You are on page 1of 1

Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino dumalo sa PASATAF CALABARZON 2019

Lumahok si Gng. Arlene D. Nueva, Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino ng SES,sa idinaos


na ika-6 na kongreso sa Filipino ng Pambansang Samahan ng mga Tagapagmasid at
Tagapagtaguyod ng Filipino (PASATAF) sa Bulwagan ng Maranatha Christian Academy, Imus
Cavite, Setyembre 14.

Ang nasabing kongreso ay may paksang: “Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang
Filipino.Dinaluhan ito ng 11,200 guro ng asignaturang Filipino mula sa iba’t-ibang paaralan sa
CALABARZON.

Nagsimula ang kongreso sa isang mensahe ng pagtanggap na ginampanan ni Dr.


Hermogenes Panganiban, Pansangay na Tagapamanihala ng mga paaralan sa Lungsod ng Cavite.
Dumalo din dito ang Pambansang pangulo ng PASATAF,Dr. Elpidia Bergardo na nagbigay ng
pambungad na pananalita. Inilahad ng mga panauhin ang kahalagahan ng pagtuturo ng Filipino.

Nagbigay ng kanyang pananalita si Dr.Volts Villanueva, isang propesor sa Philippine


Normal University tungkol sa iba’t-ibang estratehiya at mga teknik sa pagtuturo ng Filipino.
Kasunod nito ang pananalita ni G. Joseph Dela Cruz,propesor ng Ateneo tungkol sa iba’t-ibang
Gawain ng isang guro ng Filipino. Nagbigay din si G. Jayson Teclas, propesor ng UP ng iba’t-
ibang suhestiyon upang mapagyaman ang kaalaman ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino.
Pinakahuli ang pananalita ni Dr. Erico M. Habijan na nagtalakay ng kahalagahan ng ganitong uri
ng seminar para sa mga guro. Natapos ang Kongreso na kung saan ang mga gurong dumalo dito
ay nagkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa asignarurang Filipino at kahalagahan dulot nito sa
pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

You might also like