You are on page 1of 2

KABANATA I

Panimula

Ang kaalaman tungkol sa ibat-ibang bagay,


personalidad, at kaganapan sa ating kapaligiran ay
mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa
isang simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang pansin.
Kadalasan ang mga nakakalap nating impormasyon ay nag-
mumula sa mga libro, dyaryo, telebisyon, radyo, at mga
sulating pampananaliksik tulad na lamang nito. Ang
sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang
patunay at palawakin ang isang napiling paksa. Sa
ganitong paraan ay mas naliliwanangan ang kaisipan ng
isang mambabasa at natututo sa nasabing paksa.
Makatutulong din ito upang bigyan linaw at itama ang
ilang paksa kung saan ang nalalaman lamang ng mga tao
tungkol dito ay mga maling impormasyon lamang. Ang
sulating pananaliksik na ginawa ay may layuning bigyan ng
kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga suliranin ng
isang mag-aaral sa kanyang pag-aaral. Nakasaad sa loob ng
pananaliksik na ito ang mga kaalaman tungkol sa isang
suliranin ng mga mag-aaral. Ang pokus ng sulating
pananaliksik na ito ay ang pinamagatang “Mga Sanhi ng
Pagbabago ng Grado at ang Epekto nito sa Aspektong Pang-
kalusugan ng mga Mag-aaral sa Ika-labing Isang Baitang sa
Akademya ni San Esteban Hari”. Ito ay may mga dahilang
kadalasang nagagawa ng mga mag-aaral kapag sila’y nasa
loob at labas ng eskwelahan. Alam din ng mga mag-aaral
ang kanilang mga responsibilidad gaya ng pag-aaral nang
mabuti, hindi lamang para sa mataas na grado kung hindi
ang pag-iwas na magkaroon ng bagsak na marka. Ang pagbaba
ng grado sa paaralan ay maaaring magkaroon ng iba't ibang
mga sanhi. Maaaring ito ay dahil sa kakulangan sa
kagamitan sa paaralan, kakulangan sa suporta mula sa mga
magulang at guro, hindi pagkakaintindi sa mga konsepto,
kakulangan sa motibasyon, o mga personal na suliranin
tulad ng problema sa kalusugan.
Saligan ng Pag-aaral

Mahalagang tukuyin ang mga pagbagsak o pagkababa ng


marka ng mga mag-aaral upang masolusyonan at mapabuting
muli ang pag-aaral dahil ayon nga kay Dr. Jose Rizaln na
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” Nangangahulugang
dapat ay7 tutukan ang pag-aaral at maiwaksi ang mga
maaaring makasira nito.

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kung ano ang mga


Sanhi ng Pagbaba ng Grado at Epekto nito sa Aspektong
Pangkalusugan ng mga Mag-aaral sa Ika-labing Isang
Baitang sa Akademya ni San Esteban Hari. Ang mga mag
susuri nito ay nag mula sa ika-labing isang baitang. Ang
mga sinuri ay ang mga mag-aaral sa ika-labing isang
baitang sa Akademya ni San Esteban Hari.

You might also like