You are on page 1of 6

Kultura ng mga Batangueno

Bilang Bahagi ng Gawaing Kailangan sa Kursong


Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa ni: Mindanao, Micoelo Jay R.

Ipinasa kay: Ms. Angel Reyes

Abril 2023
INTRODUKSYON

Kaligiran ng Paksa
Ang Batangas ay isang probinsya sa Timog-kanluran ng Luzon, ang
pangunahing isla ng Hilagang Pilipinas. Ito ay ikaapat na pinakamayamang probinsiya
at ika-siyam na sikat sa Pilipinas at mayroong ibang kultura, tradisyon, at wika na
nagaganap dito.
Sa Batangas ang mga lokal na tao dito ay tinatawag na “Batangueno”. Ang
kultura ng mga Batangueno ay kilala sa pagsasalita ng tagalog na mayroong punto.
Kilala rin sila sa pagdagdag ng salitang kagaya ng “eh” at “ga” sa kanilang pananalita.
Tinatawag din silang “Matanda na Dugo” dahil sila ay nagbibigay respeto sa kanilang
kamag-anak hindi dahil sa edad kundi sa konsanguinidad. Ang mga Batangueno ay
kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa. Ang pwedeng maging halimbawa dito ay sa isang
pagtitipon ng mga Batangueno dahil mapapansin ang mga ito na magkakasama
hanggang sa matapos ang partikular na pinagdiriwang.
Ang pangunahing hanap buhay ng mga Batangueno ay ang pagsasaka at
pangingisda dahilan sa lokasyon ng lalawigan at sila din ay maituturing na malakas sa
pag-inom ng alak at pagkain ng matatamis.
Sasaliksikin ang kultura ng mga Batangueno upang sila ay makilala pa natin at
para lutasin din ang mga negatibong epektong nakalibot sa kanilang kultura tulad ng
mapanghusgang tao sa labas ng kanilang lugar dahil ang kanilang kulturang nabuo ay
isang malakas na bahagi ng buhay ng mga Batangueno at ito ay nakakaimpluwensya
sa kanilang pananaw, kanilang mga pinapahalagahan, kanilang katatawanan, kanilang
pag-asa, at kanilang mga alalahanin at takot. Upang ang mga tao ay mas lalo pang
pahalagahan ang kultura ng mga Batangueno, maaaring gumawa ng programa
kaugnay sa kultura ng Batangueno sa paraan na ang mga Batangueno ay kasangkot sa
programang ito, may sesyon sa pag-aaral at palaro para sa mga taong nakilahok.
Layunin ng Pag-aaral
Upang mapahalagahan at makilala pa lalo ang kultura ng mga Batangueno ng
mga tao dahil may taong hindi pa nakakaalam lalo na ang mga bagong henerasyon
kung sino nga ba ang mga Batangueno at kung ano nga ba ang halaga ng kultura nila.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalagang ang mga Batangueno ay makikilala pa lalo natin, pahalagahin ng
mga tao ang kultura ng mga Batangueno, at mapansin ang kahalagahan ng kultura ng
mga Batangueno upang magkaroon ang mga tao ng kamalayan sa lipunan na maaaring
magkaroon ng makabuluhang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao at para bawasan
ang diskriminasyon dahil ang kultura ng mga Batangueno ay isang malakas na bahagi
ng buhay ng mga tao at ito ay nakakaimpluwensya sa kanilang pananaw, kanilang
pinapahalagahan, kanilang katatawanan, kanilang pag-asa, at kanilang mga alalahanin
at takot.

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura


Ayon kay Joseph isa ang mga Batangueno sa mga taong kilala at kahahanga
dahil sa kanilang kakaibang kultura at ugali. Kapag sinabi ang salitang “Batangueno”
kilala ito sa pagiging matapang, may paninindigan at pagmamahal sa sariling bayan.
Kilala rin ang mga Batangueno sa pagiging malikhain at maparaan. Ipinagmamalaki din
ng mga Batangueno ang kanilang mga produkto at pagkain tulad ng “kapeng barako” at
ang “lomi” na kilala sa Pilipinas dahil sa kakaibang lasa na pilit binabalik-balikan ng mga
taga ibang bayan. Ang katangian ng mga Batangueno na nakakaimpluwensya ay ang
paggamit ng mga kakaibang salita sa pang araw-araw na komunikasyon na kadalasan
ginagamit ng mga Batangueno tulad ng “isud” “damba” “barik” “likom” at marami pang
iba.

