You are on page 1of 16

4 Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office III

Learning Activity Sheets


Edukasyon sa Pangkalusugan 4
Quarter 3 – Week 1-4
GAMOT AY GAMITIN,
HUWAG ABUSUHIN
MAPEH (Musika) – Ika-apat na Baitang
Learning Activity Sheet
Ikatlong Markahan – Modyul 1-4: Gamot ay Gamitin, Huwag Abusuhin

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng GLAS


Mga Manunulat: Daisy G. Fantilla, Teacher III
Claire C. Somooc, Teacher I
Analyn S. Giray, Teacher I
Mga Editor: Nelson L. Oliva, EPS Filipino
Tagasuri: Orven O. Danugrao, PSDS
Saturnino D. Dumlao, EPS MAPEH
Mga Tagaguhit: Daisy G. Fantilla, Teacher II
Analyn S. Giray, Teacher I
Tagalapat: Claire C. Somooc

Layout Evaluator: Jose C. Tala, SDO-LRMDS


Cover Designer: Paul Marion R. Vallentos
Tagapamahala: May B. Eclar, PhD,CESO III
Roda T. Razon,PhD ,CESO V
Librada M. Rubio,PhD,Chief-CLMD
Ma.Editha R. Caparas,EdD,EPS-LRMS
Engelbert B. Agunday,EdD,EPS-MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address :
Telefax :
E-mail Address :
I. Alamin
Naranasan mo na bang magkasakit? Ano ang kadalasang ginagawa ng iyong
mga magulang kapag nakararanas ng sakit ang isang batang katulad mo? Umiinom
ka ba ng gamot kapag ikaw ay may sakit? Para sa anong klaseng sakit o karamdaman
ang gamot na inyong binili? Mayroon bang reseta ang gamot na binili ninyo?
Ang kalusugan ng isang tao ay napakahalaga na dapat nating pangalagaan para
huwag humantong sa pagkakasakit ng isang tao. Magagawa lamang natin ito kung
tamang preskripsiyon at paggamit ng gamot para sa mga sakit. Ang maling paggamit
at pag-aabuso sa paggamit nito ang nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.

Ito ay iyong aralin sa loob ng apat na linggo: Pagkatapos mo itong aralin, ikaw
ay inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng gamot sa medisina. H4S-IIIa-1


2. Nakikilala ang pagkakaiba ng mga inireseta at hindi ineresetang gamot at
ang wastong paggamit nito. H4S-IIIb-2
3. Nailalarawan ang mga maling paggamit at pag-aabuso sa gamot.
H4S-IIIde-4

II. Subukin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa papel kung TAMA o MALI ang
isinasaad dito.
______________1.Umiinom si Juan ng antibiotics kapag sumasakit ang kaniyang ulo
na hindi nagtatanong sa kaniyang mga magulang.
______________2.Agad ininom ni Diane ang gamot na kanyang nakita sa medicine
cabinet na hindi man lang binasa kung para saan ito.
______________3.Tinanong muna ni Agatha ang kaniyang mga magulang kung
anong gamot ang maaari niyang inumin para sa sakit ng ngipin.
______________4. Magpatingin lamang sa doktor kapag malala na ang karamdaman.
______________5. Bumili sa pinagkakatiwalaang botika lamang.
______________6. Uminom ng gamot ayon sa payo ng doktor.
______________7. Uminom ng tamang gamot para sa tamang uri ng sakit.
______________8. Ang maling paggamit ng gamot ay makakaapekto sa kalusugan
ng tao.
______________9. Ang doctor lang ang may awtorisadong magreseta ng gamot na
______________10. Maaaring mag sarili ng gamot ang isang tao na may sakit upang
makatipid ito.

