You are on page 1of 2

'No Homework Policy': Isang Hakbang Tungo sa Balanseng Edukasyon at

Personal na Buhay"

Ang pagbawas ng dami ng mga takdang-aralin o assignments sa mga mag-aaral ay


isang isyu na patuloy na tinatalakay at isinusulong sa larangan ng edukasyon. Sa kabila ng
mga benepisyo ng takdang-aralin sa pagbuo ng kasanayan at pag-unlad ng kaalaman, may
mga nagmumungkahi na ang labis na dami nito ay maaaring magdulot ng labis na stress at
pagod sa mga mag-aaral. Bilang isang mag-aaral ng Senior High School (SHS), ako ay
sumasang-ayon na bawasan ang mga workload at takdang-aralin upang makapagpahinga at
makapag-aral nang mas maayos ang mga estudyante kaysa magugol ang oras sa paggawa
nito.

Matatandaang isinampa ni Quezon City Representative Alfred Vargas ang "No


Homework Policy" sa ilalim ng House Bill No. 388. Sa polisiyang ito ay ipinagbabawal ang
pagbibigay ng takdang-aralin dahil aniya ay sa paaralan pa lang ay marami nang mga
ginagawa ang mga mag-aaral. Labis na makatutulong ito sa mga mag-aaral lalo na sa SHS
dahil mas magagampanan nila ang kanilang mga reponsibilidad sa labas sa paaralan tulad ng
pag-aalaga sa sarili, pagpapahinga, pagrerebyu para sa mga scholarship at entrance exam, at
paglibang kasama ng pamilya. Ang mga pag-aaral ukol dito ay nagpapakita ng mataas na
antas ng stress na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa pangkalahatang kalusugan ng
mga mag-aaral. Ang pagkakaroon ng sapat na oras para sa iba't ibang aspeto ng buhay tulad
ng pahinga, pamilya, at personal na interes ay mahalaga upang mapanatili ang kanilang
kagalingan.

Sa kabilang banda, hindi maikakailang maganda at positibo ang dulot ng pagbibigay


ng takdang-aralin sa pagsukat ng kaalaman ng mga estudyante. Magagamit nila ang kanilang
pag-iisip, nang walang guro na nagtuturo, upang masagot ang mga tanong. Nahuhubog ang
kritikal na pag-iisip, pagiging independente sa pag-aaral, at pag-asesa sa kung ano ang
natutunan sa paaralan. Ngunit sa katunayan, halos kalahating araw na ang iginugugol ng mga
mag-aaral sa paaralan kaya makapagdudulot lamang ito ng kapaguran. Maari namang
maasesa ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng quizzes o periodical tests. Hindi rin
makakasiguro ang guro na mayroong nalaman ba talaga ang mag-aaral sa pagbibigay ng
takdang-aralin dahil sa panahon ngayon marami na ang gumagamit sa mga artificial
intelligence o AI at search engine tulad ng Google.
Gayunpaman, nasa mga estudyante pa rin kung paano nila pamamahalaan ang
kanilang oras. Nangangailangan ng balanse sa pag-aaral at personal na buhay. Ang wastong
balanse sa pagitan ng pag-unlad ng kasanayan at pangangalaga sa kalusugan ng mga mag-
aaral ay maaaring maging pangunahing layunin ng pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ito
ay upang masigurong ang bawat oras na inilalaan ng mga mag-aaral ay nagdudulot ng
makabuluhang karanasan at hindi lamang ng kapaguran.

You might also like