You are on page 1of 4

TAUSUG

1. WIKA

 Ang Wikang Tausug ay tinatawag rin na Sinug. Ito ay may kaugnayan sa


Bicolano, Tagalog, Surigaonon, Butuanon, at Waray-Waray.

 Ang ilan sa mga Tausug ay marunong magsalita ng Zamboangueño, Chavacano,


Cebuano, Malay, Ingles.

 Sa noong panahon, ang Wikang Tausug ay nakasulat sa Arabikong alpabeto.

Filipino Tausug

Ako ay si (Muhammad). In ngān ku (Muhammad).

Kumusta ka? Maunu-unu nakaw?

Salamat! Magsukul!

Isda Ista'

Binti Siki

Kamay Lima

Tao Tau
2. TRADISYON, KULTURA, KAUGALIAN

 Ang Pangalay o “fingernail dance” ay isang tradisyunal na sayaw na sinasayaw ng


nobya tuwing kasal.

 Sinusunod nila ang paniniwala at kaugalian ng Sunni Islamic.

 Patuloy pa rin ang pagsasanay ng “arranged marriage” sa kanila.

 Ang mga lalaki ay may karapatang na mag-asawa hanggang apat na beses.

 Maaari sila magkasal lamang kapag sila ay may parehas na relihiyon, at kung hindi,
isa sa kanila ay kailangan magpasampalatya.

 Ang pakikikamay ay nagsisimula sa pinakamatandang tao sa grupo.

 Hindi nila hinahawakan ang tao gamit ang kanilang kaliwang kamay sapagkat ito ay
ginagamit sa mga aktibidad sa banyo.

 Naniniwala sila sa ispiritu ng kalikasan, katulad ng bato at puno.

 Naniniwala sila na ang namatay na tao ay may apat na kaluluwa na aalis sa


kanilang katawan.

 Naniniwala sila na ang kanta mula sa Koran ay makakabawas ng pisikal na sakit ng


ispiritu ng tao na namatay.
3. KASUOTAN, PAGKAIN, MAHAHALAGANG KAGANAPAN

A. KASUOTAN

 Ang mga lalaki ay nagsusuot ng masikip na damit at pantalon, sintas na nakatali sa


baywang at turbante. Inaahit nila ang kanilang mga ulo upang ipahiwatig ang
kanilang katayuan sa lipunan.

 Ang mga babae ay nagsusuot ng sarong. Nagsusuot sila ng mga tansong alahas sa
kanilang mga blusa o ginagamit bilang kuwintas o pulseras.

B. PAGKAIN

 Tiyula itum (Ito ay nilagang baka o kambing na sopas. Ito’y kulay itim dahil sa
natatanging paggamit ng “charred coconut meat”.)

 Piyanggang manok (Inihaw na manok na may itim na sawsawan na gawa mula sa


sinunog na niyog, lemongrass at ilang iba pang pampalasa)

 Putli Mandi (Ito’y gawa sa malagkit na harina na may matamis na piraso ng niyog
sa loob at ibinalot sa sariwang niyog.)

 Lokot Lokot (Golden brown delicacy na gawa sa harina, asukal at tubig)

C. MAHAHALAGANG KAGANAPAN

 Ramadan (Ang pang-siyam na buwan ng Muslim year; mahigpit na pag-aayuno ay


sinusunod mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw)

 Eid al-Fitr ("Festival of Breaking the Fast"; nagmamarka bilang katapusan ng


Ramadan)

 Eid al-Adha (Feast of Sacrifice; pinapurihan ang pagpayag ni Ibrahim na isakripisyo


ang kanyang anak)
4. Mga Pagdiriwang

 Maulidin Nabi (Kaarawan ng Prophet Muhammad; tuwing pang labindalawang


araw ng Maulud)

 Panulak Balah (Ang araw ng “ritual bathing” sa huling Miyerkules ng Sappal)

https://www.slideshare.net/urongan/tausug-behavior-and-personality

https://www.slideshare.net/JennicaOcampo/tausug

You might also like