You are on page 1of 1

Abril 1, 2007

Para kay Rizal,

Una sa lahat, binabati kita nang magandang umaga! At ako'y taos pusong susulat bilang
pasasalamat sa iyong mga nagawa para sa ating minamahal na bayan.

Ika'y isang dakilang bayani, yan ang alam ng lahat. Hindi ko lubos mabilang sa aking
daliri ang iyong mga nagawa kung kaya't nais kitang pasalamatan dahil sa iyong
kagitingan. Ang iyong mga nagawa ay siyang nagiwan ng marka ng iyong kabutihan at
kahusayan na siyang naging dahilan upang mamulat ang aming isipan. Pinatunayan
mong maaari tayong makipaglaban na walang dahas bagkus ay ginamit mo ang iyong
katalinuhan. Ika'y isang instrumento upang makamit natin ang kalayaan at habang
bahay kaming magpapasalamat sa iyong kabayanihan. Kung tutuusin ay hindi sapat
ang salitang "salamat" upang kaming lahat ay tumanaw ng utang na loob mula sa iyo.
Ibinuwis mo ang iyong buhay ng walang pasubali alang-alang sa kapakanan ng iyong
bayan at kababayan. Hindi namin matumbasan ang ginawa mong kadakilaan. Hindi rin
sapat ang papuri at paggunitang ginagawa ng bayan mo para sa iyo. Hindi man namin
matumbasan ang ginawa mong kadakilaan, mananatili pa rin sa aming puso ang
pagmamahal mo sa iyong bayan. Kung ikaw lamang ay nananatili sa bayang ito,
nasasaksihan mo sana ang maling pananaw ng iyong mga kababayan sa ating lipunan,
ikaw sana ang nananatiling instrumento para mailagay sa maayos na kalagayan ang
ating Inang Bayan at upang maituwid ang mga maling pananaw.

Muli akong pagpapasalamat ng walang hanggan at ika'y mananatiling aming dakilang


bayani. Sapagkat ang iyong mga nagawa ay walang katumbas at habang buhay naming
isasabuhay.

Lubos na gumagalang,

Binibining Angel Rose Andrada

You might also like