You are on page 1of 1

Pamayanang Kultural ng mga Visayas

Ang mga pangkat etniko sa bansa natin ay nakikilala sa kanilang sarili sa isa o
higit pang mga aspeto katulad ng kultura, wika, kasysayan at iba pa.

Ang mga Bisaya ay isang multi-linggwal na pangkat-etnikong Pilipino.


Pangunahin silang nainirahan sa Kabisayaan, mga katimugang kapuluan ng Luzon, at
maraming bahagi ng Mindanao.

Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang


Hilgaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayan, wikang Cebuano sa
Gitnang Kabisayan, at Waray sa Silangang Kabisayan.

Masinop, matapat, magiliw, matiyaga at relihiyoso ang mga tao sa Visayas.


Pangunahing hanap-buhay sa rehiyong ito ang pagsasaka at pangingisda.

Ilan sa mga pangkat etniko ng mga taga Visayas ay ang mga Ati na nasa Panay
sa Kabisayaan na nasa gitnang bahagi ng Kapuluan ng Pilipinas.

Sila ay mayroong kaugnayang henetiko sa iba pang mga pangkat-etniko ng mga


Negrito sa Pilipinas, katulad ng mga Aeta ng Luzon. Ang Mga Waray na matatagpuan
sa Samar Eastern Leyte; ang mga Cebuano na makikita sa Cebu.

Sila ay ilan lamang sa mga bumubuo sa pamayanang kultural ng mga Visayas.


Mahilig sa mga Piyesta ang mga Bisaya. Taon-taon ay may piyestang Sinulog,
Sandugo at Ati-Atihan. Marami rin silang mga kaugalian at tradisyon na
magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang ipinamamalas at ipinagmamalaki.

You might also like