You are on page 1of 9

ORGANISASYON NG KASAPILIPINO

#389 Rizal St., North Point, Brgy. Masipag, Quezon City 1119
09120856085 | kasapilipino.org@gmail.com
www.KasaPilipino.ph

Binhisipan Pangkabuhayan: Panukala para sa Pagsasanay sa Larangan


ng Gardening at Electrical Installations and Maintenance

Kategorya ng Proyekto

Ang panukalang proyektong ito ay isang programang pagsasanay na kung saan ay


mabibigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Barangay Masipag na matuto ng panibagong
kasanayan sa larangan ng Paghahalaman o Gardening at Electrical Installations and Maintenance.
Sa pamamagitan nito ay maaari silang magkaroon ng trabaho o makapagpatayo ng negosyo.

Kabuuang Pondong Kailangan

Nangangailangan ng P750,000.00 na kabuuang pondo ang panukalang proyekto na ito. Sa


pamamagitan ng halagang ito ay maaari nang mabigyan ng pagkakataon na mapaunlad ang buhay
ng isang daan at dalawampung (120) tao sa Brgy. Masipag. Bukod pa rito, ang bilang ng tao na
makatatanggap ng benepisyo ay hindi lamang nililimitahan sa 120, sapagkat maaari nilang
maipalaganap sa ibang mamamayan ang kanilang kasanayan.

Kaligiran ng Proyekto

Isa sa mga kinakaharap na suliranin ng Brgy. Masipag ay ang pagdami ng mga taong
nakatira rito na walang trabaho o hanapbuhay. Ang suliraning ito ay mananatiling permanente
kung hindi bibigyan ng nararapat, sapat at tamang solusyon. Ito ay maaaring magdulot ng
malawakang kagutuman, kahirapan at mahinang kalusugan na maaaring humantong sa mas
malalang sitwasyon para sa mga mamamayan. Sa pangkalahatan, ang kawalan ng trabaho ay
maaaring makaapekto sa aspetong sosyo-ekonomiko ng naturang barangay.

Samantala, hindi ito magiging isang problema kung wala itong sanhi. Isa sa mga
pangunahing sanhi ng kawalan ng trabaho ay ang kakulangan ng sapat na kaalaman patungkol sa
iba't ibang disiplina o kasanayan. Ito ay humahadlang sa mga tao na makakuha ng trabaho o
makapagsimula ng kanilang negosyo. Maaari rin na isa sa mga sanhi nito ay ang lokasyon ng
tahanan ng mga mamamayan kung ito ay malayo sa mga kompanya o lugar na maaaring magtayo
ng negosyo na pumipigil sa kanila na makakuha ng trabaho at kawalan ng oportunidad na
makapaghanapbuhay.

Ang proyektong Binhisipan Pangkabuhayan ay tiyak na makatutulong sa problemang


kinakaharap ng Brgy. Masipag sa kasalukuyan. Ang proyektong ito ay may layuning magsagawa
ng programang pagsasanay na magtatampok ng pagsasanay sa Paghahalaman o Gardening at
Electrical Installation and Maintenance. Sa pamamagitan ng proyektong ito ay mabibigyan ng
sapat na kaalalaman ang mamamayan sa iba't ibang larangan na makatutulong sa pag-unlad ng
kanilang pamumuhay at ng buong barangay. Dahil dito, mabibigyan ng pagkakataon na
makapaghanap ng trabaho o magtayo ng kanilang sariling negosyo ang mga mamamayan ng
barangay.

Deskripsyon ng Proyekto

Ang proyektong Binhisipan Pangkabuhayan ay isang programang pagsasanay na may


pagbibigay gabay kung paano gawin ang mga kasanayan sa Paghahalaman o Gardening at
Electrical Installation and Maintenance.

Ang Paghahalaman o Gardening ay isang mapagpayamang proyekto lalo na sa kapaligiran.


Dito isinasagawa ang pagtatanim, pag-aani, pag-aalaga at pagpapanatili ng iba’t ibang klase ng
mga bulaklak, halaman, o puno na makatutulong na mabigay suplay sa mga mamamayan para sa
kanilang pang-araw-araw na pagkain. Bukod dito, ito ay isang tulay upang makapagsimula ng
negosyo ang mga mamamayan ng Brgy. Masipag. Sa pamamagitan nito ay maaaring magbenta ng
kanilang mga tanim ang mga mamamayan at ito ang magiging susi upang sila ay magsagawa ng
produksyon ng kanilang mga ibebentang tanim tungo sa isang matagumpay na negosyo.

