You are on page 1of 1

Bayanihan sa Panahon ng Paligsahan

Ni : Jhillian Mitch O. Briones.

Ikinatuwa ng Paaralang Elementarya ng Sta. Catalina Matanda ang nag – uumapaw na suporta
ng mga stakeholders nito sa paligsahang nilahukan kung saan ang pagtatanim ng iba’t – ibang gulay at
halaman ay nakatutulong sa mga mag – aaral at stakeholders na kulang sa timbang at nutrisyon.

Kamakailan lamang ay inilunsad ang proyektong GASO ( Greener Agriculture thru Sustainable
Organic Farming ) sa pangunguna ng San Ildefonso Municipal Department of Agriculture kaisa ang
kagawaran ng Edukasyon, Distrito ng Hilagang San Ildefonso. Ang nasabing paligsahan ay nilahukan ng
21 iba’t – ibang paaralan ng Distrito kabilang ang Mababang Paaralang Elementarya ng Sta. Catalina
Mtanda sa pamumuno ng kanilang Punong Guro II, Raulito C. Mallari, PhD at Project GASO school
coordinator, Lealyn L. Guivani, Guro III katulong ang 13 guro, 2 utility at 2 school clerk ng paaralan. Ang
proyekto ay tatagal mula Septyembre 2023 – Pebrero 2024.

Para sa katagumpayan ng Proyekto, hiningi ng paaralan ang kooperasyon, tulong at suporta ng


mga stakeholders nito. Hindi binigo ng mga magulang, pamunuan ng Samahan ng mga Magulang,
opisyal ng Barangay, maging ng iba pang mga stakeholders mula sa mga kalapit Barangay ang hamon ng
pagtutulungan para sa ikatatagumpay ng paaralan. Mula sa oras na nilaan, mga kagamitan at
kasangkapang kakailanganin, butong itatanim hanggang sa pag – aalaga at pagpaayabong ng mga
tanimin ay maasahan ang ating mga kasamahan.

Labing – isang malnourished at wasted na mag – aaral at 6 na buntis ang kasalukuyang


benepisyaryo ng proyekto kung saan regular silang binibigyan ng mga sariwang ani kabilang ang iba pang
masusustansyang pagkain tulad ng tinapay at gatas na binibili mula sa kita ng mga inaning gulay ng
paaralan. Patuloy ang pagtutok sa kalagayang pangkalusugan ng mga nasabing benepisyaryo sa tulong at
gabay ng mga Barangay Health Workers.

You might also like