3
Aralin
1 WASTONG GAMIT NG MGA GAMOT

III. Tuklasin
Alam mo ba na ang gamot at droga ay iisa?

Ang Gamot o Droga na ating iniinom ay mga gamot na nakatutulong sa atin upang
guminhawa ang ating pakiramdam o gumaling tayo sa ating karamdaman. Ito ay kadalasan
nating iniinom kapag tayo ay nakararanas ng sakit, gaya ng paracetamol (para sa sakit ng ulo),
antibiotic (para sa impeksyon dulot ng bakterya, at pagdudumi), antipyretics (para sa lagnat),
at iba pa. Mayroon ding ibang tawag sa droga ito ay downers o depressants, ito ang mga droga
na nagpapatamlay sa tao gaya ng mga alkoholik na inumin, barbiturate at tranquilizer.
Ang mga iniinom na gamot para sa mga sakit na nararamdaman ay tinatawag na good
drugs, tinatawag lamang na bad drugs ang mga ito kung tayo ay sosobra sa paggamit o pag-
inom na nagdudulot ng hindi maganda sa ating pangangatawan at kalusugan.
Kung umiinom tayo ng gamot upang pagalingin ang sakit ng ulo, lagnat, sipon, at iba pang
karaniwang sakit, itinuturing na itong paggamit ng droga. Ang katamtaman na paggamit ng
gamot o droga ay makatutulong upang baguhin ang kalagayan ng isang tao. Kaya’t dapat
uminom ng tamang gamot para sa isang sakit o karamdaman.

IV. Suriin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang ipinaiinom kung masakit ang ulo?
a. antibiotic c. antipyretics
b. paracetamol d. downers
2. Alin sa mga sumusunod ang magiging epekto ng gamot kung ito ay iinumin nang tama?
a. katalinuhan
b. kagalakan
c. panghihina ng katawan
d. kagalingan sa sakit na nararamdaman
3. Alin ang HINDI tamang hakbang sa pag-inom ng gamot?
a. Uminom ng gamot na may gabay ng mga magulang.
b. Uminom ng maraming gamot upang gumaling agad.
c. Uminom ng tamang gamot base sa sakit na nararamdaman.
d. Uminom ng gamot na may preskripsyon ng doktor.
4. Ano ang maaaring mangyari kung sosobra sa pag-inom ng gamot?
a. lalakas ang pangangatawan
b. gagaling sa sakit na nararamdaman
c. giginhawa ang pakiramdam
d. manghihina ang pangangatawan

4
5. Sino ang maaaring tumulong upang matukoy ang wastong gamot na maaaring inumin kapag
may sakit na nararamdaman?
a. nakababatang kapatid
b. matalik na kaibigan
c. magulang
d. kapitbahay

V. Pagyamanin
A. Panuto: Mula sa kross-salita ay subukang hanapin sa anumang direksyon ang salitang
tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang nahanap na salita.

A N T I P Y R E T I C S U H A T H P
M N U R T J F T R F I S H T N D L A
F F T P M F D S E G R T M S T O K R
I H I I P R L M A E C R L O I D F A
O I D F B P W Y N K U E F I R Y P C
F O Q S R I Q W E M S O G K E U O E
K Z P K P D O R N A O U O T Y G A T
V S M G F D P T T Q P P I O D G I A
K B N F H L R P I R T F P M C O K M
L H S O J K J D N C K G G A O R M O
S U R I O E T R G A U N O G W D R L
______________________1. Ito ay iniinom upang guminhawa ang pakiramdam o gumaling sa
karamdaman.
______________________2. Ito ang gamot na iniinom para sa sakit ng ulo.
______________________3. Gamot o droga na nagpapatamlay sa tao na
nagdudulot ng hindi maganda sa kalusugan.
______________________4. Ito ang gamot na iniinom para sa impeksyon dulot ng bacteria.
______________________5. Gamot na iniinom para sa lagnat.

B. Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap upang mabuo ang wastong kaisipan. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

tamang gamot bitamina bad drugs

good drugs katamtaman na paggamit gamot

1. Ang _________________ na ating iniinom ay mga gamot na nakatutulong sa atin upang


guminhawa ang ating pakiramdam o gumaling tayo sa ating karamdaman.
2. Ang mga iniinom na gamot para sa mga sakit na nararamdaman ay tinatawag na
_________________.
3. Tinatawag lamang na _________________ kung tayo ay sosobra sa paggamit o pag-
inom ng mga ito na nagdudulot ng hindi maganda sa ating kalusugan.
4. Ang _________________ ng gamot ay makatutulong upang baguhin ang kalagayan ng
isang tao.
5. Uminom ng _________________ para sa isang sakit o karamdaman.

5
VI. Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag.Isulat ito sa sagutang papel.

Mahalagang matutunan ang tama at wastong paggamit ng gamot


upang_________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

VII. Isagawa
Panuto: Isa-isahin ang mga magagandang epekto ng good drugs at masasamang
epekto ng bad drugs sa iyong katawan at kalusugan. Isulat ito sa sagutang papel.

