You are on page 1of 1

October 27, 2023

BOBBY FORTUNO
Brgy. Captain
Barangay Vasra
Quezon City

___________________________

Magandang Araw!

Ang liham na ito ay aming isinusumite bilang pormal na kasulatan upang hingin ang inyong
tulong sa aming pangangailangan. Kagabi, Oktubre 26, 2023, ay nakausap namin si Kapitan
Bobby Fortuno tungkol sa aming Taekwondo Competition bukas, Oktubre 28, 2023 (Sabado).
Kami ay humihiling na bigyan kami ng assistance sa paggamit ng service o pagsponsor ng
aming magiging transportasyon para sa kompetisyong ito.

Ang aming grupo na Everybody's Taekwondo Mission o ETM ay lalahok sa taunang LGPT
(Love God, People and Taekwondo) Championship Games na gaganapin sa St. Matthew
College, San Mateo Rizal.

Sasali ang nasa 35 kabataang manlalaro, 8 coaches ng ETM kasama ang nasa 20+ ding mga
magulang ang tutungo sa kompetisyon. Halos lahat kami ay taga Baranggay Vasra kaya't isang
karangalan din na mairepresent ang ating Baranggay sa pamamagitan ng ETM at ng
kumpetisyong ito.

Sa kadahilanang ito, kaya kami po ay humihingi ng tulong sa inyo na suportahan ang aming
adhikain sa pamamagitan ng pagsponsor ng aming magiging transportasyon sa labang ito.

Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong pagsuporta.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Gretel Delos Martirez


ETM - Senior/ Coach
Palanas D, Brgy. Vasra Q.C
Mobile:

You might also like