You are on page 1of 3

HOLY CHILD JESUS COLLEGE

COLLEGE DEPARTMENT

GUMACA, QUEZON

KASAYSAYAN NG WIKA SA PILIPINAS

Noong dumating ang Kastila sa Pilipinas noong 1521, ang paraan ng pagsusulat ng mga
Katutubong Pilipino (Alibata) ay nadagdagan. Abecedario, ang impluwensiya ng alfabetong
romano. Ang mga nadagdag na letra ay "e" at "o". Kaya naging labing siyam (19) ang alfabetong
Pilipino. Ang unang paraan sa pagsulat ng mga katutubong Pilipino. Mayroong 3 patinig at 14 na
katinig. Ang alibata din ay hango sa kavi na paraan ng pagsulat ng Java.

May walong pagunahing wika sa Pilipinas, una, Kapampangan, ilokano, tagalog,


pangasinense, bikolano, waray, Cebuano, Hiligaynon. Noong 1899 Pinagtibay ng konstitusyon
ng biak-na-bato ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal. Kaya naman ang wikang tagalog
ang naging pangunahing wika sa Pilipinas na madalas ginagamit ng mga taga Luzon.

Si G. Manuel L Quezon na sa panahong yaon ay Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas,


ay nagmungkahi na nakasaad sa probisyon sa artikulo XIV ng konstitusyon ng Pilipinas ng 1935:
"Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral wikang katutubo." Noong 1935 intinatag ang Surian ng
Wikang Pambansa (SWP) upang mamuno sa paghahanap ng wikang Pambansa. Disyembre 30,
1937, inilabas ang kautusan tagapaganap Blg. 134 na nagaatas na Tagalog ang gawing batayan
ng Wikang Pambansa.
HOLY CHILD JESUS COLLEGE

COLLEGE DEPARTMENT
Mga dahilan kung bakit ang Tagalog ay ginawang Batayan ng Wikang Pambansa:
GUMACA, QUEZON
 Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog kumpara sa ibang wika.

 Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito,
kung ano ang bigkas ay siyang sulat.

 Ang wikang Tagalog ay may historikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginagamit sa
himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.

 May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog.

 Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas.

Si Pangulong Quezon ay ginawang "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa pagsusumikap


niyang magkaroon ng wikang pagkakilanlan. Ang wikang pambansa na tinatawag na Pilipino
ay naging matatag sa kanyang katayuan ng baguhin ang Konstitusyon noong 1973 sa
kapanuhunan ni dating Pangulong Marcos. Mga batas ukol sa Wikang Tagalog;

Ang Linggo ng Wika ay ginaganap tuwing Marso 29-Abril 2 ngunit noong Setyembre 23,
1955, ginawa itong Agosto 13-19 dahil sa kaarawan ito ni Manuel L. Quezon. Noong 1962,
ang sertipiko at diploma ay dapat nakasulat sa Wikang Pambansa, at ang Pambansang Awit
ng Pilipinas ay dapat nakasulat sa Filipino, mula sa "Beloved Land" naging "Lupang
Hinirang."

At noong Oktubre 4, 1971, ang SWP ay tinala ang 31 titik A, B, C, CH, D, E, F, G, H, I,


J, K, L, LL, M, N, NG, N, Ñ, O, P, Q, R, RR, S, T, U, V, W, X, Y, Z. Tinatawag itong
Pinagyamang Alphabeto. Noong Marso 12, 1987, naging Filipino ang Pilipino dahil ang
Pilipino ay tumutukoy na sa tao. At naging 28 ang Alphabetong Filipino at tinawag itong
"Makabagong Alphabetong Filipino" Sa panahon ni Pangulong Cory Aquino, ginawa niya
ang Filipino bilang opisyal na wikang Pantransaksyon.
HOLY CHILD JESUS COLLEGE

COLLEGE DEPARTMENT

GUMACA, QUEZON
1956 - SWP

1987 - LWP

1991 - KWF (Komisyon sa Wikang Filipino

Sa panahon ni Pang. Fidel Ramos, 1997, ang Linggo ng Wika ay ginawang Buwan ng
Wika. Ginaganap ito tuwing Agosto 1-31.

Mga Kontribusyon ng mga Presidente ng Pilipinas sa wikang Pambansa;

 Manuel L. Quezon - Ama ng Wikang Pambansa, dahil sa pagsusumikap niyang


magkaroon ng wikang kakilanlan.

 Ramon Magsaysay - ginawang Agosto ang Linggo ng Wika.

 Diosdado Macapagal - ginawang Filipino ang mga sertipiko at diploma.

 Ferdinand Marcos - gawing Filipino ang mga pangalan ng tanggapan ng gobyerno; ang
panunumpa ay sa Filipino.

 Corazon Aquino - Filipino bilang opisyal na wika sa transaksyon.

 Fidel Ramos- ginawang buwan ng wika ang linggo ng wika na ginaganap tuwing agosto
1- 31

 Pangulong Gloria Arroyo- palitan ang wikang Filipino sa pagtuturo , at gawin itong
Ingles upang maging "competitive" ang mga Pilipino.

 Pres. Noynoy Aquino - K-12

You might also like