}
Magandang Epekto ng Good Drugs sa iyong katawan at kalusugan
1.
2.
3.
4.

}
5.
Masamang Epekto ng Bad Drugs sa iyong katawan at kalusugan
6.
7.
8.
9.
10.

VIII. Tayahin
Panuto: Tukuyin kung para saan ang gamit ng iba’t ibang uri ng gamot na nasa
ibaba. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

6
7
Aralin
2 GAMOT NA IBA’T IBA, SA BOTIKA NAROON SILA

I. Balikan
Panuto: Kilalanin ang mga gamot na angkop para sa bawat uri ng sakit. Piliin ang
tamang sagot sa kahon. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
Antitussives Analgesic Antacid Antihistamine Antibiotic
________________1. Gamot na ginagamit upang lunasan ang simpleng
karamdaman para sa sakit ng ulo, sakit ng ngipin at kalamnan.
________________2. Panlunas sa allergy.
________________3. Gamot para sa impeksyong dala ng mga bacteria.
________________4. Gamot na panlaban o pangontra asim o kaasiman, particular
na ang para sa pangangasim ng sikmura.
________________5. Ginagamit upang mabawasan ang pag-ubo, lalong lalo na kung
iyo ay tuyo at walang plema.

8
II. Tuklasin
May mga uri ng gamot na kailangan ang reseta ng doktor (prescription drugs)
at mga gamot na maaaring bilhin kahit walang reseta ng doktor (over-the-counter
drugs).
Over-the-counter Drugs- nabibili ito ng direkta mula sa counter ng botika at
pati na rin sa mga tindahan. Hindi na kinakailangan ng reset amula sa doktor upang
uminom ng over-the counter na gamot. Ang mga gamot na ito ay maaaring gamitin
upang labanan ang mga sintomas ng sakit. Ngunit kapag mali ang nainom na gamot
maaari itong makasama, at sa ibang pagkakataon, magpalala ng sakit.
Prescription Drugs- ito ay nangangailangan ng ng nakasulat na tagubilin mula
sa doktor, dentista o nars. Ang tagubilin (prescription) ay nagbibigay-pahintulot sa
parmaseutiko upang makabili ng naturang gamot. Karaniwan ang mga gamot na ito
ay para sa mga tukoy na karamdaman. Ang niresetang gamot ay mas malakas at mas
maraming side effects kumpara sa gamot na over-the counter. Maraming prescription
drugs ang maaaring maging sanhi ng bisyo at di ligtas na kalusugan kung mali ang
paggamit dito.
May iba’t ibang uri ng gamot na inyo ng nakilala sa nakaraang aralin na angkop
lamang sa iba’t ibang uri ng sakit.
Paggamit ng droga/gamot- katamtamang paggamit ng gamot upang baguhin
ang kalagayan ng isang tao. Kung umiinom tayo ng gamot upang pagalingin ang sakit
ng ulo, lagnat, sipon o iba pang mga karaniwang sakit, itinuturing na ito na paggamit
ng droga/gamot. (http://issuu.com/cydph/docs/alsfl2-55/26 )

III. Suriin

(http://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/nakatutulong-na-droga-unang-bahagi.pdf)

Gamot sa Botika
May dalawang uri ng gamut
Na nabibili sa botika:
Una ay gamot na may reseta
Pangalawa nama’y kahit wala na

Gamot na may reseta, doktor ang may dikta


Gamot sa mga sakit na malubha’t malala na
Hindi pwedeng gamitin kung pahintulot ng doktor ay di kamtin
Pagkat lalo lang magdudulot sakit’ karamdaman natin

Gamot na walang reseta ay marami sa botika


Kahit sino sa atin ay maaaring bumili at makakuha
Basahing Mabuti direksiyon sa etiketa
Upang di magkamali, maiwasan ang pinsala.

9
Mga Tanong:
1. Ano ang dalawang uri ng gamot ayon sa ating tula?
________________________________________________________________________
2. Saan natin mabibili ang mga gamot na ito?
________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang pagkakaiba nito?
________________________________________________________________________

IV. Pagyamanin
A. Panuto: Kopyahin ang talaan sa inyong sagutang papel. Punan ang mga detalye sa
talaan gamit ang reseta.

