You are on page 1of 2

No Homework Policy, Masama o Mabuti?

Sa ilalim ng House Bill No. 388, na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, at ang
House Bill No. 3611 na ipinanukala ni Sorsogon Representative at Deputy House Speaker na si
Evelina Escudero ay isinusulong ang ‘No Homework Policy para sa mga mag-aaral ng
Kindergarten hanggang High School ang inihahain sa Kamara. Layon ng dalawang House bills na
ipagbawal ang pagbibigay ng homeworks upang magkaroon ng sapat na panahon na makapag-
bonding ang buong pamilya tuwing pagkatapos umuwi ng mga estudyante galing sa kanilang
paaralan. Kasama din ng panukalang ito ni Rep. Alfred Vargas ay, papatawan ng multang
P50,000 o kulong ng hanggang dalawang taon sa mga guro na lalabag sa no homework policy.

Ano nga ba ang maaaring maging dulot kung sakaling maipatupad na ang batas na ito?

Makakabuti o makakasama kaya na wala ng takdang-aralin na gagawin sa bahay ang


mga mag-aaral?

Bilang isang mag-aaral, wala akong nakikitang masama sa pagbibigay ng takdang-aralin


ng mga guro dahil naniniwala ako na ito ay isang ang paraan para lubusang matutunan ng mga
mag-aaral ang mga itinuro sa klase.Nakikintal din sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng
disiplina at pagiging responsable sapagkat hindi dapat nagtatapos sa paaralan ang pagkatuto.
Binibigyan ng homework ang mga bata para matuto at gugulin ang oras sa mga bagay na
kapapakinabangan nila. Tinuturuan sila na ang buhay ay kinapapalooban ng pagpaplano sa ano
mang dapat nating gawin. Ang paggawa ng takdang- aralin ay hindi hadlang sa pagkakaroon ng
family bonding tulad ng layunin ng pagpapatupad ng panukalang ito sa katunayan, ang
pinakamagandang bonding ng magulang sa anak ay gabayan siya sa pag-aaral gayundin ang
pagtulong sa kanya sa paggawa ng homework. Nasisiyahan pa nga ako sa tuwing sinasamahan
ako ng aking nanay o tatay sa paggawa ng aking assignment. Nakakapagtanong ako sa kanila
tungkol dito. Ito ang masasabi kong sulit na paggugol sa quality time na tinatawag. Sa panahong
ito na lubhang nahuhumaling ang mga bata sa computer games sa cellphone o tablets, lalo lang
mabibigyan ng dagdag na oras ang kabataan sa ganitong libangan.Maaari ding mawala ang
study habit ng mga mag-aaral kung tuluyang maipapatupad ang ganitong panukala. Tila ba
tinuturuan lamang ng polisiyang ito na maging tamad at magbalewala sa pag-aaral ang mga
kabataan.

You might also like