You are on page 1of 1

Are, Batangueño

Isinulat ni Gng. Cristeta M. Asi

Bago ako nagparoo’t nagparine


Tanawing mabobongga ay eh ganire
Wika naming kung pakinggan ay matinde
Ikaw ay mawiwiling marinig are.

Bubulaga ang magagandang babae


Ang mga makikisig at guwapong lalake
Masisilayan mo kung ika’y nandine
Maraming turista ang magpaparine.

Masasarap na Batangueñong putahe


Inuming mainit na barakong kape
Puto bungbong, suman at bibingka dine
Kilala sa pagiging bayang ala eh.

Sumalta ka sa kanilang kabahayan


Pagtanggap ng panauhin maasahan
Masasarap na pagkain matitikman
Sila’y punong-puno ng kaligayahan

Lahat ito’y napapanitiling totoo


Sa pagtuturo ng magulang at guro
Mawiwili silang pumunta’t dumayo
Dahil Batangueño ay disiplinado

You might also like