Repondante ng serbey

Sa pag aaral na ito ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu o pagtatanong na

patungkol sa mga problema at karanasan ng mga estudyante ng “EIM” sa “TNHS MAIN”.

Ang mga respondante ay nanggaling sa mga estudyante ng “EIM” sa “TNHS MAIN”. Sa

pamamagitan ng “narrative analysis” na gagamiting “metodolohiya” sa interpretasyon

upang matugunan ang kailangang kasagutan sa suliranin ng pananaliksik na ito.


Instrumentong Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng panayam ukol sa “problema at

karanasan ng mga estudyante ng EIM TNHS main” . Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa

pamamagitan ng panayam sa ilang estudyante ng “EIM” sa “TNHS main” gamit ang mga

katanungang inihanda ng mga mananaliksik. Sa ganitong paraan madaling natukoy ang

mga “problema at karanasan ng mga estudyante ng EIM sa TNHS main”.


Kabanata IV

Presentasyon at pagsusuri sa mga datus

Sa kabanatang ito inilahad ng mga mananaliksik ang mga datos na nakalap sa

pamamagitan ng narrative analysis. Inilahad ang mga sagot at opinyon ng mga

respndante na mula mga styudante ng EIM sa TNHS (Main).

1. Ano-ano ang mga problemang kinakaharap ng mga estudyante ng EIM sa Tarlac

National High School (main)?

Ayon sa dalawang respondante na aming nakapanayam “pinansyal” raw ang isa sa mga

problema ng mga estudyante ng “EIM”, dahil raw dito hindi nila mabili ang dapat na

bilhin para sa practicum, tulad ng tools, wires at wiring board, minsan hindi na raw sila

nakakakain kapag nasa school, dahil nga sa problemang “pinansyal”.

Ayon naman sa huling respondante na aming nakapanayam, ang kakulangan sa

“pasilidad” ang isa rin sa mga problema mga estudyante ng “EIM”, dahil sa kakulangan

sa pasilidad hindi raw sila makapag-practicum ng maayos, isa pa rito ang mainit at

siksikan na “pasilidad”.

2. Paano nakakaapekto ang mga problemang ito sa pag-aaral ng mga estudyante ng

EIM sa Tarlac National High School (main)?

Ayon sa dalawang respondante na aming nakapanayam ang epekto raw ng “pinansyal”

ay ang hindi sila magkakaroon ng grade dahil hindi sila nakakapagwiring o practicum.

Ayon sa huling respondante ang epekto raw ng kakulangan sa “pasilidad” ay hindi sila

makapag-focus sa ginagawa nila at maaari pang mapunta sa mali ang ginagawa nila.
3. Ano ang mga implikasyon ng pananaliksik na ito sa mga estudyante ng EIM sa

Tarlac National High Schoo

You might also like