You are on page 1of 1

“Lalawigan ko, ipinagmamalaki ko.


Lalawigan ng Batangas
Kilala ang lalawigan ng Batangas na kakaiba dahil pinapanatili nito ang luma at
tradisyong tagalog. Ang Batangas ay may populasyon na pinangungunahan ng mga Tagalog,
ang mga lokal ay tinatawag na Batangueño at mga kababaihan naman ay tinatawag na
Batangueña. Ang mga Batangueño ay magalang, palakaibigan, masipag, malikhain at
maparaan. Maraming mga Batangueño ang patuloy na nagsasagawa at ipinagpapatuloy ang
mga tradisyon tulad ng Subli. Ito ay tradisyonal na ginaganap sa pamamagitan ng pagtugtog
ng tambol, pag-awit at pagsasayaw. Ang Batangas ay kilala rin sa paggawa ng balisong at
burdang Taal. Ang mga Batangueño ay napakarelihiyoso din at tapat sa Katolisismo, na higit
na nakikita sa mga pagdiriwang na ipinagdiriwang bilang pagpupugay sa iba't ibang mga
patron.

Madami akong masasayang karanasan sa Batangas, isa na dito ay noong dumalo kami sa
Sublian Festival sa Batangas City at pagkatapos ay dumayo kami sa Taal Basilica upang
magsimba kasama ang aking pamilya. Pumupunta rin kami sa bayan ng Taal upang bumili ng
Barong Tagalog at Saya kapag may espesyal na pagdiriwang sa aming pamilya. Naranasan ko
din na masaksihan ang bayanihan sa Batangas tulad ng panunulongan sa paghahanda ng kasal
Likas din sa aming mga Batangueño ang pagiging magalang kaya naman ako ay nagmamano
sa mga nakakatanda sa akin. Isa naman sa pinaniniwalaan ng mga Batangueño ay ang
pagpapagamot sa mga albularyo o manghihilot na pinaniniwalaang nakakagamot sa mga saki
gamit ang herbal at dasal na minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Sa tuwing ako ay
nagkakasakit, ako ay dinadala ng aking magulang sa albularyo o manghihilot upang
ipagamot.Tunay nga na nanatili ang tradisyon at kultura ng aming mahal na lalawigan ng
Batangas.

Summative Assessment 3 in Filipino and Social Studies (PicCollage)

You might also like