kanilang paaralan, United Nations ang pangalan. Mga
kagamitan na kay gandang tingnan at pagmasdan, recycle materials lamang ang kailangan. Ang positibong dulot nito ay kay gandang pahalagahan. Ika nga ng karamihan, “mga kagamitang lumang tingnan at pagmasdan, may malaking posible na mapagandahan kung gagamitin ito sa mabuting pamamaraan.”
Tampok dito ang kakaibang mensaheng ginagabayan ng
mga prinsipyo ng pagkamakatao, pagkakaisa at kapayapaan. Yakap-yakap ang kasiglaan at kagalakan ng mga mag-aaral at guro sa paglulunsad ng United Nations Day. Ang pagtamo ng kooperasyon sa pagresolba ng mga suliraning pang-internasyunal na ekonomiya, lipunan, kuktura at pangsakatauhan ay nailahad din sa pagdiriwang. Ang kahalagahan ng yamang kalikasan, ang basurang dulot ng polusyon ay nagamit at napakinabangan.
Mabuhay! Pagkakaisa at kapayapaan na ipinalaganap sa
ating bansa! Ipinagdiwang ng Sabang National Highschool ang United Nations noong Nobyembre 15, 2019. Sinimulan ang patimpalak sa pangunguna ni Dr. Eric P. Capuyan at pinamagatang Mr. and Ms. Eco Savings United Nations 2019. Ito ay naging orihinal at kakaiba sa lahat! Hindi lang layunin na ipakita ang kapayapaan, kawanggawa at pagtataguyod ng karapatang tao kundi naipakita din ang paglalahad ng emosyon tungkol sa ating kalikasan. Hindi lang ang pagsuot ng national costume ang sangkot at nagkaroon din ito ng kakaibang ikot.
Sa isang simpleng paligsahan ay naipapakita kung paano
narerecycle ang isang bagay. Mga makukulay na plastic, bote, papel na gumuhit ng kaakit-akit na huwaran. Pumasok ang ibat ibang tradisyunal at marilag na kasuotan na siyang masigarbong nirepresenta ng mga kalahok.