Professional Documents
Culture Documents
1
PINAGMULAN NG
LALAWIGAN AYON SA
BATAS
BALITAAN
SA BISA NG BATAS
Sa bisa ng batas
Dito sa Pilipinas
Ang lalawigan ko
Legal na nabuo
Pinasa sa kongreso
Nilagdaan ng Pangulo
Lalawigan ay nabuo
BATAY sa tula na binasa:
1.Paano nabubuo ang isang
lalawigan?
2.Ano-ano ang proseso sa pagpasa
ng batas?
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang kuwento ng
kasaysayan ng iyong lalawigan at mga karatig nito. kung
mapapansin ninyo, may mga lalawigan sa ating rehiyon na
mas mahaba ang kasaysayan kaysa sa ibang lalawigan.
Mayroon pang mga lalawigan na nagkaroon na ng
komunidad bago pa lamang dumating ang mga dayuhan.
Ngunit mayroon din namang nabuo lamang sa mas
kasalukuyang panahon. May mga batas na ipinapasa ang
pamahalaan upang mabuo ang lalawigan. Alamin natin kung
sa anong bisa ng batas nabuo ang ilang lalawigan at rehiyon.
Kapag nakikita mo
ang simbolong ito,
ano ang naiisip mo?
Alam mo ba kung
paano nabuo ang
iyong lalawigan
(lungsod) sa
pamamagitan ng
batas?
Ang mga lalawigan/ lungsod ay nabubo sa pamamagitan ng mga batas. Ayon sa
Local Government Code 1991, may mga hakbang na kailangang gawin bago mabuo
ang isang lalawigan batay sa sinasabi ng batas. Narito ang mga hakbang.