You are on page 1of 1

Labanang Walang Hanggan sa Intramurals: Chess Contest sa Naga College Foundation

Sa pag-usad ng mga araw, nagiging lalo pang popular ang laro ng chess sa mga kabataan. Isa itong sining
at isports na nagbibigay hindi lamang aliw, kundi nagpapalawak din ng kaalaman sa strategic thinking at
critical analysis. Sa katunayan, sa nakaraang Intramurals ng ating paaralan, isang makulay at
makabuluhang paligsahan ang ipinamalas ng mga mag-aaral sa Chess Contest.

Isang linggo ng kakaibang tensyon at labanang intelektwal ang naganap sa ating paaralan.The goal of the
Chess Contest is to bring together players from different colleges and skill levels in the game of chess.
Ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang husay sa pag-iisip at paggawa ng mga matalinong galaw at pag-
aanalyze ng kalagayan sa board upang makuha ang pinakamahalagang korona sa chess.

Sa ikalawang araw ng Intramurals ay sinimulan ang Chess Competition na ginanapan ng iba't ibang
kalahok galing sa magkakaibang Colleges. Sa boys category ay nakuha ng College of Accountancy and
Finance ang ika-apat na pwesto out of 8 Colleges, nakuha naman nila ang ika tatlong pwesto sa Girls
Category na hindi na masama. At ang nakakuha naman nang unang pwesto sa Boys Category ay ang
College of Criminal Justice and Education at sa Girls Category naman ay mula sa College of Health
Sciences.

Isa sa mga kagandahan ng Chess Contest sa Intramurals ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na


makilahok ang lahat ng interesado, mula sa mga baguhan hanggang sa mga beterano. Sa bawat laban,
hindi lang ang pagiging magaling sa chess ang ipinakita, kundi pati na rin ang pagiging matatag,
disiplinado, at konsentrado. Sa bawat galaw, makikita ang pagpupunyagi ng bawat manlalaro na
magtagumpay at makuha ang respeto ng kanilang mga kalaban.

You might also like