You are on page 1of 1

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Malitbog
TIMBA ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. : 2015 2016

NARRATIVE REPORT SA BUWAN NG WIKA

Ang wikang pambansa ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipagtalastasan


kundi nagsisilbing behikulo upang makamtan ang kaunlaran ng isang bansa. Ang
isang bansang Malaya at nagsasarili ay nararapat lamang nagtaguyod at gumamit
ng isang wika sapagkat sa wikay nakasalalay ang pagsulong at pag-unlad ng bansa
sa larangan ng ekonomiya, industriya, pangangalakal at iba pa. Kaya, naaayon an
gating tema, Filipino : Wika ng Pambansang Kaunlaran . Sa buwan ng Agosto,
isinilang at dinadakila ang mga bayani at nagging lider n gating bansa na
nagniningning ang mga nagawa sa kasaysayan tulad nina Pangulong Manuel L.
Quezon na kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa at ng Katarungang Panlipunan;
Pangulong Ramon Magsaysay, ang Kampeon ng Masang Pilipino .
Noong ika-28 ng Agosto taong 2015, ang mababang paaralan ng Timba ay
nagsagawa ng Kulminasyon sa Buwan ng Wika. Itoy pinangunahan ng panalangin
at pangmakabayang awit. Si Gng. Eufemia D. Agda ang nagbigay ng pambungad na
pananalita tungkol sa paggunita sa Buwan ng Wika na itoy mahalaga sa ating sarili
bilang mga mamamayang Pilipino. Pagkatapos, ditto nagsisimula ang pagtatanghal
na ang bawat baiting ay may kani-kanilang bilang na ipapakita sa entablado at
walang iba ang mga masiglang mag-aaral sa paaralang ito. Mayroong akrostik,
maramihang awit, katutubong sayaw at isahang awit. Binigyan din ng pagkakataon
na magbigay ng mensahe ang punong barangay na si G. Albino C. Montaos tungkol
sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay dapat pagyamanin ng mga Pilipino. Ang
sumunod naman ang isang tula ni Crissel Anne D. Sabucido nasa ikalawang baiting.
Isang Balagtasan naman ang bilang na ipinalabas ng ika-anim na baiting. Ang
pagdiriwang sa Buwan ng Wika ay isang matagumpay at nakapagbigay ng
magandang alaala ng mga panauhin batay sa kanilang nakita sa hapong ito.

Inihanda ni :
EUFEMIA D. AGDA
Guro

You might also like