Photo credit to
Meriam Cayanan

Follow-up :11-04-2020
Detalye
Pangalan ng doctor
Pangalan ng gamot 1.
2.
3.
Paano ang pag-inom 1.
2.
3.
Sukat ng inumin 1.
2.
Petsa ng pagbalik sa doktor
B. Panuto: Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang R kung ang gamot ay nabibili sa botika
ng may reseta at WR kung ito ay nabibili kahit walang reseta.
______________1. Mefenamic Acid (500mg)
______________2. Amoxicillin
______________3. Bio flu
______________4. Paracetamol
______________5. Neozep

V. Isaisip
Panuto: Sagutin ang katanungan upang ibuod ang kaisipan sa araling ito. Isulat ito sa sagutang
papel.
1.Ano-ano ang dalawang uri ng gamot?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dapat alalahanin bago bumili ng mga gamot sa botika?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
10
3.Ano-ano ang dapat tandaan bago uminom ng gamot?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4.Kailan dapat komunsulta sa doktor?
___________________________________________________________________________

VI. Isagawa
___________________________________________________________________________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

______1. Anong uri ng gamot ang maaring bilhin ng walang reseta?


a. Addictive c. Sedative
b. Prescribed d. Over-the-counter
______2. Anong tawag sa dokumentong ibinibigay ng doctor kung saan nakasulat ang mga
tagubilin sa wastong pag-inom o paggamit, wastong sukat at dalas ng paggamit ng gamot?
a. Reseta c. Rekomendasyon
b. Etiketa d. Listahan
______3. Hindi matiis ni Lito ang sobrang pananakit ng kanyang ngipin. Kumuha sya ng gamot
sa kanilang medicine cabinet. Ito ang nakita niyang ininom ng kanyang tatay ng minsang sumakit
ang ngipin nito. Ano ang DAPAT tandaan ni Lito bago uminom ng gamot?
a. Paggamot sa sarili.
b. Pagtitipid sa gamot.
c. Pagiging marunong sa pag-inom ng gamot.
d. Pag-konsulta sa doktor o nakatatanda bago uminom ng gamot.
_____4. Madalas ang pananakit ng sikmura ni Rita. Pinainom na rin sya ng gamot ng kaniyang
nanay, ngunit tila ito ay walang epekto. Ano ang nararapat gawin ni Rita at ng kaniyang nanay?
a. Sumangguni sa doktor.
b. Ituloy ang panggagamot sa sarili.
c. Taasan ang dami ng gamot na iniinom.
d. Huwag nalang pansinin ang sakit na nararamdaman.
_____5. Niresetahan si Tonyo ng gamot na antibiotic dahil sa kaniyang tonsillitis at pinayuhan
siyang inumin ito sa loob ng isang lingo ngunit hindi niya ito ininom sa tamang oras. Ano kaya
ang magiging epekto nito kay Tonyo?
a. Gagaling kaagad
b. Manghihina
c. Gagaling sya ngunit sa susunod na magkasakit sya ay tataasan na ang sukat ng gamot
na kaniyang iinumin.
d. Maninilaw ang kanyang balat.
_____6. Alin ang HINDI tamang hakbang sa pag-inom ng gamot?
a. Bumili sa pinagkakatiwalaang botika lamang.
b. Bumili ng gamot kahit walang preskripsyon ng doktor.
c. Uminom ng gamot na may gabay nang mas nakatatanda.
d. Ilagay ang gamot sa tamang lalagyan matapos gamitin.
_____7. Alin ang hindi nakikita sa pakete ng gamot?
a. Pirma ng doctor. c. Gaano kadalas inumin ang gamot.
b. Sukat ng gamot na iinumin. d. Paano inumin ang gamot.
_____8. Sino ang maaring gumabay sa bata sa pag-inom ng gamot?
a. Kaklase c. Magulang at parmasya
b. Kapitbahay 11
d. Magulang at doctor
_____9. Si Rosa ay uminom ng gamot ngunit hindi nya sinunod ang payo ng doktor at sobra ang
ininom nya nito upang mabilis syang gumaling. Naramdaman nya na lumalabo ang kaniyang
paningin. Ano ang nagging epekto ng hindi wastong pag-inom ng gamot ni Rosa?
a. Pagkabingi c. Pagkabulag
b. Pagkalumpo d. Pagkahilo
_____10. Alin sa mga sumusunod ang magiging epekto ng gamot kung iinumin ito ng tama?
a. Katalinuhan c. Lunas sa sakit
b. Kagalakan d. Sama ng loob

VII. Tayahin
Panuto: Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ito ay mga dapat tandaan sa pag-inom
ng gamot na may reseta at walang reseta at malungkot na mukha ☹ kung hindi.’

