You are on page 1of 29

Aralin 9

Pagkakaugnay
ng mga Anyong
Lupa at Anyong
Tubig
Ang mga anyong lupa at
anyong tubig ay malaki ang
nagagawa sa pamumuhay
ng mga tao. Ito rin ay nag-
uugnay-ugnay ng iba’t
ibang lugar sa ating
rehiyon at karatig
lalawigan.
1. Ang Pambansang Punong
Rehiyon o National Capital
Region (NCR) ay isang malawak
na kapatagan. Napapabilis nito
ang komunikasyon at
transportasyon kaya karamihan
sa mga pook dito ay maunlad.
Pinag-uugnay-ugnay nito at iba’t
ibang lungsod sa NCR at maging
ang mga karatig lalawigan nito.
2. Ang Bulubundukin
ng Sierra Madre ay isa
ring anyong lupa na
matatagpuan sa ibang
lalawigan. Ito ay
nagsisilbing panangga
ng Lambak ng
Marikina kapag may
malakas na hangin o
bagyo.
3. Ang Ilog Marikina/ Ilog
Pasig – Napag-ugnay-
ugnay nito kahit na ang
mga karatig lalawigan,
tulad ng Rodriguez Rizal
at San Mateo. Mula sa
mga pook na ito, ay
napag-uugnay nito ang
Lungsod ng Pasig at
Maynila
4. Look ng Maynila –
Ito’y nagsisilbing
puerto ng lungsod, isa
sa mga mahusay na
daungan sa mundo.
Hapones noong 1942.
5. La Mesa Reservoir –
Isang lawa na
matatagpuan sa
Quezon City na
dumadaloy patungong
Tullahan River sa
Valenzuela.
6. Tullahan River sa
Valenzuela –
nagsisimula sa Lamesa
Reservoir sa Quezon
City dumadaloy
hanggang Valenzuela,
Novaliches, Malabon at
Navotas patunong Look
ng Maynila.
7. Batasan River –
Matatagpuan sa
Navotas at Malabon na
dumadaloy patungong
Tanza River at Look ng
Maynila.
8. Parañaque River –
Nag-uugnay sa
Parañaque, Pasay at
Maynila patungong
Look ng Maynila.
9. Estero Tripa De Gallina – Ito
ay isang ilog na nag-uugnay sa
mga lugar sa Lungsod ng
Maynila (Paco at San Andres),
Lungsod ng Makati (Forbes
Park and Fort Bonifacio),
papuntang Buendia Avenue sa
Lungsod ng Makati at Pasay,
kasama rin ang Parañaque.
Aralin 10
Paggawa ng Mapa ng
Mahahalagang Anyong
Tubig at Anyong Lupa
sa Sariling Lalawigan
at Rehiyon at Mga
Ang mapa ay isang larawan
ng mga bagay sa ating
lungsod o bayan.
Tinutulungan tayo ng
mapa na marating ang
mga lugar na nais nating
marating dahil nagbibigay
ito ng impormasyon.
May mga simbolo at
direksyon rin na
matatagpuan sa mapa
upang mas madaling
maintindihan ang
mapa.
Mapa ng Pasig
Sa NCR, ang anyong lupa
na makikita ay isang
malawak na kapatagan na
bumubuo sa labing-anim
na lungsod at isang bayan.
Isa pang anyong lupa ay
ang lambak sa Marikina.
Sa ating sariling lungsod,
Lungsod ng Pasay,
napakarami rin ang anyng
tubig. Isa na dito ang Estero
Tripa De Gallina na nasa
mapa sa itaas, ang look ng
Maynila at ilang mga ilog na
nakapalibot sa ating lungsod.
Ang Pasay ay isang kapatagan
na mayroong anyong tubig tulad ng
Look ng Maynila o Manila Bay na
sumasakop din sa baybayin ng Pasay
at ang Estero de Tripa de Gallina
(ETG) na may sukat na pitong (7)
kilometro na dumadaan sa mga
lungsod ng Makati, Maynila, Pasay
at Paranaque at isa sa mga
dumadaloy patungong Ilog Pasig.
Aralin 11
Mga Lugar na
Sensitibo sa
Panganib Batay
sa Lokasyon at
Ang Pasay ay isang kapatagan
na mayroong anyong tubig tulad ng
Look ng Maynila o Manila Bay na
sumasakop din sa baybayin ng Pasay
at ang Estero de Tripa de Gallina
(ETG) na may sukat na pitong (7)
kilometro na dumadaan sa mga
lungsod ng Makati, Maynila, Pasay
at Paranaque at isa sa mga
dumadaloy patungong Ilog Pasig.
Hazard Map
Ito ay isang uri ng mapa na
naglalarawan sa mga lugar na
maaaring manganib sa partikular
na sakuna o kalamidad.
Karaniwang binuo at ginawa ito
upang tukuyin ang mga lugar na
mapanganib bunga ng likas na
kalamidad sanhi ng kalikasan.
Panganib sa Baha
Ang mga lugar na
nanganganib sa pagbaha
ay ang Malabon, Navotas,
Maynila Mandaluyong,
Marikina, Pateros, Pasig,
Parañaque, Marikina at
Valenzuela.
Panganib sa Lindol
Isa ang lungsod ng Marikina
na pingangambahan na
mapanganib sa lindol dahil sa
Marikina West Valley Fault ayon
sa PHIVOLCS o Philippine
Institute of Volcanology and
Seismology.
Panganib sa Lindol
Kung kulay rosas ang lugar
mayroong mataas na
mapanganibsa tao at lungsod.
Sumunod ang kulay orange o
dalandan at dilaw. Hindi
gaanong mataas ang panganib
sa lindol ng lungsod na may
kulay asul.
Pagtugon sa mga Panganib
Dahil sa mga panganib na
maaaring ibunga ng bagyo, baha at
lindol sa ating rehiyon, dapat tayo
ay gumawa ng mga hakbang ng
pagtugon bilang paghahanda sa
mga posibleng sakuna sa ating
lungsod at rehiyon base sa mga
hazard map na ating napag-aralan.
Una- Dapat may sapat na
kaalaman tayo tungkol sa mga
panganib na ito.
Ikalawa- Pagtukoy sa mga
dahilan ng sakuna.
Ikatlo- Ang paghahanda at
wastong pagkilos sa panganib.
Panganib sa Pagbaha
Ano-ano ang mga dahilan ng pagbaha?
a. Malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan
b. Storm signal – hanging dala ng
malakas na bagyo na nagbubunga ng
pagtaas ng alon sa mga baybaying
dagat.
c. High tide – pagtaas ng tubig sa dagat
kasabay ang mabilis na pag-agos ng
tubig sa ilog at sapa.
d.Pagkaubos ng mga puno sa
kagubatan
e. Mga bahay sa estero at
tabing ilog
f. Paggawa ng mga kalsada at
iba pang estruktura sa rehiyon
g. Maling pagtatapon ng basura
Paghahanda sa Lindol
a. Kung kailangan lumikas sa iyong
tahanan, mag-iwan ng sulat kung
saan kang lugar pupunta. Magdala
ng iyong emergency supply kit.
b. Alamin ang mga bagong
kaalaman sa paghahanda sa mga
panganib sa pamamagitan ng
pakikinig sa radio.

You might also like