You are on page 1of 1

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat.

Agosto na naman, ipinagdidiriwang natin


ang Buwan ng Wika, upang gunitain ang kasaysayan, kilalanin, panatilihin at paunlarin
ang wikang Filipino. Ang selebrasyong ito ay tanda ng ating pagbibigay-pugay at
pagmamahal sa ating inang bayan.

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang:


“Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”, ang
Paaralang Pang Elementarya ng San Miguel ay naghanda ng Virtual na Patimpalak na
kinabibilangan ng mga mag-aaral. Matutunghayan ninyo ang poster making sa
kindergarten, tula sa unang baitang, awit sa ikalawang baitang, pagguhit ng poster sa
ikatlong baitang, masining na pagkukwento sa ikaapat na baitang, talumpati sa
ikalimang baitang, at deklamasyon sa ikaanim na baitang. Kaya’t halina at ating
tunghayan ang presentasyon ng bawat kalahok…

You might also like