You are on page 1of 2

PANALANGIN

Sa ngalan ng Ama, ng Anak , ng Espiritu Santo ,Amen

Mahal na Ama narito kaming mga anak mo na natipon-tipon , sumasamba


at sumasampalataya sa iyo dahil alam namin na ikaw lamang ang nag-iisang
dakila na lumikha ng sanlibutan

Marami pong salamat at binigyan mo na naman kami ng pagkakataon na


dumalo sa pagdiriwang na ito

Basbasan mo po ang mga kapatid na tumulong para sa paghahanda nito

Salamat din sa ibinibigay mong lakas at dunong namin sa araw-araw upang


manatili naming mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay

Palagi mo nawa kaming gabayan upang maipagpatuloy namin ang aming


tungkulin na maging instrumento ng pagbabago patungo sa pag-unlad ng
bansa at lalo pa naming masalamin ang layunin mong dakila sa aming buhay

Bigyan mo sana kami ng sapat na lakas at katalinuhan lalo na ang mga


kabataan na dumalo para sa patimpalak na ito

Akayin mo rin nawa sila papunta sa iyo upang sama-sama kaming maging
kasangkapan ng pagbabago at tagapagtatag ng pamayanang may katarungan,
pagbubuklod, pag-ibig at kapayapaan.

Gabayan mo rin sana Panginoon ang kanilang mga magulang na


nagsasakripisyo para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak

Ilagay mo po sa aming puso at diwa ang pag-ibig na walang kapalit upang


kami ay makapamuhay na naaayon sa iyong mga aral.

Panalangin namin ang lahat ng ito

Sa pangalan ng iyong bugtong na anak amen

Sa ngalan ng Ama, ng Anak , at ng Espiritu Santo ,Amen


Registration

Araling Panlipunan Festival

Silang Elementary School

SY 2017-2018

Patimpalak Kalahok Tagasanay

1. Pag-awit Jennica Paz Minette P. Burgonio

2. Quiz Cristian Daniel Gazmen Elenita A. Pastor

3. Oration Joshfer Raquepo Jojo Pescador

You might also like