________1. Palaging sundin ang mga paalala sa reseta ng doktor.


________2. Inumin ng may sobrang dami ang gamot upang mabilis gumaling.
________3. Humingi ng tulong sa magulang tuwing iinom ng gamot.
________4. Maglaro lamang pag tapos uminom ng gamot.
________5. Ugaliing may laman ang tiyan bago uminom ng gamot.
________6. Basahin ang pangalan ng gamot bago ito inumin.
________7. Sundin ang dalas ng pag-inom ng gamot ayon sa payo ng ate at kuya.
________8. Huwag magtitiwala sa mga gamot na inireseta ng doktor.
________9. Ilagay ang gamot sa medicine cabinet pagkatapos inumin.
________10. Bumili ng gamot na hindi nireseta ng doktor.

Aralin
MALING PAGGAMIT, HATID AY PANGANIB
3

I. Balikan
Panuto: Isulat sa organizer sa ibaba ang pagkakatulad at pagkakaiba ng gamot na
may reseta at gamot na walang reseta. Isulat sa papel ang sagot.

PAGKAKATULAD
1.
2.
3. Gamot na
Gamot na walang
may Reseta Reseta

PAGKAKAIBA

1.
2.
3.

12
II. Tuklasin
Ang maling paggamit ng gamot ang nagdudulot ng masamang epekto sa
kalusugan. Ilan sa mga halimbawa ng maling paggamit ng gamot ay:

1. Paggamot Sa Sarili
Huwag gamutin ang sarili.Ito ang iginiit sa publiko ng Food and Drugs
Administrative (FDA). Kasabay nito, nagbabala pa ang FDA na ang self medication
o pagbibigay ng lunas sa sarili nang hindi kumukunsulta sa doctor ay maaaring lalo
pang makasama sa kalusugan lalo na kung mali ang gamot na ginamit.
Ang pinakamainam ayon sa FDA ay humingi ng payo sa mga doctor kung may
sakit bago uminom ng gamot upang matiyak na tama at epektibo ang gamot na
iinumin.Maaari ding magtanong sa mga komunidad at hospital pharmacist na sinanay
na magbigay sa mga pasyente ng pagpapayo sa medisina
Hindi dapat magpadala sa anunsyo o endorser ng produkto ng mga gamot at
kumunsulta muna sa mga doktor o pharmacists sa pagdedesisyon kung anong iinumin
na gamot. Tulad ng mga gamot na rehistrado ng FDA.
Palaging basahin ang pakete ng insert ng gamot upang matiyak na ang mga
medisinang gagamitin ay napatunayang ligtas, epektibo at dekalidad. Dapat din
basahing mabuti ng pasyente ang mga label ng mga gamot at impormasyon ng
produkto ng mga ito na nagsasaad kung paano ito gamitin o inumin, mga epekto at
pag-iingat sa pakikipag-ugnayan at warning ng gamot at tagal ng paggamit nito.
Inumin ang gamot ayon sa tamang dami at haba ng panahon. Huwag pahabain ang
araw ng pag-inom ng gamot upang maiwasan ang pagsandig (dependency) dito.
Mabuting malaman ang gamot na lagpas na sa petsa (expiration date) ng isang gamot
upang di mabawasan ang bisa nito at maging sanhi ng matagal na paggaling ng sakit.

2. Mga halimbawa ng maling paggamit o pag-inom ng gamot :


1. Pag-inom ng di sapat na gamot sa nakareseta, o pag-inom ng mga madalang
o ang pag-inom sa takdang oras.
2. Pagtigil sa pag-inom ng gamot nang mas maaga kahit pa maiklian o
matagalan ng panggagamot kahit mawala man ang mga sintomas.
3. Sobrang pag-inom ng gamot kaysa sa nakatakdang dami.
4. Pag-inom ng gamot sa maraming oras kaysa nakatakda.

