You are on page 1of 7

ABSTRAK

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ng mananaliksik kung

epektibo ang pagkakaroon ng learning space sa loob ng tahanan ng

mga mag-aaral sa primarya sa Distrito ng Silangang Gumaca sa

taong pampanuruan 2021-2022. Gayundin, ang pag-aaral na ito ay

naglalayong masagot kung gaano kaepektibo ang pagkakaroon ng

learning space sa tahanan sa mga tuntuning pang-edukasyon,

pangkapaligiran, socio-emosyunal, at pagkatuto ng mag-aaral; ang

makabuluhang ugnayan ang ang pagkakaroon ng learning space sa

tahanan sa mga tuntuning pang-edukasyon, pangkapaligiran, socio-

emosyunal, at pagkatuto ng mag-aaral. Sasagutin ng pag-aaral na

ito ang mga salik pangmotibasyon ang maaaring mabuo sa mga mag-

aaral sa mga tuntuning intrinsic at extrinsic; ang makabuluhang

ugnayan mga salik pangmotibasyon sa pagkakaroon ng lugar-aralan

sa tahanan ng mga mag-aaral sa tuntuning intrinsic at extrinsic.

At ang polisiya ang maaaring mairekomenda ng mananaliksik upang

mas maging epektibo ang pagkakaroon ng learning space sa mga

tahanan ng mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay kwantitatibo na may disenyong

deskriptibo-korelasyunal. Ang mga tagasagot ng pag-aaral na ito

ay piling mga guro sa Distrto ng Silangang Gumaca. Gumamit ang

mananaliksik ng rank, weighted mean at Kendall’s Coefficient of

Concordance.
Batay sa resulta, ang mga sumusunod na kongklusyon ay

nakuha:

1. Ipinakita ng pag-aaral na ang pagkakaroon ng lugar aralan

sa tahanan ay nakatutulong upang mapataas ang antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ito ay nakapagbibigay

ng pagkakakataon sa mga mag-aaral na makapag-isip ng

maayos upang mas maunawaan ang bawat aralin. Gayundin,

ipinakita na ang pagkakaroon ng lugar aralan sa tahanan

ay nakakapagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral na gawin

ang mga takdang-aralin sa tamang panahon. Gayundin, ang

maliwanag na lugar aralan ay nakapagbibigay naman ng

ginhawa sa mga mag-aaral. Sa salik na sosyo-emosyunal,

mas nagiging aktibo ang mga mag-aaral sa pagsasagot ng

mga learning activities kung mayroon lugar aralan sa

tahanan. Ibigsahin nito na ang lugar aralan sa tahanan ay

pinapaging-aktibo ang mga mag-aaral na gawin ang takdang

gawaing pampaaralan kahit sila ay nasa tahanan lamang. Sa

salik ng pagkatuto ng mga mag-aaral, makikita na mahalaga

ang pagkakaroon ng lugar aralan sa tahanan sapagkat mas

naisasabuhay ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa

mga aralin. Ibigsabihin, nakikita ng mga tagasagot na isa

rin sa inspirasyon ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng

lugar aralan sa tahanan at makikita ito sa pagsasabuhay

ng mga natutunan sa bawat aralin.


2. Ipinapakita sa isinagawang komputasyon ng significant

agreement sa kabisaan ng pagkakaroon ng lugar-aralan sa

tahanan gamit ang Kendall’s Coefficient of Correlation

(W). Ang summation of the squares of the difference ng

kabisaan ng pagkakaroon ng lugar-aralan sa tahanan ayon

sa pang-edukasyon ay 49, pangkapaligiran ay 30, sosyo-

emosyunal ay 30.5, at pagkatuto ng mag-aaral ay 38.5.

Batay sa resulta, ng coefficient of concordance W at ng

computed X^2 values ng kabisaan ng pagkakaroon ng lugar-

aralan sa tahanan, lumalabas na ang pang-edukasyon ay

nakakuha ng 0.54 at 6.53 (p>0.05); pangkapaligiran, 0.33

at 4.00 (p>0.050); sosyo-emosyunal, 0.34 at 4.07

(p>0.05); at pagkatuto ng mag-aaral, 0.43 at 5.13

(p>0.05), kaya, ang null hypothesis ay tinatanggap. Ito

ay nagpapahiwatig na walang makabuluhang ugnayan ang

umiral sa iba't ibang aspeto ng pagkakaroon ng lugar-

aralan sa tahanan.

3. Ipinakita sa pag-aaral na nakatutulong sa pagtaas ng

antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ang pagiging mabuting

halimbawa ng mga magulang sa loob ng tahanan. Ibigsabihin

nito na dapat ipakita ng mga magulang ang mabuting

pagsasamahan sa tahanan upang magkaroon ng mataas na

motibasyon ang mga bata na gawin ang mga takdang-aralin.

Gayundin ang pagpuri at pagkilala sa mga ginagawa ng mga


bata at nakakatulong upang mas mapataas ng mga bata ang

antas ng pagkatuto. Lubusan itong sinang-ayunan ng mga

tagasagot, ibigsabihin bilang magulang marapat na ipakita

ang suporta sa mga bata sa kahit anomang paraan.

Ipinakita din na nakatutulong sa pagtaas ng antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral pagbibigay ng mga

pangangailangan ng anak upang maunawaan ang mga aralin.

