Nagagalak po ang aking puso na makita kayong lahat
Ako ay taos pusong nagpapsalamat sa inyo dahil pinili niyo akong maging sk chairman ng ating barangay.
Maraming salamat sa inyong buong suporta at inyong pagtitiwala
sa akin at sa pagtitiwala na ito, ating tutuklasin ang bagong pag-asa at kinabukasan ng ating minamahal na barangay. Ayon sa kasabihan ni Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, nangangahulugan ito na ang kabataan ay dapat na mahubog sa tamang landas. Nasa ating mga kamay ngayon ang pag-asa ng bayan. Iyan ang pangunahin at pinakamahalagang tungkulin ng ating kabataan. Kaya dapat pakinggan ang kabataan dahil tayo mismo ang magtaas ng ating bayan.
Ipinapangako ko sa aking mga kababayan na mamumuhay silang
mapayapa sa ilalim ng aking pamumuno. Gagawin ko ang lahat upang maging matagumpay ang aking pamumuno sa barangay na ito. Talagang nagpapasalamat ako dahil sa iyo ay tutuparin ko ang pangakong ito hanggang sa matanggal ako sa aking posisyon. Maraming salamat.