Mga Dapat Tandaan sa Pag-inom ng Gamot


1. Uminom ng tamang gamot na nireseta ng doktor.
2. Uminom ng gamot ayon sa dami at tamang sukat nito.
3. Basahin ang etiketa ng gamot bago ito inumin.
4. Uminom ng tamang gamot para sa tamang uri ng sakit.
5. Huwag uminom ng gamot na lagpas na sa petsa ng pagkawalang bisa nito.

III. Suriin
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat sa papel ang mga
kasagutan.
Ang Pagkakamali ni Carol

Isang umaga maagang nagising si nanay Meling upang mamalengke, ginising nya ang
kanyang panganay na anak na si Carol para bantayan ang bunsong kapatid na natutulog pa.
Habang binabantayan nya ang kanyang kapatid ay napansin nya na parang giniginaw ito.
Nilapitan nya ito at sa pagkahawak nya sa kanyang kapatid ay sobrang init ng katawan nito.
Kinuha nya ang thermometer na ginagamit ng nanay nya tuwing sya ay may lagnat. Nang nakita

niyang mataas ang kanyang lagnat ay hinanap nya ang gamot na pinapainom sa kanya ng
kanyang nanay tuwing sya ay nilalagnat. Subalit ng ilang minuto ay may lumabas na mapupula
sa katawan ng kanyang kapatid at hindi bumaba ang lagnat nito. Sa takot nya ay tumakbo sya
sa kanilang kapitbahay at humingi ng tulong. Pagbalik nila sa bahay ay parating na rin si nanay.
Isinalaysay nya kay nanay ang nangyari at pinakita ang gamot na pinainom nya sa kanyang
kapatid. At sa pagsusuri ni nanay sa gamot na binigay ni Carol, ito ay lipas(expired) na pala.
Kaya dali dali nilang sinugod sa doktor.
Pinainom sya agad ng gamot at pinayuhan ng doktor ang mag-ina na siguraduhin na hindi
pa lipas ang ipapainom na gamot at kung lipas na ay itapon na ito para di na mapainom ng may
sakit.
Mga tanong:
1. Ano ang naging sakit ng bunsong kapatid ni Carol?
2. Bakit nagkaroon ng pantal ang katawan ng kapatid ni Carol nang painumin nya ito ng
gamot?
3. Ano ang pagkakamali na ginawa ni Carol?
4. Ano ang ipinayo ng doctor sa mag-ina?
5. Anong aral ang naipamalas sa kwentong ito?

IV. Pagyamanin
Panuto: Isulat ang  kung ito ay mga bagay na maaaring gamitin upang makatulong sa tamang
paraan ng pag-inom ng gamot at  kung hindi ito nakakatulong.Isulat sa papel ang sagot.

1. __________ 6. _____________

2. __________ 7. _____________

3. ___________ 8. _____________

4. ___________ 9. _____________

5. ___________ 10. ___________


14
V. Isaisip
Panuto: Isulat sa imahe ng REDCROSS ang mga dapat tandaan sa tamang pagpapa-inom
ng gamot sa may sakit. Isulat ito sa papel.

___________

1.______________________________________
2. ______________________________________
3. ______________________________________
4. ______________________________________
5. ______________________________________

VI. Isagawa
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa papel kung TAMA o MALI ang isinasaad
dito.
__________1. Uminom ng tamang gamot para sa tamang uri ng sakit.
__________2. Maaaring mag sarili ng gamot ang isang tao na may sakit upang makatipid ito.
__________3. Basahin ang pakete ng insert ng gamot upang matiyak na ligtas ang gamot na
iniinom.
__________4. Ang maling paggamit ng gamot ay makakaapekto sa kalusugan ng tao.
__________5. Dapat tiyakin na ang mga gamot na binebenta ay rehistrado sa FDA.

