You are on page 1of 1

Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa katapangan at pakikipag-sapalaran ng isang

pangunahing tauhan. Ito ay karaniwang nagtataglay ng mga hiwaga at kagilas-gilas o di kapani-


paniwalang mga pangyayari. Isa sa halimbawa ng epiko ay ang “Biag ni Lam-ang” na siyang
itinalaga sa aming grupo.
Ang epiko na ito ay naganap sa Nalbuan, sa paligid ng Lambak ng Naguilan River sa La Union
kung saan narooon si Lam-ang at ang kanyang magulang. Mayroon ring ilang pangyayari na
naganap sa ilog ng Amburayan. Ang tauhan sa isang epiko ay karaniwang nagtataglay ng
kakaibang lakas o kapangyarihan.Si Lam-ang, ang pangunahing tauhan sa epiko ay may
kakaibang galing, pisikal na anyo at pag kasilang pa lamang sa kanya, siya ay nakapagsalita na.
Ilan pa sa mga mahahalagang tauhan sa epiko ay ang ina ni Lam-ang na si Namongan ang mag
isang nagpalaki sa kanya. Si Don Juan na ama ni Lam-ang, siya ang pumunta sa kabundukan
upang parusahan ang isang grupo ng mga igorot ngunit nasawi at si Ines Kannoyan na inibig at
pinakasalan ni Lam-ang. Narito rin ang mga alagang hayop ni Lam-ang, ang puting tandang na sa
kanyang tilaok, ang mga bagay ay nasisira at ang aso ni Lam-ang na may kakayahang ayusin at
ibalik ang anyo ng isang bagay.
Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa epiko ay madaling nauwaan, kaya’t masasabi
na payak ang banghay nito. Ang kwento ay nahahati sa dalawang bahagi, ang una ay may
pinataas na aksyon at ang pangalawa ay may pagbaba sa aksyon. Ang unang bahagi ay tungkol
sa paghahanap ng pangunahing tauhan sa kanyang ama, na kanyang nilabanan ang mga igorot.
Ang ikalawang bahagi ay tungkol sa kanyang paglisan kahit alam niya ang pagpapala.
Noong bata pa si Lam-ang, labis siyang nalungkot at nasasabik na makasama ang kanyang ama,
ito ang suliranin sa epiko. Ang tunggalian naman ay noong nakipaglaban si Lam-ang sa mga
Igorot, at nang sinubukan niyang maghanap ng kabayo ngunit napatay ng berkhan. Sa
ikalawang bahagi, maipapakita rito ang tunggaliang tao laban sa lipunan, sapagkatkahit na may
hinala si Lam-ang na ikakapahamak niya ang panghuhuli ni raring, ginawa pa rin niya dahil
obligasyon ito sa kanilang komunidad. Ang nagsasalaysay ay hindi kabilang sa kwento, ito ay
taga-obserba lamang. Dito masasabi na ikinuwento ang biyag ni Lam-ang sa Ikatlong panauhan.

Ang epiko ay tumatalakay sa buhay ni Lam-ang, mula sa paghihiganti para sa kaniyang ama na
si Don Juan, nang makuha niya ang kamay ng nais niyang pakasalan, hanggang sa kainin ng
halimaw sa tubig na Berkakan, hanggang sa muling pagkabuhay at masayang pamumuhay
kasama ang kaniyang pag-ibig na si Innes Kannoyan. Ang kaisipan o ang mensahe na nais
iparating ng kuwento ay maikukumpra sa panahon ngayon, sa mga pamantayan ng lipunan na
gustong masunod ng marami. Ang moral ng epiko ay ang buhay ay puno ng pagsubok at
problema; nararapat maging matatag ang isang tao at dapat tanggapin ang reyalidad na ito.

You might also like