You are on page 1of 2

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG AARAL

PANIMULA

Ang kaliwa’t kanang mga Gawain sa paaralan tulad ng mga proyekto mga takdang-aralin

Mga performance task na kailangan pag handaan ay malaki ang epekto ng mga studyante hindi
lamang sa kanilang pag iisip kundi pati narin sa kanilang kalusugan.

Ang kaliwa’t kanang mga Gawain sa paaralan ay positibong epekto sa mga mag-aaral.
Natututo silang mag balanse ng kanilang oras sa mga bagay na gusto nilang gawin at sa mga
bagay na kailangan nilang gawin. Natututo silang mas piliin ang mga bagay na dapat talaga
nilang pag tuunan ng pansin dahil sa responsibilidad nilang gawin ito. Mas ginugugol nila ang
kanilang oras sa pag gawa ng proyekto at takdang aralin kaysa naman sa ibuhos nila ang
kanilang panahon sa facebook, social media at mga walang kabuluhang bagay.

Sa kabilang banda, ang napakaraming gawain sa paaralan ay may negatibong epekto rin
sa mga mag-aaral lalong-lalo na sa kanilang kalusugan. Laging kulang sa tulog ang mga
studyante dahil sa gabi kailangan nilang tapusin ang kanilang mga gawain at gigising sila ng
maaga upang pumasok sa paaralan kaya naman puyat at matamlay sila sa klase. Naaapektohan
din nito ang utak ng mga studyante dahil sa pagod at puyat dahil sa maraming mga gawain sa
paaralan na dapat nilang tapusin, ito ay humahantong sa depression at kapag hindi na nila
makayanan humahantong ito sa pag wawakas ng kanilang buhay.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita at maipahiwatig ng mga mag-aaral ang
kanilang saluubin tungkol sa pag bibigay ng mga guro ng napakaraming gawain sa paaralan. At
sila ay tinanong sa mga sumusunod na katanungon:

1.Sa iyong palagay mabuti ba sa mga studyante ang kaliwa’t kanang mga proyekto, gawain, at
mga takdang aralin?

2.Ano ang maaaring maging epekto sa kalusugan ng mga studyante ang gabi-gabing pagpupuyat
upang matapos ang kanilang gawain sa paaralan?

3.Ano ang mga positibong naidudulot ng maraming gawain sa paaralan sa mga studyante?

4.Ano ang negatibong naidudulot ng maraming gawain sa paaralan sa mga studyante?

5.Sang ayon ka ba na maganda ang naidudulot ng maraming gawain sa paaralan sa mga


studyante dahil ito ang paraan upang matutu silang mag balanse ng kanilang oras?

6.Sang ayon ka ba na maganda na may maraming gawain, proyekto at mga takdang aralin sa
mga studyante upang imbis na igugol nila sa walang kabuluhang bagay ang kanilang panahon ay
I gugol nlang nila sa pag-gawa ng mga ito?

7.Nakaranas ka na ba ng depression dahil sakaliwa’t kanang mga gawain sa paaralan?

8.May naitutulong ba sayo ang pag bibigay ng mga guro ng kaliwa’t kanang mga gawain sa
paaralan?

9.Bilang isang studyante paano mo na babalanse ang iyong oras sa pag gawa ng mga gawain sa
paaralan at sa mga gawaing gusto mong gawin tulad ng pag fafacebook?

10.Sa paanong paraan mo nagagawa o natatapos ang mga gawain sa paaralan ng mabilis upang
sa gabi ay may sapat kang tulog?

You might also like