You are on page 1of 2

Isang mapagpalang araw sa bawat isa, maari ko po bang mahiram kahit konting minuto

ang inyong mga tenga? Maraming Salamat. Magsisimula ako sa isang tanong? Gusto
nyo po ba ng maayos, malinis, payapa at may seguridad na barangay ? Kung Oo,
pareho tayo.
Ako si Lovell “Love “ Guro Casimero, residente ng barangay Liwanag halos tatlong
dekada na. Ako ay isang mamamayan ng barangay na walang ibang hinangad kundi
ang mapabuti ito. Kung kayat sa unang pagkakataon ako ay naglakas loob na tumakbo
bilang isang barangay kagawad para sa taong ito. Opo, wala po akong partidong
kinabibilangan, datapwat hindi ito magiging hadlang sa aking malinis at mabuting
layunin para sa ating barangay.
Ang isang kagawad, ay kaagapay ng punong barangay, kaakibat din ito ng mga
mamamayan ng sa isang barangay, kung kayat ang aking unang layunin ay
paigtingingin, ipagpatuloy ang kawang gawa at palakasin ang mga program hindi lng isa
ang makikinabang datapwat lahat ng mamamayan sa barangay.
Seguridad at Kaayusan: "Barangay Safe and PeaceNet: Para sa Maayos na
Pamumuhay" uumipisahan ko sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ng ating
barangay. Kung inyong mapapansin, hindi man nating hilingin pero madami sa
nakaraang buwan ang naaksidente. Dahil dito mas naging una sa aking listahan ang
pag sasaayos ng seguridad sa barangay, CCTVs, first aid kits, street lighting
maintenance, signages ay dapat lng na maipatupad at bigyang importansya, dahil
bawat isang buhay ay mahalaga.
Pangalawa, Partisipasyon at Komunikasyon: "Barangay ConnectEngage
Platform" ako po ay may titulong may kinalaman sa teknolohiya at media na alam
naman nating lahat na sa modernong mundo dapat may alam tayo sa pagbabagong ito.
Sa pagkakataong ito, nais kong makita ang pagkakaisa ng isang barangay sa
pagkakaroon ng malwak na partisipasyon sa aktibidad ng barangay at apkikilahok sa
mga programang possible pang maibigay ng barangay.
Sisikapin ko pong gawin ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ko po
ating mga kabarangay. Ngayon pa lamang, ako po ay nagpapasalamat sa pagpapakita
ng inyong suporta sa aking kandidatura sa pamamagitan ng inyong pakikinig.
Sa muli ako si Lovell “ Love” Guro Casimero, will surely Lead with optimism and
vision to empower our barangay, serbisyong may puso LOVE. Maraming Salamat.

You might also like