You are on page 1of 1

SNHS nakiisa sa sabay-sabay na seremonya ng Pagtataas ng Watawat

Aktibong nakilahok ang mga guro, non-teaching staff, SSG Officers, CAT Officers at mga
magulang ng SNHS sa sabay-sabay na seremonya ng pagtataas ng watawat noong ika-31 ng
Hulyo 2023, bilang simbolikong pagbubukas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023. Alinsunod
sa Memorandum Blg. 270, serye 2023 at bilang pagtugon sa Pampanguluhang Proklamasyon
Blg. 1041, s.1997.
Ang nasabing programa ay sinimulan sa pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas na
pinangunahan ni Gng. Joy T. Argarin, guro sa MAPEH 7 at itinaas naman ang Bandila ng Pilipinas
nina G. Job B. Avila, punong guro at Gng. Donna D. Lanuzga, pangulo ng samahan ng mga guro.
Sinundan naman ito ng panalangin na ibinigay ni G. Jesus M. Docot Jr. koordineytor sa ESP.
Ang panunumpa sa Katapatan ng Watawat ng Pilipinas naman ay pinangunahan ni Gng.
Emmalyn S. Villoso, guro sa Filipino 8, Panunumpa ng Lingkod Bayan ni G. Kent Joseph G.
Samar, Deped Misyon ni Gng. Merly D. Llagas, Deped Bisyon ni Gng. Leny R. Acompanado,
Pangunahing Kahalagahan ng DepEd ni Gng. Daisy V. Ibarrientos, Patakaran ng Deped ni Gng.
Maria Angelita T. Ramos, Pag-awit ng martsa ng Bikol o himno ng Dibusyon.
Bago natapos ang programa ay nagbigay ng mensahe si G. Job B. Avila sa mga magulang,
guro at mag-aaral na nakiisa sa seremonya.

You might also like