You are on page 1of 2

Maghiwalay na Tayo- Yes-O

Waste Segregation pinaigting ng Laurelians

Ipinahayag ni Joshua Dominic Fajardo, president ng Youth for Environment in School Organization (Yes-O)
ang ng basurang plastic sa mga nabubulok ng maayos na basura sa Pres. Jose P. Laurel National High
School, Hunyo 4.

Nagkalat ng basura ang pangunahing dahilan ng layuning ito. Kaya naman naisip ng YES- O President
na magkaroon ng proyektong Waste Segregation.

Ang proyektong ito ay paligsahan ng bawat pangkat ng mag-aaral mula sa ikapitong baitang hanggang
ika-sampung baiting na kinakailangang magkaroon ng basurahan na may label na "Nabubulok" at "Di
Nabubulok", may anim na litrong plastik na botelya ng tubig (Wilkins) at isang kahon para naman sa
papel.

"Ang Wilkins ay kinakailangang gupitin ang mga plastic wrapper at isiksik sa bote upang gamiting
kasangkapan sa hollow blocks," paliwanag ng Yes-O President.

"Kahit ang mga papel na ihuhulog sa kahon ay dapat naka tupi ng ayos. Hindi dapat gusamot. Ang mga
papel na naiipon ay maaaring ipagbili ng bawat pangkat pandagdag pondo ng kanilang klase para
magamit sa iba't ibang Gawain ng paaralan, "dagdag pa niya.

Ayon sa kanya, ang proyekto ay makakatulong sa mga mag-aaral sapagkat matuturuan silang maging
organisado sa pagtatapon ng basura sa paaralan man o maging sa tahanan.

Dagdag pa niya araw-araw ay may miyembro ng Yes-O na magsiyasat ng bawat silid kung nasusunod
ba nila ang proper segregation ng basura.

Sa huling linggo ng bawat buwan, tinitimbang ng Yes-O ang ipong plastic wrapper sa bote ng ahon
bawat pangkat na may lamang nakatuping plastik.

Sa Basura may Biyaya

Dahil sa suportang ibinigay ng Laurelians ay binigyan ng 1- Yes-O ang mga pangkat ng mga Yes-O
pabuya.

Nakamit ang ung pwesto ng Grade 7 Faith na may naipong 4.6 kg, pangalwa ay Grade 7 Hope na may
3.2kg at ang huli naman ay Grade 9 Joy na may 3kg.

Bilang motibasyon sa mga nagwagi ay binigyan sila ng mga sabon para gamiting panlinis sa loob at
labas ng silid-aralan.

Kasali din nasabing programa ang pagsiyasat araw-araw ng kantina ng paaralan, Tanggapan ng Punong
Tagapayo, Silid Aklatan, at iba pang mga silid.

Kaugnay ng programang ito ay mahigpit ding pinapatupad ang "pack a waste free lunch" and "no to
single use plastic campaign, ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magbaon at magdala ng kanya-kanyang
water g tumbler.
"Ito ay nakakatulong sapagkat maiiwasan ang paggamit ng plastik na nagiging isa sa pangunahing
problema ng paaralan," paliwanag ni Joshua.

Ayon kay Joshua Dominic Fajardo, positibo ang naging epekto ng proyekto na kanilang ipinatupad
dahil naging mas maayos ang silid-aralan at nagtatapon na ng maayos ang mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang Yes-O sa kanilang proyekto upang magkaroon ng disiplinadong
mag-aaral lalo't higit ang malinis at magandang paaralan.

You might also like