VII. Tayahin
Panuto: Pag-ugnayin ang larawan na kaugnay sa kaisipan sa tamang pag-inom ng
gamot. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

A B

_____1. thermometer a. Batayan sa oras ng pag-inom ng


gamot
_____2. reseta b. Tindahan ng mga gamot
_____3. doktor c. Gamit sa pagkuha ng timbang
______4. timbangan d. Gamit sa pagkuha ng temperatura
_____5. botika e. Taong awtorisadong magreseta ng
gamot
15
16
https://tinyurl.com/y2fxe2jg 
https://tinyurl.com/y3uop5pk 
https://tinyurl.com/y4aoxehv 
https://tinyurl.com/y3kmopeo 
http://issuu.com/cydph/docs/alsfl2-55/26 
https://tinyurl.com/y2s9p56p 
https://tinyurl.com/y32qsc7mf 
Kagamitan ng Mag-aaral pp.330-335 
https://jaemiellquiambao.atavist.com/pagkalulong-sa-droga 
https://www.slideshare.net/EDITHAHONRADEZ1/yunit-iii-aralin-i-health 
Deped Region 3,2015, Gabay sa Pagtuturo Health 4,Yunit III, Aralin 3-4 
Department of Education. 2013, K-12 Curriculum Guide in Health: p.31 
Pangkalusugan
Kagamitan ng Mag-aaral(1st Edition 2015)- Edukasyong Pangkatawan at 
Most Essential Learning Competencies (MELC) pahina 348 
Publication and Traiding, Inc., pahina 324-328
2015 Edukasyong Pangkalusugan Kagamitan ng Mag-aaral Grade 4, VICARISH 
Sanggunian
Isaisip
Pagpapasya ng guro.
Tayahin
1. D Isagawa
2. A 1.TAMA 6. MALI
3. E 2. MALI 7. TAMA
4. C 3. TAMA 8. TAMA
5. B 4. TAMA 9. TAMA
5. TAMA 10. TAMA
ARALIN 3 Isagawa Isaisip Pagyamanin ARALIN 2
Balikan 1. D 6. B 1. Gamot na may Balikan
Maaaring iba-iba 2. A 7. A reseta at gamot A. 1. Analgesic
ang sagot ng na walang reseta 2. Antihistamine
3. D 8. D 1. Dr. Maellen Joye
mga bata. 3. Antibiotic
4. A 9, C S. Alferos-Saldua
Suriin 2-4 (maraming maaring 4. Antacid
5. C 10. C 2. Progesterone
Pagpapasya kasagutan) 5. Antitussives
Tranexamic acid
ngguro
Multivitamins +
Pagyamanin Suriin
Tayahin iron
1.  Pagyamanin 3. 2x a day for 12 1. Gamot na may
1. 😊 6. 
2.  B. days (prog.) reseta at gamot na
2. ☹ 7.  1.R (hanggang 250mg 3x a day for 3 walang reseta
3. 
3. 😊 8.  lamang ng Mef. Acid days (Tran.) (over-the-counter)
4.  ang nabibili ng walang
4. ☹ 9.  1 tablet a day 2. Botika
5.  reseta) (mult.+iron) 3. Gamot na may
6.  5. 😊 10.  2. R 4. 200mg/cap reseta- mula sa
7.  3. WR 500mg/cap doctor/Gamot na
4. WR 5. 11-04-2020 walang reseta-
8. 
5. WR nabibili kahit walang
9. 
reseta ng doktor
10. 
Tayahin Pagyamanin ARALIN 1
B. Suriin Subukin
1. gamot para sa impeksyon dulot ng bacteria, at 1. gamot o droga 1. C
pagdudumi 2. good drugs 2. D 1. MALI
2. gamot para sa sakit ng ulo 3. bad drugs 3. B 2. MALI
3. gamot para sa lagnat 4. katamtaman na 4. D 3. TAMA
4. gamot na nagpapamlay sa tao gamit 5. D
4. MALI
5. gamot para sa impeksyon dulot ng bacteria, at 5, tamang gamot
5. TAMA
pagdudumi Pagyamanin
6. gamot para sa lagnat Isagawa A. 6. TAMA
7. gamot para sa sakit ng ulo Maaaring iba-iba ang 1. gamot o droga 7. TAMA
8. gamot para sa impeksyon dulot ng bacteria, at sagot ng mga bata. 2. paracetamol 8. TAMA
pagdudumi 3. downers 9. TAMA
9. gamot para sa impeksyon dulot ng bacteria, at Isaisip 4. antibiotic
Maaaring iba-iba ang 5. antipyretics 10. MALI
pagdudumi
10. gamot na nagpapamlay sa tao sagot ng mga bata.
Susi sa Pagwawasto

You might also like