You are on page 1of 1

Para ito sa gurong nagturo at nagbigay pang liwanag sa amin sa mga bagay na dapat lubos na

pahalagahan, isabuhay, at isulong sa ating lipunan. Lubos po naming ikinagagalak na kayo ay naging
parte ng aming tahakin. Makakaasa po kayo na aming tutuparin ang aming mga tungkulin na dapat
gampanan sa lipunan, sa bansa, sa mga tao at sa mga taong nagpapagalaw rito. Makakaasa po kayong
magiging responsible kaming mga mamamayan ng bansang ito at lagi’t laging pipiliin ang tama para sa
ikabubuti ng bayan. Sa pagmulat namin, nangangako po kaming hindi na kami pipikit at tatalikod sa
kinakaharap at kakaharaping delubyo ng bayan. Titindig. Gagamitin ang boses. Ang pagiging makabayan
at makabansa ng bawat isa sa amin ay tuluyan pong aalab. Maraming salamat po sa pagsindi ng ningas
sa aming mga damdamin. Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa amin, dito sa daang hindi gaanong
dinaraanan nang karamihan. Hinihiling po namin na marami pa kayong estudyanteng mahubog at
mamulat sa mga susunod pang mga taon ng inyong pagtuturo. Maraming salamat po sa inyo Maám
Calalo!

You might also like