Sa kabilang banda, sa pagsisimula ng Paghahalaman ay hindi kinakailangan ng malaking


lupain sapagkat maaaring makapagsimula ang mga mamamayan na may sapat na kaalaman at
kagamitan sa kanilang mga sariling bakuran.

Bukod sa Paghahalaman o Gardening, mayroon ding Electrical Installation and


Maintenance na pagsasanay. Ito ay ang kumpletong sistema ng pag-aayos ng mga wiring at
aparatus na ginagamit upang pakainin ang elektrikal na enerhiya mula sa posisyon kung saan ito
ay ginagamit sa mga gusali at kapaligiran ng komunidad. Ang wastong pag-install at pagpapanatili
ay napakahalaga sa parehong komersyal at residensyal na pasilidad sapagkat ang mga taong may
trabaho nito ay pinoprotektahan ang kaligtasan ng mga mamamayan. Halimbawa na lamang ay
ang isang sirang kable na hindi agad nabibigyan ng pansin na maaaring magresulta sa isang mas
malaking panganib tulad ng sunog. Sa tulong mga taong may kasanayan sa Electrical Installation
and Maintenance ay agad maaayos ang sirang kable dahil sa kanilang kakayahan. Ito ang magiging
hanapbuhay at maaaring gawing negosyo ng mga mamamayan ng Brgy. Masipag.

Ang dalawang pagsasanay na ito ay may tatlong bahagi: una, ang aktwal na pagsasanay ng
Gardening at Electrical Installation and Maintenance. Sa bahaging ito ay mayroong naitalaga na
prominenteng tao, guro man o propesyonal sa isa sa mga nasabing kasanayan, na magtuturo sa
mga taong sumali sa proyekto. Ang mga mamamayan sa barangay na lumahok ay mabibigyan ng
mga aralin at aktwal na pagpapakita kung paano gawin ang isang kasanayan. Sa Gardening, ituturo
kung paano ang tamang pagtatanim, pag-aani, pag-aalaga at pagpapanatili ng mga tanim na
halaman, puno, bulaklak, gulay o prutas gamit ang mga wastong kagamitan. Sa Electrical
Installation and Maintenance naman ay ituturo kung paano mag-ayos ng mga kable at iba pa.

Ang pangalawang bahagi ng mga pagsasanay na ito ay ang paglalapat ng mga natutunan at
ebalwasyon. Upang masuri kung hanggang saan ang natutunan ng mga taong lumahok at makita
kung tama ang kanilang mga natutunan, kinakailangan ng ebalwasyon. Sa pamamagitan nito,
malalaman kung handa na ang mga taong sumali sa proyekto para sa kanilang kahaharaping
trabaho o negosyo.

Sa pagwawakas ng proyekto, magkakaroon ng pagtatapos o completion ceremony kung


saan parararangalan ng sertipiko ang mga lumahok upang gawing patunay at pagpapatibay na
natapos nila ang programang pagsasanay. Ito ang magiging pangatlong bahagi ng proyekto. Sa
pamamagitan nito ay mas madali silang magkaroon ng trabaho dahil mayroon silang patunay na
sila ay may kasanayan.

Iiimplementa ang proyektong Binhisipan Pangkabuhayan mula Enero 2022 hanggang


Abril 2022. Dahil dito, magkakaroon ng apat (4) na buwan na durasyon ang proyekto na sapat para
sa mga sumali rito upang sila ay matuto.

Layunin

1. Pangkalahatang Layunin: Makatulong sa pagbibigay kaalaman at kasanayan sa mga


mamamayan ng Brgy. Masipag upang sila ay makahanap ng trabaho o makapagpatayo ng
sariling negosyo batay sa kanilang napag-aralan mula sa programang pagsasanay, mula sa
Gardening o Electrical Installation and Maintenance man upang mabawasan ang bilang ng
mga taong walang trabaho o negosyo.

2. Mga Tiyak na Layunin:

2.1 Matukoy ang mga pundamental na kaalaman sa Gardenning o Electrical


Installation and Maintenance ng mga mamamayang sumali sa proyekto sa
pamamagitan ng mga itinalagang guro.

2.2 Magbigay ng kaalaman kung paano ang tamang implementasyon ng mga


kasanayang Gardening o Electrical Installation and Maintenance sa aktwal na
pangyayari sa buhay.

2.3 Mapatunayan na may kakayahang magtrabaho o magtayo ng negosyo ang mga


taong walang pangkabuhayan sa pamamagitan ng sertipikong ipapamahagi ng
organisasyon.
2.4 Makapagbahagi ng oportunidad sa mga mamamayang sumali o sasali pa
lamang sa proyekto patungkol sa kasanayang Gardening o Electrical Installation
and Maintenance pagkatapos ng nasabing proyekto.