Ibigsabhin, ang pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga

magulang sa kanilang anak gaya ng aklat, kompyuter,

internet at iba pa na makakatulong upang mas mapaunlad

ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay malaking

motibasyong ekstrinsik sa mga mag-aaral.

4. Ipinapakita sa isinagawang komputasyon ng significant

agreement sa kabisaan ng pagkakaroon ng lugar-aralan sa

tahanan gamit ang Kendall’s Coefficient of Correlation

(W). Ang summation of the squares of the difference ng

kabisaan ng pagkakaroon ng lugar-aralan sa tahanan ayon

sa motibasyong intrinsik at motibasyong ekstrinsik ay

parehong 45. Batay sa resulta, ng coefficient of

concordance W at ng computed X^2 values ng kabisaan ng

pagkakaroon ng lugar-aralan sa tahanan sa tuntuning

motibasyon, lumalabas na ang intrinsik ay nakakuha ng

0.10 at 1.20 (p>0.05); at ekstrinsik, 0.74 at 8.93

(p>0.05), kaya, ang null hypothesis ay tinatanggap. Ito


ay nagpapahiwatig na walang makabuluhang ugnayan ang

umiral sa iba't ibang motibasyon ng pagkakaroon ng lugar-

aralan sa tahanan.

5. Batay sa mga nakalap na datos sa pag-aaral na ito,

minabuti ng gurong mananaliksik na magbigay ng polisiya

na tutugon upang mas mapataas ang antas ng pagkatuto ng

mga mag-aaral sa panahon ng pandemya. Laman ng polisiya

ang pagkakaroon ng lugar aralan sa bawat tahanan na kung

saan maaaring magamit ng mga mag-aaral upang mas mapataas

ang kanilang kaalaman sa bawat asignatura.

Batay sa resulta ng pag-aaral, ang mga sumusunod na

kongklusyon ay inilalahad:

1. Sa pag-aaral na ito ang pagkakaroon ng lugar aralan sa

tahanan ay nakatutulong upang mapataas ang antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ito ay nakapagbibigay ng

pagkakakataon sa mga mag-aaral na makapag-isip ng maayos

upang mas maunawaan ang bawat aralin. Ang pagkakaroon ng

lugar aralan sa tahanan ay nakakapagbigay inspirasyon sa mga

mag-aaral na gawin ang mga takdang-aralin sa tamang panahon.

Sa salik na sosyo-emosyunal, mas nagiging aktibo ang mga

mag-aaral sa pagsasagot ng mga learning activities kung

mayroon lugar aralan sa tahanan. At sa salik ng pagkatuto ng

mga mag-aaral, makikita na mahalaga ang pagkakaroon ng lugar


aralan sa tahanan sapagkat mas naisasabuhay ng mga mag-aaral

ang kanilang natutunan sa mga aralin.

2. Ang null hypothesis na walang makabuluhang ugnayan sa

pagkakaroon ng lugar-aralan sa tahanan ayun sat untuning

pang-edukasyon, pangkapaligiran, sosyo-emosyunal, at

pagkatuto ng mag-aaral ay tinatanggap.

3. Nakatutulong sa pagtaas ng antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral ang pagiging mabuting halimbaawa ng mga magulang sa

loob ng tahanan. Gayundin, nakatutulong sa pagtaas ng antas

ng pagkatuto ng mga mag-aaral pagbibigay ng mga

pangangailangan ng anak upang maunawaan ang mga aralin.

4. Ang null hypothesis na walang makabuluhang ugnayan ang mga

salik pangmotibasyon sa pagkakaroon ng lugar-aralan sa

tahanan ng mga mag-aaral ay tinatanggap.

5. Batay sa mga nakalap na datos sa pag-aaral na ito, minabuti

ng gurong mananaliksik na magbigay ng polisiya na tutugon

upang mas mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral

sa panahon ng pandemya. Laman ng polisiya ang pagkakaroon ng

lugar aralan sa bawat tahanan na kung saan maaaring magamit

ng mga mag-aaral upang mas mapataas ang kanilang kaalaman sa

bawat asignatura.

Batay sa kongklusyon, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay

iniaalok sa mga sumusunod:


1. Hinihikayat ang mga guro na gumawa ng interbensyon upang mas

mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa panahon

ng pandemya.

2. Hinihikayat din ang mga magulang na turuan at ipakita ang

mabuting pagsasamahan sa loob ng tahanan sapagkat ito ay

nakakapagmotiba sa mga mag-aaral na gawin ang obligasyon

nila bilang mag-aaral.

3. Hinihikayat ang mga mag-aaral na sikaping mapataas ang antas

ng pagkatuto kahit may kakapusang nararanasan sa loob ng

tahanan sapagkat ang pag-aaral ang maaaring maging daan

upang maabot nito ang mga panapangarap.

4. Hinihikayat ang mga namiminuno ng mga paaralan na ilunsan

ang pagkakaroon ng lugar aralan sa tahanan at mga komunidad.

Sa pamamagitan nito magkakaroon ng sosyo-ekonomik na

interaksyon ang mga mag-aaral at ang komunidad.

5. Para sa mga mananaliksik sa hinaharap, maaaring gamitin ang

resulta ng pag-aaral na ito bilang sanggunian sa pagsasagawa

ng kaugnay na pag-aaral.

You might also like