You are on page 1of 3

Jasper M.

Villanueva Pananaliksik
BSED3|Blk 2- Filipino Major Activity 1

Title/ Paksa: Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang


Filipino Kaugnay Ng Kanilang Akademik Performans

Background of the Study/Rasyonale

Panimula

Malinaw na nakasaad at itinadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas taong 1987, sa


Artikulo XIV, Sek. 6-9 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Alinsunod sa 1987 ng Saligang Batas, ipinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing
ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang

Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang

panturo sa alinmang antas ng pagtuturo mapapribado man o pampublikong

paaralan kaalinsabay ng wikang Ingles. Ang tanging layunin ng batas na ito ay

mapalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi; paglinang at

pagpapayabong ng wikang Filipino bilang linggwistikong sagisag ng

pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan at patuloy na intelektwalisasyon ng

wikang Filipino (Badayos, et. al., 75-76).

Totoong sa tulong ng mga guro sa paaralan matutuhan ng bagong

henerasyon ang pagmamahal, pagtangkilik, pagpapahalaga at higit sa lahat

pagpepreserba sa katas ng wika at kulturang Pilipino na minsan nang ninakaw at

niyurakan ng mga banyaga sa mga nakalipas na dantaon.

Ang panahon ng globalisasyon ay isang malaking hamon para sa mga


gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino na maikintal sa isipan ng mga

estudyante ang mga konseptong napapaloob sa Filipino lalong-lalo na ang

pagpapahalaga nito. Hindi madaling tanggapin, tangkilikin at gamitin ng kahit


sinuman ang isang wika at kultura kung hindi niya ito lubos na nauunawaan at

hindi rin lubos na nagagamit.

Ang pagpaunawa sa kahalagahan at gamit ng wika ay nakasandig sa

balikat ng mga guro mula sa elementarya hanggang tersarya. Subalit,

nakalulungkot isipin na sa kasalukuyan ay iilan lamang ang mga estudyante na

may marubdob na pagpapahalaga sa wikang Filipino. Kadalasan mong marinig

mula sa umpukan ng mga estudyante na kapag “Filipino” salitang-ugat agad ang

mamumutawi sa kanilang bibig. Hindi lamang kabataan ang nagpakita ng

negatibong impresyon sa wikang pambansa maging ang iilang mga propesyunal

din. Kapag ganito ang sitwasyon mahihinuha na maaapektuhan din ang kanilang

pagpapahalaga sa asignatura pati na ang kanilang performans. Batay sa pag-

aaral na ginawa ni Calisang sa kanyang tesis kaugnay sa “Lawak ng Paggamit

ng mga Estudyante sa Wikang Filipino”, napatunayan niya na kalimitang ginamit

lamang ang wikang Filipino sa silid-aralan kung saan Filipino ang itinuturo at

kung nakapagsalita man nahihirapan pa rin sa paglalahad ng mga kahulugan sa

mga mahihirap na termino. Sa sitwasyon naman sa paggamit ng wika sa loob ng

paaralan, hindi pinapansin ng kapwa guro at estudyante ang bawat isa kapag

wikang Filipino ang ginamit sa pakikipagtalastasan at may halo pa itong

pangungutya (Calisang 59).

Batay sa napatunayan ni Calisang isang mahalagang aral ang napulot na


patatagin at palawakin pang lalo ang paggamit ng wikang Filipino bilang daan sa

totoong pagpapahalaga sa pagkakataong ituturo ito.

Ang mananaliksik ay naniniwalang hindi problema ang malawakang

Pagpapaunlad at pagpapaangat sa antas ng paggamit ng wikang Filipino upang

Maipakita ang taos-pusong pagpapahalaga nito. Ang tanging kailangan lamang

Ay pagsikapan ng mga gurong nagtuturo na maikintal at maituro nila nang

Maayos sa bawat estudyante ang kaepektibo ng paggamit ng wika sa

Pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa isang makahulugang pagkatuto.

Layunin ng mananaliksik na malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng

Mga estudyante sa asignaturang Filipino atmasuri kung nakaaapekto ba ito sa

Kanilang pakikipagtalastasan, performans at pagkatuto sa klase.

You might also like