You are on page 1of 1

Napiling Paksa: Abstrak mula sa isinulat na pananaliksik noong nakaraang taon.

ABSTRAK
Pamagat: Antas ng Kaalaman ng Kabataan sa Alibata o Baybayin ng isang Pribadong Paaralan
Mananaliksik: Niño D. Pabellano
Paaralan: Kolehiyo ng Sacred Heart
Tagapayo: Mayeth C. Nayve-Pareja
Petsa: August, 2010
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makalap ang kaalaman at kagusutuhan ng mga mag
aaral ng Sacred Heart College sa paggamit ng alibata o baybayin. Ito ay naka pokus sa ika-labing
isang baytang ng STEM strand ng paaralan at ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraang
sampling at online na mga sagutan upang makalap ang sapat at nararapat na mga datos. Ang
resulta ng pag-aaral ay magsasalamin sa interes ng mga mag-aaral kung nais ba nilang matutunan
ang paggamit ng alibata sa makabagong panahon at dito magmumula ang rekomendasyon ng pag
aaral.

Ang mga sumusunod na tanong ay naglalayon na ang pananaliksik na ito ay


maipapabatid sa mga kabataan, ang mga impluwensya antas ng kaalaman ng kabataan sa
alibata o baybayin sa isang pribadong paaralan. 1. Ano ang demograpikong tala ng mga
tagapagsagot? 2. Ano ang impluwensiya ng antas ng kaalaman ng kabataan sa alibata o
baybayin sa isang pribadong paaralan? 3. Sa nakasaad na demograpikong tala, mayroon
bang halagang pagkakaiba ang impluwensya ng kaalaman ng kabataan sa alibata o
baybayin sa isang pribadong paaralan sa pananaw ng kabataan sa sarili? 4. Sa nakasaad
na resulta ng pag-aaral, anong kagamitan and maaring mabuo?

Ang isinagawang pananaliksik ay nasa disenyong kwalitatibo at nakasentro sa mga mag


aaral ng ikalabing-isang baitang ng Senior High School sa Kolehiyo ng Sacred Heart.

Batay sa talahanayan, 3.21 ang nakuhang kabuuang bilang ng mga lalaking estudyante at
3.15 naman ang mga babaeng estudyante. Ayon sa resulta, ang computed value na 0.34 at
critical value na 1.664 ang lumabas sa pinagkumparang kasarian kaya walang halagang
pagkakaiba ito. Sa akademikong istrand naman, nakakuha ng timbang na 3.26 ang STEM
1, 2.89 ang STEM 2, 3.11 ang STEM 3, 2.78 ang STEM 4, 2.85 ang STEM 5, 2.68 ang
STEM 6 at 3.11 sa STEM 7. Nakamit ng resulta ang Computed Value na 13.032 at
Critical Value na 2.95 na nagpapatunay na may halagang pagkakaiba ito

Dahil sa pag-aaral na ito na suri ng mga namamaliksik ang kagusutuhan ng mga mag
aaral ng Sacred Heart College sa paggamit ng alibata o baybayit at ang interes ng mga
mag-aaral kung nais ba nilang matutunan ang paggamit ng alibata sa makabagong
panahon at dito magmumula ang rekomendasyon ng pag-aaral.

You might also like