2.5 Maipagpatuloy ang nasimulan na proyekto upang mabigyan ng pagkakataon


ang iba pang mga mamamayan sa Brgy. Masipag at iba pang lugar.

Proseso

1. Magsasagawa ng malawakang panagawan ang Organisasyon ng KasaPilipino upang


makakuha ng mga interesadong mamamayan na nais matuto upang makapagtrabaho o
makapagpatayo ng sariling negosyo. Gagawa ng materyal ang mga kasapi ng organisasyon para
sa publikasyon upang i-post ito sa Facebook page ng Brgy. Masipag sa kadahilanang mas
magiging mabilis ang pangangalap ng mga tao. Bukod pa rito, mamimigay rin ng polyeto ang
organisasyon upang maipaalam sa mga taong walang kakayahang makita ito online. Ang
paghahanap ng mga kalahok ay magtatagal ng tatlong araw lamang upang maiwasan ang pagdagsa
ng mga tao na hindi kayang bigyan ng badyet ng proyekto.

2. Ililista ang lahat ng mga sumali ngunit ang unang grupo na kukuhanin ay may isang daan
at dalawampung (120) katao lamang. Ang animnapung (60) tao ay para sa Paghahalaman o
Gardening at ang animnapung (60) tao naman ay para sa Electrical Installation and Maintenance.
Sila ay may kakayahan na pumili ng kanilang ninanais na kasanayan ngunit ito ay may limitasyon
na animnapu (60) lamang.

3. Magsisimula na ang pagtuturo ng mga itinalagang guro upang turuan ang mga
mamamayang sumali sa proyekto. Ito ay magtatagal ng apat (4) na buwan. Kanilang pag-aaralan
ang mga sumusunod na aralin para sa bawat kasanayan:

- Mga Pundamental sa Paghahalaman


- Mga Metodolohiya sa Paghahalaman
- Mga Kagamitan na Dapat Gamitin sa Paghahalaman
- Aplikasyon ng mga Kaalaman sa Paghahalaman
- Mga Pundamental sa Electrical Installation and Maintenance
- Mga Metodolohiya sa Electrical Installation and Maintenance
- Mga Kagamitan na Dapat Gamitin sa Electrical Installation and Maintenance
- Aplikasyon ng mga Kaalaman sa Electrical Installation and Maintenance

4. Magkakaroon ng ebalwasyon pagkatapos ng pag-aaral ng mga sumali sa programa. Sa


ebalwasyon ay kanilang ipapakita ang kanilang kaalaman at ang tamang aplikasyon ng mga
kanilang nalalaman patungkol sa Gardening o Electrical Installation and Maintenance. Ang
ebalwasyon ay kinakailangan nilang matagumpay na maipasa upang mapatunayan ang kanilang
kakayahan.
5. Idaraos ang pagtatapos o completion ceremony matapos maipasa ng mga lumahok ang
ebalwasyon. Dito ay paparangalan sila at bibigyan ng sertipiko bilang pagkilala sa kanilang
kasanayan. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng kredibilidad at patunay na sila ay
karapat-dapat para sa kanilang trabaho o negosyong tatahakin.

6. Bilang pagtatapos at kung may sapat na isponsor ay bibigyan ng Organisasyon ng


KasaPilipino ang mga sumali sa proyekto ng mga kagamitan na akma sa kanilang kinuhang
kasanayan bilang panimula ng kanilang trabaho o negosyo. Ang halimbawa nito ay ang mga buto
ng mga halaman, prutas o gulay para sa mga sumali sa Gardening o hindi kaya naman ay
screwdriver, meter at long nose para naman sa mga sumali sa Electrical Installation and
Maintenance.

Talatakdaan ng Proyekto
Upang matagumpay na maisagawa ang proyektong pinamagatang Binhisipan
Pangkabuhayan, itinatakda ang sumusunod na mga gawain o hakbangin:

