You are on page 1of 2

John Brandon Servito Victoriano

Mabuhay Chrysanthemum, sa napakaganda at napakahusay na guro na naririto


magandang umaga po, sa mga nag gagandahan at nag gagwapuhan na mga estudyanteng
naririto at sa iba pang naririto isang maganda at mapag palang araw sa ating lahat.
Maraming salamat po sa inyong pag payag na ako’y makapagsalita sa inyong
harapan. Ako ngayon ay naririto dahil nais ko sanang hingiin ang inyong suporta sa
nalalapit na sk election sa ating barangay. Kung hindi ninyo naitatanong ay tatakbo sana
akong sk chairman ng ating barangay kung kaya’t aking kakailanganin ang suporta ng
bawat isa sa inyo. Sana ako ay inyong tulungan upang makamit ang tagumpay at
pagbabago sa ating barangay.
Kung ako naman po ay papalarin na manalo ay aking sisiguruhin na ang bawat
isang estudyante ng senior high school ay makakatanggap ng tig tatatlong libong piso
bilang suporta sa inyong pag aaral. Bukod sa tulong pinansyal ay sisiguruhin ko ring sa
tuwing may liga sa ating barangay ay hindi na lang puro basketball ang palaro, sisiguruhin
kong open na ang liga sa ibat ibang laro gaya ng volleyball, badminton, chess, e-games at
mga larong panlahi upang lahat ng bata sa ating barangay ay mag enjoy at sumali. Higit sa
lahat kung ako ay papalarin na manalo sa darating na eleksiyon ay bibili ako ng N-MAX
para may service na tayo upang mabilis na marespondehan ang nangangailangan sa ating
barangay. Syempre kung tatanungin nio naman kung ano ang maitutulong ko sa
pagapaganda ng ating barangay ay nais ko sanang maglagay ng mga umiilaw na parol sa
bawat kanto ng barangay at ito’y hindi dapat tanggalin kahit tapos na ang pasko dahil nais
kung patunayan na araw araw ay pasko lagi.
Ilan lamang yan sa mga gagawin ko kung ako ay sakaling manalo sa paparating na
eleksiyon. Inaasahan ko ang suporta ninyong lahat at maraming salamat sa pag lalaan ng
inyong panahon upang makinig sa aking mga plataporma sa eleksiyon ngayong taon. Muli,
maraming maraming salamat po at isang mapagpalang umaga sa ating lahat.

You might also like