You are on page 1of 5

https://www.academia.

edu/12406398/LOKAL_NG_PAG-AARAL

LOKAL NG PAG-AARAL

Ayon sa akda ni Christa Orcollo, isang miyembro ng NDT, malaki ang epekto ng

mahabang pagklase sa pag-aaral lalo na at nakakapagod sa pisikal ang pagkaklase ng

wala man lang pahinga o break. Ayon sa kanya, hirap daw ang mga estudyante na

makapagpokus sa kanilang pag-aaral sapagkat iba't iba ang kanilang pinag-aabalahan at

nakakaragdag ito sa stress o kaya namam ay tensiyon na kanilang nararamdaman.

Ang stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay nararanasan ng bawat

indibidwal, lalo na ng mga tao na nagtatrabaho at mga mag-aaral, sa magkakaibang antas

at kadahilanan. Ngunit ang stress ay lubhang nakakaapekto sa isang tao sa kaniyang

pampisikal at sa pag-iisip. Ito ay maaaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o

pagkalungkot, atake sa puso atbp. Dito mahihinuha na kinakailangan ng mga mag-aaral

na magkaroon ng 'break time' upang sila ay makapaghanda at makapagpahinga ng kahit

sandal lamang.

Nakasaad sa akdang “Ang Buhay Estudyante ng Kolehiyo” ni Jane Bedes, na

hindi talaga madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, dahil sa maraming mga

pinapagawa ng kaniyang mga propesor at sa sobrang paggigipit niya sa oras. Ang

kanyang dagdag panayam ‘Lalo na kapag sabay-sabay ang mga gagawing proyekto,

takdang-aralin, mga report, at meron pang pag pa-practice ng sayaw sa P.E., dagdag pa

natin ang pag re-review para sa exam. Ang hirap tuloy mag isip kung ano ang uunahin. Sa

paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang

antok. Kaya minsan late nang makapasok sa umaga (Bedes)’.


https://www.academia.edu/12406398/LOKAL_NG_PAG-AARAL

Kung ang mga mag-aaral ay nahihirapan sa kanilang iskedyul, mas lalong

mahihirapan ang mga working students o mga estudyanteng kailangang maghanap-buhay

para lang matustusan ang kanilang pag-aaral. Ayon sa akdang “ISANG WORKING

STUDENT” na ibinahagi ni Rey Lister Juarez, ‘hindi lahat ng estudyante ay nabiyayaan

na magkaroon ng sapat na panggatong sa kanilang pamumuhay. Ang mga estudyanteng

ito ay kinakailangang pang magtrabaho para makatulong sa pamilya at matustusan ang

pag-aaral nila para makatulong sa kanilang magulang (Juarez).’ Mahirap gawin ang pag-

aaral sa umaga at trabaho sa gabi, dahil mawawalan na sila ng oras para sa kanilang

pagpahinga. Dagdagan mo pa ng pagkakaroon ng kumplikadong iskedyul ay tila wala na

silang ibang magagawa kundi ang umiyak sa sulok hanggang sa magpatong-patong na

ang kanilang mga problema.

Marami ang naaapektuhan sa pagkakaroon ng kumplikadong iskedyul. Hindi

lamang ang mga estudyante, pati na rin ang mga guro na halos parehas lang rin ang

kanilang hirap at pagod na nararanasan. Ayon sa ginawang sarbey ni Ignacio Suarez, ang

nabuo niyang konklusyon sa natamong datos ay ang mga guro ay lalong nahihirapan

sapagkat pa-minsan ay ang kanilang mga estudyante ay nahuhuli sa kanilang mga klase at

hindi nakakapagpasa ng kanilang mga schoolwork o nakakapag-exam sa tinakdang oras.

Hindi nila naitatala ang kanilang mga marka datapwa’t wala naman talagang marka ang

kanilang mag-aaral.

Ayon sa ginawang akda “Panahon ng Pagseseryoso” ni John Michael P. Morelos, isinabi

niya na siya ay hindi makapag-aral ng mabuti dahil nakakatamad daw ang pagpasok,

dahil sa sunud-sunod na mga inaasikaso sa kanyang mga subject. Ang mga terror

teachers pa daw ang mas lalong nagpapa-init ng kanyang ulo sapagkat lalo lang sila
https://www.academia.edu/12406398/LOKAL_NG_PAG-AARAL

nagbibigay ng tension sa kanila. Hindi niya magawang mag-seryoso dahil alam niyang

hindi niya rin naman matatapos agad ang mga pinapapasang mga requirements dahil

kulang siya sa oras. Ngunit dinagdag niya ‘Masaya din ang maging kolehiyo dahil dito

mo makikilala ang mga kaibigan na handang sumuporta sa iyo. Sa tuwing nahihirapan ka

sa mga Project na ipapasa, sa tuwing me problema ka sa isang subject mo, o kahit pa sa

kahit anung problema, andyan lang sila handang tumulong(Morelos).’ Sa bawat hirap na

haharapin, may maganda rin namang pangyayari na kanilang aabutin.


https://www.academia.edu/12406398/LOKAL_NG_PAG-AARAL

KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMAMARAANG GINAMIT

Sa kabanatang ito makikita at mapag-aaralang ang pamamaraang ginamit ng mga

mananaliksik, mga nagging respondent ng pag-aaral, instrumenting ginamit, mga

ginawang hakbang sa pagkokolekta ng mga datos at ang kompyutasyong istadistikal.

PAMAMARAANG GINAMIT

Ang pag- aaral na ito ay gumamit ng pamamaraang deskriptibo na sumasaklaw sa

mga pangkasalukuyang Gawain, kalagayan at mga pamantayan. Sa ilalim naman ng

pamamaraang deskriptibo ay ang impact study na naglalayong alamin ang epekto ng

independent variable sa dependent variable.

RESPONDENTE NG PAG-AARAL

Ang napiling mga respondente ng mga mananaliksik ay ang mga mag-aaral ng

ika-unang taon ng Polytechnic University of the Philippines — College of Accountancy

sa taon ng 2014 – 2015. Sila ang mga napiling respondente sapagkat nabibilang sila sa
https://www.academia.edu/12406398/LOKAL_NG_PAG-AARAL

mga estudyanteng mayroong kumplikadong iskedyul (humigit-kumulang mga 6 na oras

ang ginugugol araw-araw sa pagklase na walang hinto). Mga unang taong o freshmen ang

napili sapagkat sila ang mga baguahan lamang at hindi pa gaanong sanay sa buhay-

kolehiyo, kaya sila ang mas mainam o madaling maapektuhan o maimpluwensiyahan ng

nasabinh iskedyul.

Mayroong ______ na mag-aaral na first years ang kanilang iskedyul ay humigit-

kumulang na anim na oras. Mula sa naturang bilang, 75% o _______ mag-aaral ang

kinuha ng mga mananaliksik, at ang bawat seksyon ay may _______ na respondent.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling Technique. Ayon sa

internet (Wadsworth Cengage Learning), ang Purposive Sampling Technique ay paraang

ng pangungulekta ng datos mula sa mga grupo ng taong may katangiang maaaring

tumugon o tumutugon sa mga istandards na hinihingi ng pag-aaral.

Pinili ng mga mananaliksik ang purposive sample upang maging mas accurate o

ganap ang mga mangangalap na datos.

You might also like