You are on page 1of 4

MAPA NG LUNGSOD NG QUEZON

SAGISAG NG LUNGSOD NG QUEZON

SAGISAG NG LUNGSOD NG QUEZON

KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG QUEZON


Bago malikha ang Lungsod Quezon, ito ay binubuo ng mga maliliit na bayan,
tulad ng San Francisco del Monte, Novaliches, at Balintawak. Noong 23 Agosto 1896,
ang Katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio ay nagsimula ng himagsikan
laban sa Espanya sa tirahan ni Melchora Aquino sa Pugad Lawin (ngayon ay Bahay
Toro at Project 8). Noong unang kalahati ng ikadalawampung siglo, pinangarap ni
Pangulong Manuel L. Quezon na magkaroon ng isang bagong kapital ng bansa,
papalitan nito ang Maynila na siyang kasalukuyan noong panahong iyon, at tirahan sa
maraming manggagawa. Pinaniniwalaan na ang nauna niyang pagbisita sa bansang
Mexico ay ang nag-impluwensiya sa pangarap na ito.
Noong 1938, nilikha ni Pangulong Quezon ang People's Homesite Corporation at
bumili ng 15.29 km2 lupa mula sa lupain ng pamilya Tuason. Ipinasa ng Pambansang
Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang Commonwealth Act 502 na kilala bilang
"Charter ng Lungsod Quezon" na noong una ay inimungkahing Lungsod ng Balintawak.
Matagumpay na namungkahi nina Narcisco Ramos at Ramon Mitra, Sr. na maipangalan
ang naturang lungsod sa kasalukuyang pangulo ng panahong iyon. Pinahintulutan ni
Pangulong Quezon na maipasa ang naturang bill upang maging batas ng wala ang
kanyang pirma noong 12 Oktubre 1939, at dito naitatag ang Lungsod Quezon.
Matapos ang digmaan, ang Republic Act No. 333 na kung saan naayos ang mga
hangganan ng Lungsod Quezon at Lungsod ng Kalookan ay pinirmahan ni Pangulong
Elpidio noong 17 Hulyo 1948. Isinasaad din nito na ang nasabing lungsod ang magiging
bagong kapital ng bansa at ang lawak nito ay 156.60 km2. Ang Baesa, Talipapa, San
Bartolome, Pasong Tamo, Novaliches Poblacion, Banlat, Kabuyao, Pugad Lawin,
Bagbag, at Pasong Putik na dating mga bahagi ng Novaliches ay may lawak na 8, 100
hektarya, ay kinuha mula sa Lungsod ng Kalookan at ibinigay sa Lungsod Quezon. Ito
ang dahilan kung bakit nahati ang Lungsod na Kalookan sa dalawa - ang katimugang
hati ay urbanisado at ang hilagang bahagi ay sub-rural. Noong 16 Hunyo 1950, binago
ang Charter ng Lungsod Quezon ng Republic Act 537, kung saan nabago ang lawak ng
siyudad sa 153.59 km2.
Eksaktong 6 na taon ang dumaan, noong 16 Hunyo 1956, marami pang binago
sa lawak ng siyudad, ang Republic Act No. 1575 na nagbago sa lawak ng siyudad sa
151.06 km2. Nakasaad sa website ng pamahalaan ng Lungsod Quezon na ang lawak
ng lungsod ay 161.12 km2. Noong 1 Oktubre 1975, idinaos sa Lungsod Quezon ang
"Thrilla in Manila" na laban nina Muhammad Ali, Jr. at Joe Frazier. Sa Presidential
Decree No. 824 ni Pangulong Ferdinand Marcos, nalikha ang Kalakhang Maynila
(Metro Manila).

Ang Lungsod Quezon ay naging isa sa 17 lungsod at munisipalidad ng


Kalakhang Maynila. Nang sumunod na taon, ibinalik sa Lungsod ng Maynila ang

pagiging kapital ng bansa mula sa Lungsod Quezon sa pamamagitan ng Presidential


Decree No. 940. Noong 31 Marso 1978, inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos na ilipat
ang mga labi ni Pangulong Manuel L. Quezon mula sa Manila North Cemetery papunta
sa bagung-tayong Quezon Memorial Monument na napapalibutan ng Quezon Elliptical
Road, Manuel L. Quezon monument, at ang City Hall. Noong 22 Pebrero 1986, ang
bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue na nasa Lungsod Quezon ay ang lugar kung
saan naganap ang mapayapang People Power Revolution Noong 23 Pebrero 1998,
pinirmahan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic Act No. 8535. Isinasaad ng
naturang batas na magkakaroon ng isang Lungsod ng Novaliches na binubuo ng 15
pinaka-hilagang mga barangay ng Lungsod Quezon. Ngunit sa sumunod sa plebesito
noong 23 Oktubre 1999, mayorya ng mga nakatira sa lungsod ang tumutol sa
paghiwalay sa Novaliches. Ang pamahalaan ng Lungsod Quezon ang unang lokal na
pamahalaan sa Pilipinas na may kompyuterisadong paraan sa pagsisiyasat sa real
estate at sa sistema ng pagbabayad nito. Nagdevelop ng sistemang database ang
pamahalaang siyudad na ngayon ay may nasa 400, 000 property units na may
kakayahan na itala ang mga bayad.

PRODUKTO NG LUNGSOD NG QUEZON CITY

BAGS MADE FROM RECYCLED PACKAGING POUCHES

RICE CAKES

MAKASAYSAYANG LUGAR NG LUNGSOD NG QUEZON

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

EDSA SHRINE

LUMANG VISTA CRUZ

You might also like