You are on page 1of 5

ALPABETO NG DROGA

A, ba, ka, droga


A, ako ay saksi sa mga pangyayari
Ako ay saksi, ngunit hindi ko mawari na may B
Barkada, sinasabing unang sanhi nang pagkalulong,
Sa mga bisyo na hindi naman nakakatulong
Kaya’t aming isinusulong, ang mga programa,
Hindi lamang ng pamahalaan, kasama ang aking barkada
Barkada Kontra Droga, barkadang para sa ikabubuti ng lahat,
Barkadang hindi lang basta sapat, kundi nararapat
Nararapat na tumulong at bukas para sa lahat.

C para sa cocaine, D para sa droga, E para sa ecstasy


Kung mapapansin mo, ito ang mga gamot na kadalasang naaabuso,
Nagbibigay piligro sa kalusugan nating mga tao.
Hindi ba pwedeng gamitin nalang ng wasto?
Pagkat kitang-kita naman ang epekto nito
Maraming nalulong, nasirang mga pangarap, pamilya at edukasyon
Mga taong naghahanap ng hustisya, sinasabing sila ay biktima
Naghahanap ng H, hustisya, I, I, I know, alam ko,
Marami ang tumututol sa programa ng nakaraang administrasyon
Alam ko, na kesyo ang kaso ng EJK ay tumataas raw sa panahon
Alam ko, na lahat tayong mga tao ay may karapatan
Alam ko, na may mga salitang masarap pakinggan kahit malayo sa katotohanan
Halimbawa L, love ka niya, halimbawa l, lubog na administrasyon, M, may katotohanan ba iyon
N, no comment muna sa ngayon
O, oplan tokhang inumpisahan ni PRRD,
Ipinagpatuloy ng kasalukuyang administrasyon
Ngunit bakit, bakit patuloy na binabatikos at kinokontra sa paglipas ng panahon?
Hindi ba dapat natin itong suportahan? Ipapaliwanag ko sa’yo.
Q, quick trivia, may isang milyon at dalawamput tatlong libong tao,
Na konektado sa droga ang sumuko sa mga pulisya noong huling taon ni Pangulong Digong.
Question lang, bakit kailangan nating mga mamamayan,
Ang bumatikos, kumontra at makipagtalo
Bakit hindi tayo sumang-ayon sa kanilang mga plano.
Pagkat ang mga plano naming ito, ay para rin sa ating mga kababayan ko
Isipin mo, ang mga taong nasa matataas na pwesto
Ay palaging nadedehado, inirereklamo, bawat kilos nila ay limitado, kalmado,
Pagkat ang mga tao ay palaging may komento
R for Rodrigo, at R for rape cases, at R for rugby using
Alam naman natin na karamihan ng mga rape cases dito sa bansa ay konektado sa,
S, shabu, cocaine, ecstasy, marijuana at kung ano-ano pa,
Na konektado patungkol dito sa tinatawag na droga.
S, para sa mga salot sa lipunan, na walang ginawa,
Kundi ipaglaban ang sariling kapakanan

T, tamang edukasyon
U, umiiral ba sa ngayon?
V, puro viral at sensasyon
W, who, what, when, where, how,
Maraming tanong na walang sagot, hindi lang
Meron ka ba diyan, pabili naman
Ecstasy, kadalasang binibili, ginagamit ng marami, hindi ko mawari,
Na kahit anong hirap sa buhay ay nagagawa pa ring bumili,
Sinasabi na ang mga ito ay pantanggal ng kati, ng istress,
At ng sakit na nadarama dulot ng labis na pagkabigo,
Hindi mo mabiro, dahil baka mamaya ay hindi ka na makakibo o makatayo
Y not, imulat ang mga matang nabulag sa masakit na katotohanan,
Imulat ang mata sa reyalidad ng buhay
Alam ko, na tayo ay mga kabataan, ngunit hindi tayo kabataan lang
Iwasan, aking mga kababayan, huwag nang subukan kung ninanais pa lamang
Tigilan, tigilan habang maaga pa,upang hindi na malulong o makulong kapag isinuplong
Mga kababayan, makiisa sa mga programa ng pamahalaan
Mga kamag-aral, makiisa sa samahan at mga programa,
Ng Barkada Kontra Droga sa ating mga paaralan
Umpisahan natin sa ating mga sarili,
Kung nagawa ni Rizal na ipagkatiwala ang bayan sa’tin
Kung nakuha ni RiZal na ipagkatiwala ang bayan sa’yo,
Bakit hindi ka, maniwala sa sarili mo
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, naniniwala ka pa ba?
Dapat, sapagkat alam ko na ang isang kabataang kagaya ko,
Kahit pa lahat tayo, ay may potensiyal na makaapekto sa magiting na pagbabago

You might also like