You are on page 1of 1

CNHS Intramurals 2023: Umarangkada nang Muli

Nagningning muli ang sigla at aktibidad sa opisyal na pagbubukas ng


CNHS Intramurals 2023 na may temang “Achieving Excellence and
Sportsmanship Through Sports” ngayong Miyerkules, ika-11 ng Oktubre.
CNHS INTRAMURALS 2023

Pinangunahan nina Ma'am Reishel Ladino at Sir Ezekiel Cariño ang


programa na naging dahilan ng mas kapana-panabik at masiglang
intramurals na dinaluhan ng Citrusians mula sa iba't-ibang baitang.
Sinimulan ang makulay na parada sa ganap na ika-2 ng hapon ng mga
koponan mula sa iba’t-ibang antas, ka-akibat ang CNHS Boys Scouts, mga
guro, mga mag-aaral, at mga kawani mula sa iba't-ibang curriculums.
Kasabay nito ang paglalaban-laban ng mga manlalaro sa pangunahing
mga paligsahan na basketball, volleyball, at chess.
Lalo pang naglagablab ang buong Multi-Purpose Hall sa pagtatanghal
ng natatanging kisig at ganda ng mga contestants sa Mr. And Ms. Intramurals
2023. Dumalo dito sina Mark Kenneth Reyes at Louniebele Jayogue na
pinakahuling nagtamo ng titulong ito, bilang isa sa mga hurado.
Ipinamalas ng Citrusians ang kanilang suporta sa kapwa mag-aaral, sa
pamamagitan ng pagpapasikat sa kani-kanilang yell at mga hiyawan na lalong
nagpa-init at nagpakulay sa programa.

You might also like