PETSA MGA GAWAIN LUGAR/


LOKASYON
Enero 1, 2022. Pagpupulong sa pagitan ng Organisasyon ng KasaPilipino at Brgy. Masipag Hall
ng mga kawani ng Brgy. Masipag sa pangunguna ng kapitan.
Dito pag-uusapan ang daloy ng proyekto, mga mangunguna
sa bawat aspeto ng proyekto, mga itatalagang guro, lokasyon
ng proyekto at badyet ng proyekto.
Enero 8, 2022. Paghingi ng pahintulot at donasyon mula sa Brgy. Masipag Brgy. Masipag Hall
at iba pang mga pampublikong organisasyon upang gawing
badyet sa proyekto.
Enero 18, Pagbili ng mga materyales na kakailanganin sa pagsasanay Materials
2022. tulad na lamang ng mga buto ng mga halaman, prutas o Warehouse malapit
gulay, shovel at iba pa para sa Gardening. Samantala, sa Brgy. Masipag
electrical tools naman para sa Electirical Installation and
Maintenance.
Enero 20, Pag-aayos ng lokasyon ng proyekto at pagsusuri ng mga Brgy. Masipag
2022. gamit kung ito ba ay kumpleto. Multipurpose Hall
at Botanical
Garden
Enero 22, Paggawa ng mga materyal para sa publikasyon tulad na Brgy. Masipag
2022. lamang ng poster upang i-post sa Facebook page ng Brgy. Multipurpose Hall
Masipag at gawing polyeto upang ipamigay.
Enero 26, Pag-oorganisa ng mga taong nagpalista upang bilangin at Brgy. Masipag
2022. ilagay sa kanilang mga hangad na kasanayan, kung ito ba ay Multipurpose Hall
Gardening o Electirical Installation and Maintenance.
Bukod dito, pag-aanunsyo ng petsa kung kalian ang simula
ng pagsasanay.
Pebrero 5, 2022 Pagsisimula ng pagtuturo at pagsasanay sa pamamagitan ng Brgy. Masipag
pagpapakilala sa isa’t isa, sa pgitan ng guro at ng mga Multipurpose Hall,
lumahok sa proyekto. Bukod dito, magkakaroon din ng Room 1 at Room 2
maikling diskusyon upang malaman ng mga lumahok ang
kanilang mga gagawin sa kabuuan ng durasyon ng proyekto.

Pebrero 12, Simula ng pagtuturo at pagsasanay sa mga indibidwal na Brgy. Masipag


2022 lumahok sa proyekto. Sila ay tuturuan tungkol sa Mga Multipurpose Hall,
Pundamental sa Paghahalaman para sa mga pumili nito at Room 1 at
Mga Pundamental sa Electirical Installation and Botanical Garden
Maintenance para sa mga pumili nito.
Pebrero 19, Pagpapatuloy ng nasimulang pag-aaral noong Pebrero 12, Brgy. Masipag
2022 2022. Multipurpose Hall,
Room 1 at
Botanical Garden
Pebrero 26, Pagbibigay ng gawain o takdang aralin upang masuri ang Brgy. Masipag
2022 kaalaman ng mga kalahok. Multipurpose Hall,
Room 1 at
Botanical Garden
Marso 5, 2022 Simula ng pagtuturo at pagsasanay sa mga indibidwal na Brgy. Masipag
lumahok sa proyekto tungkol sa Mga Metodolohiya sa Multipurpose Hall,
Paghahalaman para sa mga pumili nito at Mga Metodolohiya Room 1 at
sa Electirical Installation and Maintenance para sa mga Botanical Garden
pumili nito.
Marso 12, 2022 Pagpapatuloy ng nasimulang pag-aaral noong Marso 5, Brgy. Masipag
2022. Multipurpose Hall,
Room 1 at
Botanical Garden
Marso 19, 2022 Simula ng pagtuturo at pagsasanay sa mga indibidwal na Brgy. Masipag
lumahok sa proyekto tungkol sa Mga Kagamitan na Dapat Multipurpose Hall,
Gamitin sa Paghahalaman para sa mga pumili nito at Mga Room 1 at
Kagamitan na Dapat Gamitin sa Electirical Installation and Botanical Garden
Maintenance para sa mga pumili nito.
Marso 26, 2022 Pagpapatuloy ng nasimulang pag-aaral noong Marso 19, Brgy. Masipag
2022. Multipurpose Hall,
Room 1 at
Botanical Garden
Abril 2, 2022 Simula ng pagtuturo at pagsasanay sa mga indibidwal na Brgy. Masipag
lumahok sa proyekto tungkol sa Aplikasyon ng mga Multipurpose Hall,
Kaalaman sa Paghahalaman para sa mga pumili nito at Room 1 at
Aplikasyon ng mga Kaalaman sa Electirical Installation and Botanical Garden
Maintenance para sa mga pumili nito.
Abril 9, 2022 Pagpapatuloy ng nasimulang pag-aaral noong Marso 19, Brgy. Masipag
2022. Multipurpose Hall,
Room 1 at
Botanical Garden
Abril 16, 2022 Paghahanda para sa gaganaping ebalwasyon sa Abril 23, Brgy. Masipag
2022 sa pamamagitan ng paggabay ng mga guro sa mga Multipurpose Hall,
lumahok ng proyekto batay sa kanilang piniling kasanayan. Room 1 at
Botanical Garden
Abril 23, 2022 Pagsusuri o ebalwasyon ng mga kakayahan sa aplikasyon ng Brgy. Masipag
mga natutuhan ng mga kalahok. Multipurpose Hall,
Audio-Visual
Room
Abril 30, 2022 Pagdiriwang ng completion ceremony para sa mga Brgy. Masipag
matagumpay na natapos ang proyekto. Dito ibibigay ang Covered Court
kanilang mga sertipiko at parangal pati na rin ang inaasahang
mga kagamitan upang sila ay makapagsimula sa kanilang
tatahaking trabaho o Negosyo.

