You are on page 1of 1

Hulyo 9, 2020

PANDISTRITONG ONLINE NA
PAGPUPULONG NG MGA GURO SA
FILIPINO AT MTB-MLE

Ang pagpupulong ay pinangunahan ng


nina Gng. Myla F. Banansihan at Bb. Rose
Nanette R. Ugaddan mga guro ng palatuntu-
nan. Sinimulan ang pagpupulong sa pag-awit
ng Pambansang Awit sinundan ito ng isang
panalangin. Ang pambungad na pananalita ay
ibinigay ni Gng. Romelda O. De Jose, punong-
guro ng Paaralang Elementary ng Tadlac, sin-
undan ito ng mensahe ng ating Taga-masid
pampurok na si Dr. Allan G. Hostalero.

Tinalakay ni Gng. Regina N. Ramirez,


Punonggurong tagapag-ugnay sa Filipino ang
“Oryentayon sa Paggamit ng Pinaka-
mahalagang Kasanayang Pagkatuto (MELC)”.
Sinundan ito ng pagtalakay ni Gng. Romelda
O. De Jose, pununggurong tagapag-ugnay sa
MTB ang “Paano Gamitin ang MELC”. Ang
“PIVOT 4A Budget of Work” naman ay ipinali-
wanag ni Bb. Janice Mendoza, Gurong Taga-
pag-ugnay sa MTB ng Paaralang Bambang. Sa
huli tinalakay ni Gng. Lucy T. Dangue, Gurong
Tagapag-ugnay sa Filipino ng Paciano Rizal
ang “PIVOT Lesson Exemplar”.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga


guro na nagtuturo ng Filipino at MTB. Sa tulong
ng mga komite, mga guro at pamunuan ng Fili-
pino at MTB ang pagpupulong ay naging
matagumpay at maayos na nairaos.

You might also like