You are on page 1of 1

Erehe at Pilibusterismo,

Lulan nga ba ay kalayaan ng bayan mo?


Ang paghihirap mo nga ba ay nasuklian sa kasalukuyan?
Kung waring kaming kabataan ng iyong pag-asa ay tila ika'y nakalimutan.

Bitbit ang aming papel at panulat,


Siyang impluwensya mo ang nakatatak at nakasulat,
Katalinuhang taglay namin ay ikaw ang nagmulat,
Pagbibigay ng yong buhay sa bayan, nawa sana ay sapat.

"Kabataan ang Pag-asa ng Bayan"


Rizal, ano nga ba ang silbi naming kabataan,
Kung ang aming isip at puso ay iba ang kinahihiligan.
Ihambing man at tuwiran, kaylanman di ka mapapantayan.

"Rizal, patawarin mo kami,"


Kung ang iyong sakrispisyo ay naiisantabi.
Animo'y mang-mang sa salitang lingid sa aming kaalaman ay nagpalaya sa Inang
Bayan.

Pangako koy tataglayin hanggang pagtatapos.


Literatura mo'y isasapuso kahit bulsa ko'y kapos.
Isisigaw ang katapangan mo, kahit lalamunan ay paos.
Susundan ang mga yapak, di padadaig sa hunos.

Ikaw na siyang nagsabi na "Kami ay iyong Pag-asa"


Pag-asa na mula sayo ay aming natatamasa.
Sa mga panahon na kaming iyong mga anak ay nalulugmok at nawawala sa
direksyon ng iyong mga paa.

Lalaon at mawawala, bunga ay di masasalaula.


"Consummatum Est," hindi matatapos at hindi mawawala,
Bagamat ito ang simula, ng aking walang hanggang panata.

You might also like