Ayon kay Provincial Board Member Africa at Mr. Montenegro, ang isang tunay na
Batangueno ay mga masisipag, may pagpapahalaga sa pamilya at madasaling uri ng
mga tao at ang isang purong Taaleno at isa sa mga matinding tagapagtaguyod ng
kultura at turismo sa probinsiya ng Batangas ang mga Batanguenos bilang matatapang,
mababait, at malalakas ang loob.
Ayon kay Ladaran Ang mga Batangueño ay napakaregionalistic. Kapag nalaman
na ang isang tao sa silid ay taga-Batangas din, asahan na sila ay magkasama
hanggang sa matapos ang kaganapan. Inaasahan din na papaboran ng mga
nanunungkulan ang kanilang mga kapwa Batangueño hangga't pinapayagan ng mga
patakaran. Ang gawaing ito ay pabirong tinutukoy bilang "Batangas Mafia". Karamihan
sa mga Batangueño ay magsasaka man o mangingisda na nagbebenta ng kanilang
sariling mga produkto sa merkado. Bagama't karamihan sa kanila ay nakapagtapos na
rin ng isang degree, marami ang pinipiling magtayo ng sarili nilang maliliit na negosyo
sa halip na ituloy ang karera sa kanilang larangan ng pag-aaral. Ito ay marahil dahil sa
hindi malay na kultural na paniniwala na siya na walang lupang binubungkal o
pangangalakal ay isang taong tamad. Ang mga Batangueño ay kilala na
napakamapagpatuloy sa mga tagalabas. Ang mga bisita ay papakainin ng higit sa
karaniwang kinakain ng mga host. Lubos na pinahahalagahan ng mga taong ito kung
nakikita nilang sinusubukan mong maging isa sa kanila. Ang mga Batangueño ay
malakas uminom. Ang mga lalaki, at kung minsan ay mga babae, ay maaaring gumugol
ng mahabang oras ng mga sesyon ng pag-inom na parang walang trabaho sa susunod
na araw. Ito ay totoo lalo na kung bibisita ka sa malalayong barangay. Bukod sa
sobrang pag-inom ng alak, gusto ng mga Batangueño ang matamis na pagkain. Marahil
ito ay dahil hindi kailanman nagkaroon ng kakulangan ng asukal sa lalawigan dahil sa
pagkakaroon ng Central Azucarera Don Pedro, ang kasalukuyang pinakamalaking
producer ng asukal sa buong kapuluan. At kung mahilig sila sa matapang ang kanilang
alak at matamis ang kanilang mga pagkain, gusto rin ng mga Batangueñomalakas ang
kape. Sa mga baryo, umiinom ang mga tao ng brewed coffee, na tinatawag ng mga
tagaroon Barako Coffee, isinalin bilang ang kape ng stud. Noong unang bahagi ng
1900s, ang Batangas ang pinakamalaking producer ng kape sa buong Asya. Sa
kasalukuyan, nagsasagawa ng mga hakbang upang mabawi ang posisyong ito, lalo na
sa lungsod ng Lipa.
METODOLOHIYA
Mga Kalahok ng Pag-aaral
Maaaring mga Batangueno at ang mga nakakalap na impormasyon na galing sa
iba’t ibang aklat, sanggunian, at pahayagan upang makakuha ng marami at
mahalagang impormasyon tungkol sa kanilang kultura na magagamit sa gagawing
pananaliksik.

Paraan ng Pangangalap ng Datos


Maaaring gumawa ng survey online man o onsite at ito ay ipamahagi sa mga
Batangueno o kaya naman ang pakikipanayam sa mga Batangueno upang mangolekta
ng mga mahahalagang impormasyon at resulta ng datos kaugnay sa mga kultura ng
mga Batangueno.
BIBLIOGRAPIYA
Joseph. (2016, Setyembre 2). Lahing Batangueno
https://migjoseph29online.wordpress.com/author/migjoseph29
Ladaran (n.d.). ANG MGA BATANGUENO.
https://www.academia.edu/35448089/ANG_MGA_BATANGUENO
Africa at Montenegro (n.d.). WIKA, KULTURA, AT LIPUNAN NG MGA BATANGUENO.
https://www.academia.edu/35448089/ANG_MGA_BATANGUENO
Wikipedia (n.d.). Batangas. https://tl.wikipedia.org/wiki/Batangas
WIKANG BATANGAS (n.d.). Kultura. https://kiaranicoleweb.wordpress.com/about/

You might also like