You are on page 1of 1

Pagbaha

City of San Fernando Pampanga

Ang mga mamamayan na nakatira sa lugar ng Pampanga ay nakakaranas ng matinding


pagbaha tuwing may bagyo at habagat. Ang pagbara daw ng mga daluyan ng tubig o kanal at
backflow ang sanhi ng pagbaha ayon sa Gobernador ng Pampanga na si Lilia Pineda. Ayon din
sakanya nagsisilbing "catch basin" umano ang Pampanga ng tubig na nagmumula sa Nueva Ecija
at ilang bahagi ng Tarlac. Dumadaloy ang tubig sa Pampanga River papunta sa Pampanga Bay
ngunit dahil sa kakulangan umano ng pagbubungkal ng mga barang bato at lumot, nagkakaroon
ng backflow ng tubig na sanhi ng pagbaha. Noong panahon pa ni Pangulong Arroyo ay
nakaplano na ang pagsasagawa ng pagbubungkal ng Pampanga River ngunit hindi ito natuloy
dahil ito’y pinahinto ng administrasyong Aquino, nang matapos ang termino ni Pangulong
Aquino ay hindi na muli nabigyang pansin ang pagbaha sa lugar ng Pampanga kaya’t hindi na
nasolusyonan ang problemang ito hanggang sa kasalukuyan na panahon.

Ang mga paraan para masolusyonan ito: una, kailangang magsagawa ng pagbubungkal ng
mga barang bato at lumot. Nakipag-ugnayan na daw ang lokal na pamahalaan ng Pampanga sa
Department of Public Works and Highways (DPWH) para matugunan ang problema na ito.
Pangalawa, kailangang alamin ng mga mamamayan ang nangyayari sa kanilang paligid upang
maresolba itong isyu sa kanilang lugar. Pangatlo, kailangan din na iwasan ang pagtatapon ng
mga plastic o basura kahit ito’y maliit lamang upang maiwasan ang malalang pagbara sa mga
daluyan ng tubig o kanal. Pang-apat kailangan ay hindi na magputol ng mga puno dahil sila
lamang ang nagsisilbing taga sipsip ng mga tubig tuwing may pagbaha at dahil don kailangan
magtanim uli ng mga puno.

SOURCE:
Cariaso, B (2015, December 20). Inquirer.net: Pagbaha sa Central Luzon kasalanan ni PNoy. Retrieved from https://m.inquirer.net/bandera?
id=111065

Lima, V. (2018, July 27) ABS-CBN News: 'Backflow', bara sa daluyan ng tubig sanhi ng baha sa Pampanga. Retrieved from https://news.abs-
cbn.com/news/07/27/18/backflow-bara-sa-daluyan-ng-tubig-sanhi-ng-baha-sa-pampanga

You might also like