You are on page 1of 2

“PANANALIKSIK TUNGKOL SA MGA CEBUANO”

Isang Sulating Pananaliksik na iniharap kay:


Mrs. Aiza A. Maguindanao
Guro sa Pananaliksik
Ng
Mindanao State University-Lanao del Norte Agricultural
College
Departamento ng Kolehiyo
Ramain, Sultan Naga Dimaporo, Lala, Lanao del Norte

Ipinasa ni:
Joshua Jake U. Ling-ganay
BSA-Animal Science 3rd Year
“ANG CEBUANO”

KULTURA NG MGA CEBUANO

- Isa sa mga kultura ng mga Cebuano ay ang kanilang pananampalataya o relihiyon,


karamihan sa kanila ay Katoliko at Kristiyano at iba naman sa kanila ay Budhismo at
protestantismo. Ang kanilang wika naman ay bumubuo ng wikang cebuano, ingles,
tagalog at kastila. Ang mga kaugnay ng mga pangkat etniko naman ay mga Boholano,
Mga Hiligaynon, Mga waray at iba pang mga Bisaya. Ang kanilang mga ugali o asal
ay ang pagiging malikhain, matulungin, makaDiyos, at mapagmahal sa matatanda.

WIKANG CEBUANO
- Katutubong wika sa Cebu ang Wikang Cebuano. Sinasalita ito sa halos lahat ng
bahagi ng mga kapuluan sa Gitnang Bisayas, kasama ang mga lalawigan ng Bohol,
kanlurang Leyte, Negros sa ilang bahagi ng sa katimugang Pilipinas kasama
ang Bukidnon, Agusan, Surigao, Davao, Cotabato, at Zamboanga del Sur. May mga
pagkakaibang makikita sa mga salita sa maraming bahagi subalit ang pagkakakaiba ay
bahagya lamang. May tinatayang 20 milyong tagapagsalita ng Cebuano. Mahusay din
manalita ang mga Cebuano ng ibang katutubong wika sa Pilipinas gaya ng Tagalog at
iba pang mga wikang Bisaya gaya ng Hiligaynon, at Waray-Waray.

RELIHIYON
- Ang Nuestra Señora de Guadalupe ang patron ng Cebu. Subalit karamihan sa mga
Cebuano ay nagsasabing ang Santo Niño de Cebu, Ang Banal na Batang Jesus ang
kanilang santong patron Ang Estatwa nito ay matatagpuan sa Basilica Minore del
Santo Niño. Ang San Nicholas de Tolentino ay ang pinakalumang simbahan ngunit
bahagyang nasira noong panahon ng digmaan. Ito ang orihinal na pook kung saan
unang dumaong at itinayo ng mga Kastila ang Krus bago ito inilipat sa kasalukuyang
pook nito sa Basilika.

You might also like