You are on page 1of 3

Amira Althea P.

Bacero
Grade 8-Aguinaldo
Pahina 40.
1. Si Lam-ang ay ipinanganak na may kakaibang lakas at kapangyarihan. Sa akin
pong palagay hinde makatotohanan para sa isang tao ang magkaroon ng
kakaibang kapangyarihan o katangian dahil ang poong maykapal lamang po
ang maaring magkaron nito. Ito po ay isang kwento lamang.

2. Sila Don Juan at Namongan ay mabuti at mapagmahal na magulang. Dahil


ginagawa po nila ang lahat para kay Lam-ang. Si Lam-ang naman bilang anak ay
handang isugal ang kanyang buhay para sa kanyang mga magulang dahil ng
malaman nya na kaya hinde nakabalik ang kanyang ama para makipagdigma
ay agad syang nagtungo dito at hinde inisip ang panganib na kanyang
kinakaharap.

3. Ang pangyayari sa epiko na aking naibigan ay sa bandang huli po ng kwento


dahil nagkaron po ng magandang wakas sa pagkabuhay muli ni Lam-ang. Ang
hinde ko naman po naibigan ay ng magpunta po sa bundok si Don Juan upang
makidigma at naging dahilan po ito para hinde na sya makabalik.

4. Inilalarawan ng may akda ang kabayanihan at pakikidigma ng sinaunang


pamayanan. Katulad po ng ginawa ni Don Juan gayun din po ang pakikidigma
ni Lam-ang ng malaman nya ang nangyari sa kanyang ama. Pinapakita din po
dito ang mainit na pagtanggap sa mga panauhin. Upang saksihan ang kasalan
ni Lam-ang at Donya Ines.

5. Sa akin pong palagay kaya ginawang may kakaibang lakas at kapangyarihan


ang mga pangunahing tauhan sa isang epiko ay upang magkaron ng interes ang
isang mambabasa. Sinasalamin ng epiko ang interpretasyon ng tradisyon,
kultura, gawi at mga paniniwala nating mga Pilipino. Dito po isinasalaysay ang
magiting na pagtatanggol ng isang tao para sa kanyang minamahal o sa isang
pamayanan.
Amira Althea P. Bacero
Grade 8-Aguinaldo

Pahina 41
B. Pag-ibig ni Lam-ang
Paghihinuha- Kung hinde naisama ni Lam-ang ang kaniyang puting tandang at
alagang aso sa kaniyang pagtungo ng ligaw kay Donya Ines maaring hinde sya
nagustuhan nito. Dahil sa ang kanyang dalawang alaga ang isa rin sa naging dahilan
kung bakit nya napahanga ang dalaga.

Pagkamatay at muling pagkabuhay ni Lam-ang


Paghihinuha – Sa akin pong palagay maaring hinde mabuhay ulit si Lam-ang
kung wala si Donya Ines at ang kanyang mga alaga. Dahil si Donya Ines po ang nag
utos upang sisirin ang mga buto ni Lam-ang. At ang mga alaga nya ang naging dahilan
upang mabuhay muli ito.
Amira Althea P. Bacero
Grade 8- Aguinaldo

Pahina 42.

Pagbibigay ng Depinisyon
Para po sa akin ang kahulugan ng kabayanihan ay maaring ipamalas kahit sa
maliit na pamamaraan. Sa kasalukuyan maituturing po natin na bagong bayani ang
mga OFW. Dahil sila po ay mga nagtitiis at nagsasakripisyo sa ibang bansa kahit
mapalayo sa mahal sa buhay upang makapag bigay lamang ng magandang
kinabukasan para sa kanilang mga pamilya. Sila ang mga Pilipinong nakakapag remit
ng bilyun-bilyong dolyar para mapanatili po na maayos ang ekonomiya ng Pilipinas.
Kapalit ang hirap ng paninilbihan sa mga banyaga. Tinitiis ang sakit, puyat at pagod
para sa mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Malaking tulong po ang nagagawa ng
mga OFW sa ating bansa kaya masasabi ko po na sila ang mga bagong bayani ng ating
henerasyon.

You might also like