You are on page 1of 2

Introduksiyon

Ang mga likas-yaman ay mahalagang dimensyon ng kabuhayan at kaunlaran ng


isang lipunan. Mula sa mga likas-yaman ay nakakukuha ng pagkain at mga hilaw na materyal na
sangkap sa iba't ibang industriya. Subalit ang kakayahan ng likas-yaman at kapaligiran na
maipagpatuloy ang mahalagang papel nito sa lipunan sa mga susunod na henerasyon ay
nakasalalay sa wastong paggamit at pangangalaga ng mga ito. Ang pangmatagalang buhay ng
mga likas-yaman ay pinahahalagahan ng lipunan hindi lamang upang maipagpatuloy ang
pagbibigay nito ng mga biyaya kundi dahil na rin sa mga epekto ng maaksayang paggamit ng
likas-yaman sa buong sistemang ekolohikal.

Isa ang karagatan sa ating pinagkukunang yaman nagbibigay ito ng malawak na


suplay ng pagkain tulad ng isda, hipon, alimango, at iba pang karagatang yaman na nagbibigay
ng mahalang protina at nutrients. Sa ekonomikong benepisyon, ang sektor ng pangingisda ay
nagbibigay ng kabuhayan at kita sa maraming komunidad. Ang pag-aalok ng mga produktong
galing sa karagatan ay maaaring magkaroon ng malaking papel sa ekonomiya ng isang bansa lalo
na dito sa Pilipinas dahil isa ito sa madaling paraan upang ang mga mamamayan ay kumita ng
pera at matugonan ang pangangailangan gaya ng makakain sa araw-araw.

Ang Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o


DA-BFAR, ang sanga ng gobyerno na namumuno sa pangkalahatang industriyang pangingisda,
ay may kakarampot na badyet ng apat na bilyon at pitong daang piso, subalit kulang pa din ang
mga binibigay na subsidiya, tulad ng tatlong libo para sa gasolina na ibinibigay nito. Ayon pa
kay Sen. Francis Pangilinan, maaari na mas mabigyan pansin ang mga priyoridad at adyenda ng
pangingisda kung gawan ito ng sariling kagawaran at ihiwalay ang DA-BFAR.

Hindi maikakailang malaki ang kontribusyon ng mga mangingisda sa ating food


security. Sa kabila nito, isa sila sa pinakamahirap na sektor sa lipunan. Sa kasalukuyang krisis sa
kalusugan, mga kalamidad na dala ng climate change, at kakulangan ng suporta mula sa
pamahalaan, mas lumalalâ ang dinaranas nilang kahirapan.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (o PSA), negative 2.1% ang naging produksyon
ng lokal na pangisdaan o municipal fishing. Mula sa 1.12 milyong metric tons, bumaba ito sa
1.10 milyong metric tons. Samantala, lumaki naman ang produksyon ng komersyal na
pangisdaan o commercial fishing. Hindi na ito nakapagtataka dahil higit na mas lamáng ang mga
kagamitan at barko ng komersyal na industriya ng pangingisda.

Kaya mahalagang mas bigyang-pansin ang mga municipal fisherfolks o ang


maliliit na mangingisda na silang mas bulnerable sa kahirapan. Kahit isa tayong arkipelago na
maraming mga yamang-dagat, kabilang ang ating mga mangingisda sa sektor na mga mahihirap.
Iilan lamang ang nabanggit sa mga madaming suliranin na hinaharap nila, ngunit iisa ang
sigurado—noong pandemya, lalong humirap ang kanilang buhaya at ngayon ay nagsimulang
bumabangon

You might also like