You are on page 1of 4

Purihin ang Diyos sa Biyayang Kaloob

Titik at Musika: John Lester B. Maglonzo

I. Purihin nating ang Diyos


Magdiwang ang Kanyang bayan
Sapagkat sa maraming taon
Tayo ay Kanyang pinagpala

Tayo ay kanyang binigyan


Ng isang Ina at Reyna
Na sa atin ay nagmamahal
At siya’y Inang Mapag-ampon

KORO: Purihin natin ang Ama, Anak at Espiritu Santo


Sa pagbibigay sa atin ng Ina na sa atin ay mapag-ampon

II. Animnapu’t limang taon


Sagana sa biyaya ng Diyos
Sambayanan ngayo’y nagdiriwang
Nagpupuri’t nagpapasalamat

Halina Oh Bayan ng Diyos


Ating tularang lahat
Ang buhay at misyon ni Kristo
Kasama si Maria, ating Ina

KORO: Purihin natin ang Ama, Anak at Espiritu Santo


Sa pagbibigay sa atin ng Ina na sa atin ay mapag-ampon

Coda: Purihin ang Diyos!


Purihin ang Diyos
Makiisa, Makisalo, Magdiwang
Gene Mitra

Paglilingkod sa pangalan mo
Pagsisilbi sa iba, pakikipagkapwa tao
Tanging hiling ay manatili sa iyo
At sa pagmamahal mo, Panginoong Hesukristo

Mabuting gawain, dakila at banal


Tunay na pagpapakita ng pagmamahal
Sa’yo ay walang hinihintay na kapalit
Sa gawaing kusa, walang pagpilit

Buhay mo at misyon mo,


O aming mahal na Hesukristo
Ako’y makikiisa, makikisalo,
Buong puso kong ipagdiriwang ito

Ang mamuhay ng tulad mo


Ang misyon mo ipapalaganap ko,
Kami’y makikiisa, makikisalo
Ipagdiriwang ka ng lahat ng tao

Kasama ng Ina nagsilang sa kanya


Makiisa’t makisalo at magdiwang na!
Magpasalamat at Magdiwang
Titik at Musika: Antonio L. Paulino

I. Ama na bukal ng biyaya, pag-ibig mo’y laganap


Sambayanang nananalangin, sa’yo’y naghahandog

Pinili mo’t hinirang, bayang nagdiriwang


Pag-ibig at pag-asa sandata nami’t lakas

KORO: Purihin ang Diyos! Purihin ka O Kristo


Ngayo’y nagkaisa sa dalangi’y tagumpay
Magpasalamat, magdiwang sa biyayang kinamtan
Sa tulong ni Maria, Patrona’t Inang Mahal

II. Tinawag mo’t humayo, maglingkod sa bayan mo


Tangan aming hangarin, makiisa sa layon mo

Kawan mong sinisinta, ngayo’y nagsama-sama


Mabuting balita’y ihayag, pagtugon sa utos mo

III. Saksi ng ‘Yong pag-ibig, pagtugon sa tawag mo


Sa buhay at misyon ni Jesus aming Poon.

Sa’ming pagdiriwang, pagkatatag ng Simbahan


Sa’yo at tinaggap, buhay at lakas.

Magpasalamat, Magdiwang, Magkaisa at Manalangin.


Ipahayag! Ibahagi ang Buhay at Misyon
Ni Kristong aming Poon
Magpasalamat!
Pagkakaisa
Titik: Cris Ching
Musika: Radin Zainal

Halina’t magdiwang, magpuri sa Diyos


Kaisa ng Birheng Maria Auxiladora
Ika-animnapu’t pagpapala

Ang buhay sa mundo’y kahndikhindik


Sa kasalana’y sa mundong bumabalot
Sa Diyos at tao’y naghihiwalay
Sa mga gawain na di nais ng Diyos

Tayo’y magkaisa itaguyod ang Parokya


Sa tulong mo kaisa ng Diyos tayo ay magkaisa
Simulan sa pamilya ang pagmamahal

Ating pagsaluhan ang biyayang walang hanggan


Sa buhay ni Maria at ni Kristo
Ay puno ng pagmamahalan
Ipalaganap ang balita ihatid ay pag-ibig sa ating kapwa

Tayo’y magkaisa itaguyod ang Parokya


Sa tulong mo kaisa ng Diyos tayo ay magkaisa
Simulan sa pamilya ang pagmamahal

Tagapagligtas nagbuwis ng buhay


para sa kasalanang nagawa ng tao sa sanlibutan

Tayo’y magkaisa itaguyod ang Parokya


Sa tulong mo kaisa ng Diyos tayo ay magkaisa
Simulan sa pamilya ang pagmamahal

You might also like