Professional Documents
Culture Documents
Talumpati
Talumpati
Isa sa pangunahing dahilan kung bakit napapagod ang estudyante ay ang pagbibigay
ng marami at mabigating workload, lalo na pag pinagsabay ang mga ito. Sa pagsunod-
sunod ng pagbibigay ng mga gawain, imbis na matuto ang mag-aaral, ito ay ginagawa
lamang upang masabing may naipasa pero wala palang natuto sa nasabing gawain.
May mga napakaraming beses na humingi ang mga estudyante ng academic break
mula sa lahat ng gawain upang magkaroon sila ng oras sa kanilang sarili at
magpahinga. Ilang mga akda ang nagpapakita na ang sobrang dami na workload ay
maaari lamang magbigay ng negatibong epekto sa pisikal, mental, at emosyonal na
kalusugan ng mag-aaral.