You are on page 1of 1

Naratibong Pag-uulat

(Narrative Report)
Agosto 4, 2016

Ang programa ay sinimulan sa oras na ikapito ng umaga sa harap ng


Conference Hall na pinamunuan ng punong departamento ng Kagawaran ng
Filipino na si Gng. Luzviminda T. Pasion at mga guro sa Filipino at mga opisyales
ng Banyuhay Club. Ganoon din ang punongguro at mga kapwa guro ng CNHS.
Ang unang bahagi ng programa ay ang pambansang awit at panunumpa
ng watawat na pinamumunuan ni Gng. Jemimah Torino at sinundan ng
panalangin ni CJ Catulin, ang Pangulo ng Banyuhay Club.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Gng. Pasion, pagkatapos binasa
ni CJ Catulin ang isang liham bilang pag-aalay sa punongguro, mga punong
departamento at mga guro na nagsisilbing inspirasyon para sa mga mag-aaral.
Kasunod nito, nagpamalas ng pampasiglang bilang ang mga guro ng
Filipino na sinundan ng Pagtatalaga sa Katungkulan ng lahat ng pamunuan ng
organisasyon sa paaralan na pinamumunuan ni Dr. Estella S. Cabaro.
Ipinakilala ni Gng. Carmelita Acorda ang panauhing pandangal mula sa
Dibisyon ng Tuguegarao City, ang Chief ng Curriculum Implementation Division
na si Dr. Estella Soriano Cabarro.
Sa mensahe ni Chief Cabaro, binigyang-diin niya na ang wikang Filipino ay
daan tungo sa karunungan. Idinagdag niya ang pagpapahalaga sa nakagisnang
wika o unang wika gaya ng Itawes at Ibanag. Ayon sa kanya, batay sa
isinagawang pananaliksik nalungkot siya sa naging resulta sapagkat mas ninais
pang gamitin ang wikang Tagalog sa mga tahanan sa halip na Wikang Itawes o
Ibanag na itinuturing paman ding Dialect of the North.
Tinapos ni Gng. Esmeralda B. Ugaddan ang palatuntunan sa pamamagitan
ng kanyang pampinid na mensahe,
Ang ikalawang bahagi ng programa ay isang banal na misa na
pinangunahan ni Fr. Danny Ulep.

You might also like