Benepisyong Dulot ng Proyekto

• Mga Mamamayan na Lumahok

Ang unang-unang makikinabang sa proyekto ay ang mga mamamayang walang trabaho na


lumahok sa proyektong Binhisipang Pangkabuhayan. Sila ay mabibigyan ng pagkakataon na
matuto at makakuha ng trabaho o makapagtayo ng negosyo sa pamamagitan ng proyektong ito.
Sila ay walang babayaran sa kadahilanang dahil wala silang pagkakakitaan, wala rin silang kita
lalo na ang mga walang kakayahang makapag-aral. Sila ay bibigyan ng leksyon patungkol sa
kasanayang kanilang kinuha sa loob ng apat na buwan bago nila makuha ang sertipiko. Magagawa
nilang mapaunlad ang kanilang buhay pati na rin ang mga nasa paligid nila.

• Para sa Kabataan

Ang proyektong ito ay magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan upang magpursigi
sa pag-aaral. Bibigyan nila ng halaga ang kanilang pag-aaral pati na rin ang kanilang magulang na
naghihirap sa pagkayod at pahahalagahan din ang hinaharap.
• Mga Susunod na Organisasyon

Sa pamamagitan ng proyektong ito ay mabibigyan ng inspirasyon at impormasyon ang mga


susunod at iba pang organisasyon upang ipagpatuloy ang nasimulan ng Pangkat 6 sa ikabubuti ng
Brgy. Masipag pati na rin ng iba pang lugar. Magkakaroon sila ng inspirasyon na magsagawa rin
ng proyekto upang solusyunan ang mga isyu sa kanilang lugar at mapapaunlad nito ang buhay ng
mga mamamayan.
• Kapitan

Dahil sa konsiderasyon at pagmamahal sa nasasakupan, nagkaroon ng lakas ng loob ang


kapitan ng Brgy. Masipag upang gumawa ng aksyon at masolusyunan ang suliraning kawalan ng
trabaho. Sa pamamagitan ng proyektong ito ay mas hahamunin ang kapitan na mas maging kritikal
at gumawa ng iba pang metodolohiya upang bigyang solusyon ang mga problema ng barangay.

• Buong Barangay o Komunidad

Ang buong barangay o komunidad ay makikinabang sa proyektong ito sapagkat tataas ang
porsyento ng mga mamamayang may trabaho at aangat din ang katayuang sosyo-ekonomiko ng
barangay. Bukod pa rito, maiiwasan ang labis na kagutuman at kahirapan sa komunidad sa
pamamagitan ng proyektong Binhisipan Pangkabuhayan.
Gastusin ng Proyekto

Pagsasanay sa Gardening
Mga guro sa larangan ng Gardening P20,000 x 3 x 3 buwan 180,000.00

Buto ng mga halaman, puno, gulay, P300 x 60 18,000.00


prutas atbp.
Lupa mula sa Botanical Garden - -
Pots P40 x 60 2,400.00
Gloves P50 x 60 3,000.00
Pruning shears P80 x 60 4,800.00
Garden fork P180 x 60 10,800.00
Rake P140 x 60 8,400.00
Garden hose with adjustable nozzle P285 x 60 17,100.00

Watering can P100 x 60 6,000.00


Wheel barrow P910 x 10 9,100.00

Pagsasanay sa Electrical Installation and


Maintenance
Mga guro sa larangan ng Electrical P20,000 x 3 x 3 buwan 180,000.00
I Installation and Maintenance
Electrical tool kit P1,500 x 60 90,000.00
Test light P125 x 60 7,500.00
Hack saw P125 x 60 7,500.00
Multimeter P185 x 60 11,100.00
Electrical wires P200 x 60 12,000.00
Venue -

Ebalwasyon
Mga hurado bukod sa mga guro P3,000 x 6 9,000.00

Pagtatapos o Completion Ceremony

Sertipiko P100 x 120 12,000.00


Pagkain 30,000.00
Livelihood Kit P1000 x 120 120,000.00

Kabuuan P738, 700.00

You might also like