You are on page 1of 1

RASYONAL

Sa kasalukuyan, ang mga studyante ng nursing ay kadalasang napapasabak


pagdating sa paaralan at pag-OOJT bilang parte ng kanilang kurso. Kalakip ng
pagsubok na ito ay ang pagbalanse ng kanilang personal na oras at pag-aaral na isang
hindi madaling hakbang lalo na’t tadtad kayo ng mga pagsusulit, aaralin, at skedyul sa
pagtatrabaho sa hospital. Ang pagpasok sa kursong ito ay may kaakibat na maraming
pagsubok na maaaring pinansyal o di naman kaya’y emosyonal o personal na bagay na
kailangan mong tiisin at malampasan para magampanan mo ang iyong tungkulin bilang
isang studyante at nars.

Sa mga pag-aaral, kadalasang problema ng mga studyante ay ang oras


sapagkat maraming gawain na may mga pangkarapatang “due date” na dapat isumite
sa nakalaang panahon kasabay nito ang pag-aaral, pagtatrabaho, nakakapagod na
skedyul at mga pagsusulit na halos araw-araw ginagawa. Malaking presyon ang
pagpasok sa kursong nursing lalo na’t may mga taong malaki ang ekspektasyon nila sa
propesyon na pinili mo at kaakibat nito ay ang malaking responsibilidad sa pamayanan
at paaralan. Ayon sa statistiko, kadalasan sa mga studyante na nag-aaral sa kursong
ito ay nakakaranas ng “stress” at kadalasan “anxiety” nang dahil sa tingin nila na ang
pagpasok sa propesyong ito ay may kaakibat na malaking responsibilidad gaya nalang
ng pagiging tanungan kapag may nagkasakit sa komunidad o di naman kaya’y pamilya.

Sa pangkalahatan, ang pagpasok sa propesyon na ito ay hindi madali dahil


marami kang pagsubok na haharapin at may mga bagay na hindi mo inaasahang
mangyari na kailangan mong maging matatag at mapag-usisa para sa kapakanan ng
lahat at para maiwasan ang mga anomaly. Ang pagiging studyante ay hindi madali
nang dahil sa presyon, pinansyal o iba’t ibang sector ng problema kinakaharap mo. Ang
pagiging parte ng nursing ay may kaakibat na malaking resposibilidad, katapangan at
karanasan para mabawasan ang pagkakamali na maaaring ikapahamak ng pasyente at
maaaring magdulot ng “stress” sa isang studyante.

You might also like