You are on page 1of 2

Tune: Tong Tong Tong Pakitong-kitong

Pilipinas ang aking bansa at ako’y Pilipino,


Kultura ko at tradisyon, ito’t mapapakinggan niyo:

A - Anahaw, Agila pambansang daho’t ibon


Ba - Bayanihan, Baro’t Saya, Bahay Kubo, Banig, Bakya
Ka – Katoliko, Kamiseta, Kakanin, Karinyosa
Da – Dasal dito, Damit doon, Kain dito, Sayaw doon
E – Etniko, Epiko, marami tayo niyan dito
Ga – Galang at pagdamay ay nakatanim sa’ting puso
Ha – Harana sa dalagang tunay na sinisinta
I – Ipag-igib, Ipagsibak, manilbihan sa ama
La – Laro nati’y Patintero, Tumbang Preso, Sipa’t Piko
Ma – Mano po inay, itay, kami’y mamamanhikan lang
Na – Nagpenitensya, Nagpako para sa Senakulo
Nga – Nga-nga at Alak ay lagi sa pagdiriwang
O – Opo at Po ay di nawawala sa’ting bibig
Pa – Pagdiriwang ng Pista, Pasko at Bagong Taon
Ra – Raliyista sa atin ay hindi padadaig
Sa – Santo Niño’t, Sampaguita’y kita sa ating poon
Ta – Tagalog, Filipino, lenggwahe nating Pinoy
U – Undas ay nangangahulugang klase’y hindi tuloy
Wa – Walis Tambo, Walis Tingting, sa’tin lang makikita
Ya – Yabong ng Pilipinas, di maipagkakaila

You might also like